'Lang hiya ginamitan pa ako ng awtoridad!'
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng amo.
Matapos kunin ang gamit sa kotse ay binalikan niya ito.
"I know gentleman ka, so please, behave"
'Lintek! Inunahan pa ako.'
"Ofcourse" tanging nasagot ng binata.
Inayos niya ang mga gamit at pumasok sa banyo, naligo siya, buti na lang kumpleto ang napamili nila.
Ilang sandali pa, tapos na siya at handa ng magbantay sa dalaga.
Nakahiga na ito at balot sa kumot.
"Sa'yo ang isang unan diyan"
"Thanks"
Umupo siya katabi ng dalaga, nakasandal siya sa headboard ng kama ito naman ay sa kabilang gilid pero nakaharap sa kanya.
"Gian"
"Bakit?"
"Salamat ha"
"Saan? Sa libreng pagkain o sa pagbabantay?"
"Pareho, sorry din sa eskandalo kanina"
"Tama lang 'yong ginawa mo, para magtanda sila"
Napatingin sa kanya ang dalaga.
"Masyado ka kasing gentleman, akala nila okay lang"
"Ganon lang talaga, nakakahiya namang barahin. Matulog ka na"
"Sige, good night"
"Good night wala bang kiss?"
"Wala!"
Tumawa na lang siya.
Napapalunok siya habang nakatingin sa dalaga.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at lumayo.
Muli siyang sumandal sa headboard.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagdasal ang binata ng matindi.
Matindi pa sa hiniling niyang mabuhay siya noong nag-aagaw buhay siya noon.
Ipinikit niya ang mga mata.
Napaigtad si Gian ng maramdamang may mabigat sa kanyang braso, nilingon niya kasabay no'n ay ang pagdantay ng binti nito sa beywang niya!
'Wow! Kung makapulupot lang daig ang asawa!'
Nang biglang may sumagi sa kanyang isipan.
Napangiti siya habang inaabot ang cellphone sa mesa.
Ilang sandali pa, handa na siya.
Ayos!
Isang shot lang!
Ngumisi siya pagkatapos mapagmasdan ang kuha.
---
Pagdating nila sa Site ay agad niyang nasalubong ang manager.
Nagkamustahan at bumaba sa tunnel.
Tinanong niya agad ang estado ng mga ito.
"Kaya na ho nating makapag load hanggang one hundred fifty tons daily"
"Good, so almost twenty tons per hour ang nakukuha niyo?"
"Yes Ms."
"Good, gusto ko sanang makita ang report."
"Heto po" ibinigay nito sa kanya ang hawak na folder.
Agad binasa ng dalaga ang papeles.
"Good! Nice job Mr. Malvar"
"Thank you Ms."
Napansin ng dalaga na tumingin ito sa likuran.
"Ah, Mr. Malvar, Gian Villareal, my bodyguard "
Tanguan lang ang ginawa ng dalawang lalaki.
"Hindi na kami magtatagal Mr. Malvar"
Inilibot niya ang tingin. "Wala namang malaking problema dito hindi ba? "
"Thank you Ms. Ellah"
"Pagbutihan niyo dito"
"Sige po"
Ilang sandali pa, nakalabas na sila at nagbyahe pabalik.
Hindi naman naging masama ang pagpunta nila kahit pa na delay ng isang araw.
Hindi rin naman sila nagkasama ng bodyguard sa iisang kwarto dahil may mumurahing nabakanteng silid at lumipat ito roon.
Huminga siya ng malalim at nagsalita.
"Gian, gusto ko munang magpahangin."
"May alam akong magandang lugar," nakangiti nitong tugon.
---
Dinala siya ni Gian sa bundok.
Sunod-sunuran lang siya dito hanggang sa nakarating sila sa maraming taong lugar
"Gian anong gagawin dito?"
"Relax lang I'm sure magugustuhan mo."
Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata niya ay nakatitig sa paparating na isang bagay.
"Let's go?"
"Gian ano 'yan?"
"Parang cable car? O ano? Tara na? exciting 'yan."
Umatras ang dalaga.
"May, may meeting pa pala ako"
Natawa ang binata.
Kinausap ang operator saglit lang bumalik na ito.
"Come on, huwag kang matakot, nasa likuran mo ako"
Napapailing si Ellah.
"Tara na, uunahin ko na lang ang meetings ko, tama para hindi na ma i-cancel."
"Ms. Ellah ano ka ba? Minsan lang 'to. Halika na"
Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at hinila siya papasok.
Silang dalawa lang ang naroon.
"H-hindi ko kaya, natatakot ako"
"Wala 'yan"
Ilang sandali pa, nagsimulang gumalaw ang cable car.
"Holy s**t!"
Kapit na kapit siya sa braso ni Gian habang mariing ipinikit ang mga mata.
"Open your eyes, sayang ang view"
"Hindi ko kaya"
"Magtiwala ka, nagawa mo ngang lagpasan ang mga bala ito pa kaya?"
Matagal, bago dahan-dahan niyang ibinuka ang isang mata, pero dinalawa na niya nang makita ang dinadaanan nila.
"Wow!" manghang-mangha ang dalaga.
"I told you"
"Ang ganda naman! Mag picture ka dali!"
Natatawang sinunod nito ang sinabi niya.
Dumungaw si Ellah sa ilalim at nalula siya, muli siyang napakapit sa braso ni Gian.
"s**t!"
"Why?"
"Nakakatakot pala ang ibaba"
"Huwag kang tumingin doon"
Huminga siya ng malalim at sinulit ng mga mata niya ang magandang tanawin.
Napansin niyang malapit na silang makarating.
"Isa pa please"
"What?"
"Sige na, hindi ko masyadong na enjoy ang view kasi half na lang ang nakita ko" ungot niya.
Natatawa ang binata habang bumababa sila.
Pero pagtingin sa kabila napakahaba ng linya.
"Next time na lang"
Pero mapilit ang amo.
"No! hindi na ako muling makakabalik pa dito, alam mo ang trabaho ko, minsan lang 'to eh"
Napabuga ng hangin ang binata.
"Paano 'yan pipila tayo?"
"No"
"Ms. Ellah, hindi ka pwedeng makisingit diyan, bawal 'yan magagalit sila"
"Who told you makikisingit ako?"
Napanganga si Gian nang lumapit ang amo sa operator at sinabing bibilhin ang sasakyan.
Napatingin ang lahat kay Ellah.
"Madam, hindi po namin 'yan ibinebenta."
"I want to ride again, so name your price"
Napatanga ang lalaki.
Hinila siya ng binata.
"Ms. hindi pwede 'yan"
"Why? I will double or triple that price until we can ride again"
"No, hindi mo naiintindihan"
"Ikaw ang hindi nakakaintindi"
"Look, sa ginagawa mo magkakaroon ka ng kaaway niyan"
"I don't care!"
Binalikan niya ang operator at nilingon ang mga nakapila.
"Kayong lahat diyan! Ililibre ko kayo basta paunahin niyo ako!"
Nagbulungan ang lahat.
Unti-unti siyang napapangiti dahil magtatagumpay na siya!
"No!"
Napalingon sila sa nagsalita. Ang babae ang pinakahuli at kung pipila sila, sila ang pinakahuli.
"If you do that, I can do that too. But I'll make sure I'm the one next to her" itinuro nito ang naunang babae.
Nagreklamo ang mga nakapila.
"Aba! Walang ganyanan Ms. hindi kami papayag! Kung gusto mo ilibre mo rin kami. Pero sa amin mo na ibibigay ang pera kasi ililibre na kami ng magandang babae."
"No way! Ililibre na nga kayo abusado naman masyado!"
Tiningnan niya ang babaeng nagreklamo.
"I'm sorry to say this, but they won't agree" aniya at naglakad na papunta sa unahan.
"I'm sorry to say but I won't agree too!" humarang ito.
Natahimik ang lahat habang nakatingin sa kanila.
"Get out of my way" kalmante niyang wika.
"No!" nilapitan siya ng babae at nagsukatan sila ng tingin.
Napansin niyang nilapitan ito ng lalaki sa likuran.
Lumapit din si Gian sa likod niya.
Lumapit din ang operator at pumagitna sa kanila.
"Mga sir, ma'am, 'wag po kayong ganyan, pag-usapan na lang ninyo ito ng maayos. Huwag niyong idamay ang trabaho ko"
Tikom ang bibig nila habang lumalayo sa bawat isa.
---
Mabilis na hinila ng binata ang amo niya.
Tinitigan siya ni Ellah.
"I won't! papaliguan ko ng pera ang babaeng 'yon!" anito at muling bumalik.
"Ellah naman!" sumunod siya dito.
"Hoy ikaw! Magkano ka ba?"
Napalingon ang babae.
"What!"
"Sabihin mo at ililibre na lang kita, kahit dalawang rides ka pa ikaw na lang ang hindi sumang-ayon eh"
"Great! Sa tingin mo kaya mo akong bayaran?"
Hindi siya umimik at dumeretso na sa pila.
"Ang kapal mo para talikuran ako!" sabay hila sa kanyang buhok.
"b***h!" hinarap niya ito.
Ilang sandali pa nagsabunutan na sila!
"Back off lady!" malakas na itinulak ng lalaki ang dalaga kaya natumba ito.
At kitang-kita 'yon ni Gian!
Sinuntok niya sa panga ang lalaki kaya napaatras.
"f**k!" malakas na mura ng lalaki.
Gumanti ito at saglit lang nagpambuno na sila!
Walang kayang umawat sa kanila.
At ang dalawang babae ay nagrambulan din!
Nagpagulong-gulong ang mga 'yon sa semento habang nagsasabunutan at nagsasapakan!
Sabay silang tumayo ng lalaki at sabay ding nagbunutan ng baril!
Nagkagulo ang mga tao!
"I'm gonna kill you f**k!" wika ng lalaki habang tinutukan siya ng baril sa ulo.
"Do it, now!" nakatutok ang baril niya sa ari nito kaya unti-unti niyang inangat deretso sa noo ng kaharap.
Ngayon parehas na silang nagtutukan.
Napahinto ang dalawang babae.
"Kill him Nick!" sigaw ng babae.
"Shut-up!" sigaw din ni Ellah!
Katahimikan.
Tumalim ang titig ng binata sa kamay ng lalaki, nakikita niya ang susunod nitong gagawin.
Pumutok ang baril!
Pero nakayuko siya, pinaputukan niya ito at nakailag din.
Nagsigawan ang dalawang babae at nakadapang gumagapang palayo.
Harap-harapan silang nagbabarilan!
Patayan kung p*****n walang atrasan dahil walang mapagkukublihan!
Nang magkaubusan ng bala
ay sabay ding itinapon ang baril.
Mano-mano sila ngayon.
Sinugod siya nito pero malakas niya itong sinipa sa sikmura kaya napaatras.
Lumapit siya para tadyakan naman ito pero nasalo ang isa niyang paa at pinaikot 'yon.
"f**k!"
Talagang nasaktan siya, iniangat niya ang sarili mula sa lupa at sinipa ng isang paa ang dibdib nito kaya nabitiwan siya.
"f**k!"
Natihaya ang lalaki at mabilis niya itong sinakyan at sinuntok sa mukha.
Pero nagawa siya nitong sakalin sa pamamagitan ng isang kamay.
Pinigilan niya ito ng isang kamay niya.
Malakas ang pwersa nito at hindi niya kayang kumawala.
Dalawang kamay na siyang sinasakal nito.
Gumapang ang isang kamay niya patungo sa batok nito at may pinisil.
Saglit lang wala na itong malay.
Niluhuran niya ito.
"Tarantado ka pinahirapan mo ako!" sabay batok sa ulo nito.
Kinapa niya ang bulsa nito at nakuha niya ang pitaka, agad niyang binuksan.
"Nicholas Cordova"
Isa itong sundalo, posibleng awol o nagbabakasyon lang.
Kung ganon, parehas lang silang may tungkulin sa bayan.
Hindi siya makapaniwala na ang kanyang natalo ay isang sundalo.
Inilagay niya sa dibdib nito ang pitaka bago iniwan.
Hinanap niya ang dalaga pero hindi niya ito makita.
Tinawagan niya ito, agad namang sumagot.
"Ms. Ellah nasaan ka?"
Nang sinabi nito ang kinaroroonan ay agad niya itong pinuntaham.
Nakita niyang sinisipa ng babae ang pintuan ng cubicle ng CR at kunti na lang bibigay na ito at tuluyan ng mabubuksan.
Hindi siya nagsalita pero may ibinato siya sa ibabaw ng cubicle deretso sa loob.
"Holy s**t!" sigaw ni Ellah mula sa loob.
Napalingon ang babae sa kanya.
Bumukas ang pintuan sa huling sipa nito, lumabas ang dalaga.
"b***h! Back off!"
Awtomatikong tumaas ang mga kamay ng babae habang nanlalaki ang mga mata.
Sino ba ang hindi kung ang nakatutok ay baril sa noo mo?
Mahigpit ang pagkakahawak ni Ellah sa baril.
"Get out!"
Kumaripas ito ng takbo!
Napansandig ang dalaga sa dingding pagkaalis nito.
"Why did you do that!"
"What?"
"Binato mo ako ng baril!"
"Ha? Sorry tinamaan ka ba?"
Lumapit ang dalaga at niyakap siya.
"Thanks God you're alive!"
Niyakap niya rin ito sabay kuha ng baril sa kamay ng dalaga.
"Okay ka lang ba?"
"Okay lang, sorry, sorry talaga"
"It's not you're fault. Nakita kong itinulak ka ng hayop na 'yon kaya sinapak ko. I'm sorry, kasalanan ko at dinala kita dito."
Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga.
"Pasensiya ka na, this is all my fault"
"No, kasalanan ko"
"I'm sorry"
"Sorry din"
Matagal silang nagyakapan.
Pero maya-maya lang kumalas ito, at naglakad sila palabas.
"Nakakainis ka muntik na akong tamaan nong baril ah!"
"I need to pero wala 'yong bala"
"What?!"
Tumango siya at inakbayan ito.
"Back off!"
Pero hindi niya sinunod ang utos nito.
"You're right, hindi na nga tayo makakabalik dito"
Maya-maya pa nagseryoso na siya.
"Ms. kung sakali bang napatay ako kanina, makikiramay ka ba?"
Biglang huminto ang dalaga, huminto din siya. Inalis ang kamay niyang nakaakbay sa balikat nito.
"Hindi"
Hindi na siya umimik.
Wala talaga itong awa, kahit sa huling pagkakataon hindi siya nito lalamayan.
"Hindi ka mamamatay at hindi mo ako iiwan. Sasabihin ko kung kelan ka mawawala sa mundo" muli itong naglakad nang hindi man lang siya nilingon.
Napangiti ang binata.
Hindi niya mawari ang pakiramdam. Napakasaya niya. Hindi man derektang sinabi ng dalaga, pero alam niyang siya, ay pinahahalagahan na!