Pauwi na sila galing sa opisina kaya lang nakasimangot ang dalaga habang nagmamaneho siya, kaya tinanong niya ito.
"May problema? "
"Oo "
"Ano 'yon?"
Hindi na bago kung may problema ang amo sa laki ba naman ng responsibilidad nito.
"Gusto kong manood ng sine. "
"Wow! Ang laki ng problema mo. "
"Hindi nga, maganda kasi ang movie na 'yon. Hollywood at sikat 'yon."
"Anong problema?"
"Wala akong kasama."
"Problema nga 'yan."
Ayaw niya kasing siya ang kasama gaya noon baka mangangarap na naman siya at delikado 'yon.
"Tawagan mo ang isa sa mga naka date mo noon," suhestyon niya.
"Kaya lang, nahihiya ako, babae ako eh tapos ako ang mang-iimbita? Eh sabi mo hindi 'yon maganda kaya naisip ko ikaw na lang. "
Bigla ang kanyang pag preno.
"Aray ko naman!" muntik na kasi itong masubsob sa dash board.
"Sorry"
Tinitigan siya nito.
"Busy ako, may kausap ako hindi ako pwede. "
"Sige na please? Alangan namang isama ko si lolo. "
"Eh 'di ang mga kaibigan mo. "
"Wala ako no' n," nakasimangot na saad nito.
"Kawawa ka naman. "
"Papayag na 'yan," tudyo nito sabay ngiti.
Huminga siya ng malalim "As if I have a choice. "
"Yes!"
---
Papasok sila sa sinehan.
"Ms. pilahan dito. "
"I know"
"Pinaalala ko lang baka hindi ka na naman pipila. "
"Kainis ka!"
Pumila na sila at nang makabili ng dalawang ticket, kinalabit siya ni Gian.
"Action pala 'to? Aba! Maganda. "
"Siyempre, The Hitman's Bodyguard kaya, I'm sure magugustuhan mo. "
"Let's go?"
"Sure"
Inalalayan siya nito.
"Three steps behind, " taas ang kilay na wika ni Ellah.
"Hindi ubra ang rules na 'yan ngayon. Kapag ginawa ko 'yan baka iba na ang nakasunod sa'yo," masungit na tugon ni Gian.
"Joke lang"
Nang makapasok na sila sa loob, agad silang naghanap ng upuan.
Medyo nasa likuran na sila nakakuha ng pwesto.
"Ay, Gian, wala pala tayong makakain, bili ka na lang."
"Fine"
Inabutan niya ng pera pero tumanggi at umalis na.
Ilang sandali pa, may babaeng lumapit sa kanya.
"Ms. may nakaupo dito?" itunuro nito ang upuan ng binata.
"Yes"
Hindi na ito umimik at umupo sa harapang upuan kasunod ang isang lalaki.
Ilang sandali pa, dumating si Gian, may dala itong pagkain.
Nakaupo na sila at maya-maya lang nag-umpisa ang pelikula.
Napakasaya niya ngayon dahil mapapanood niya ang kanyang paboritong aktor na si Samuel Jackson.
Parehas silang nag concentrate habang nanonood.
Panay ang nguya niya ng pagkain pero umiinom lang ng soda si Gian.
Magkatabi sila pero hindi sila magkadikit at wala silang imikan habang nanonood.
Nag-umpisa na ang bakbakan kaya na tense na siya.
Nang biglang may humagikhik na babae sa kanilang likuran.
Napatingin siya kay Gian, pero deretso ang tingin nito sa screen.
Unti-unti na niyang nagugustushan ang pinapanood dahil gyera na.
Nang bigla na namang humagikhik ang babae.
"Baby huwag diyan," humahagikhik nitong wika.
Kumuyom ang kanyang kamay at tumiim ang bagang.
'Kababaeng tao ang landi.'
"Ano ba baby naman eh," malanding reklamo nito.
Hindi na siya nakatiis at nilingon ang nasa likuran.
May isang babae pero wala namang katabi.
Muli niyang itinutok ang paningin sa screen.
Halos makapangalahati na sila at may nakakatawa ng eksena.
Naroon na ang hitman sa loob ng van kasama ang mga madre at ang pulis na bantay nito. Pakanta-kanta pa ang kriminal ng christian song kasama ng mga madre kaya napapangiwi ang pulis.
Tumatawa na ang karamihan maging si Gian kaya napapangiti na siya.
Subalit bigla na lang naudlot ang tawa niya sa narinig.
"Baby please ano ba?" sabay hagikhik ng babae sa likuran.
Hindi na siya nakatiis at muling nilingon ang babae saka malakas itong sinigawan.
"ANO BA KUNG MAKIKIPAGLANDIAN KA LANG LUMABAS KA NA!"
Natahimik ang lahat.
"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Gian.
"Ang landi eh!"
Nagbulungan ang nasa malapit.
Nagbukas ang ilaw.
Deretso ang tingin niya sa babae kaya nagtagpo ang tingin nila.
"Teka lang ha ako ba tinutukoy mong malandi?" turo nito sa sarili sabay tikwas ng ng manipis na kilay.
Sinuri niya ang maiksi nitong palda manipis pa.
"Halata?"
"Eh gaga ka pala eh!" tumayo ito at dinuro siya.
"Mas gaga ka malandi pa!" duro rin niya.
"Ms. Ellah, " hinila siya ni Gian palayo.
Iwinaksi niya ang kamay ni Gian at hinarap ang babae.
"Ikaw pa may ganang magalit? Action ang pelikula ikaw spg?"
Nanlalaki ang mga mata ng babae at hindi makapagsalita.
"Mommy what's wrong?"
Lumipad ang tingin niya sa ilalim ng upuan, mula roon ay may batang lalake na lumabas at kumapit sa palda ng babae habang nakatingin sa kanya na tila natatakot.
Umawang ang kanyang bibig.
"Wala baby, let's go at baka makapatay ako ng bintangera."
Hila nito ang bata paalis at siya napatanga habang nakasunod ng tingin.
Saka lang niya napansing nasa kanya lahat ng tingin ng mga nanonood.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at biglang hinila ang damit ni Gian at ikinubli ang mukha sa dibdib nito.
Hiyang-hiya siya sa nangyari.
Buti na lang namatay ang ilaw.
"Ugh kakahiya!" nilamukos niya ang damit.
"Pahiya ka 'no?" nakangising saad nito.
Iginiya siya ng binata paupo kaya umayos siya.
"Malay ko bang bata talaga ang baby na sinasabi niya eh wala naman akong nakikita."
" Dapat tinanong mo ako, alam ko na may dala siyang bata."
"Ba't 'di mo sinabi?" hinampas niya ito sa braso.
Tumawa si Gian. "Malay ko bang siya na pala ang tinutukoy mo uso po magtanong, tsaka sinita na kita hindi ka nakinig."
Napangiwi siya at hindi maka move on sa nangyari.
Papatapos na ang pelikula nang may nagbulungan sa kanilang harapan.
"Labas na tayo" lalaki.
"Mamaya na lang, patapusin mo ako" babae.
Sa takot na mapahiya ay binalingan niya si Gian.
"Ano 'yon? Narinig mo?"
"Wala, huwag mong pansinin."
Hindi niya sana papansinin nang marinig na naman ang bulong ng lalaki.
"Pero gutom na ako."
"Ihahanda ko ang gusto mo basta mamaya na lang, " anang babae.
Hindi na umimik ang lalaki.
'Bakit hindi kumain muna bago nanood? Sa bagay kami nga ni Gian hindi rin naman kumain.'
"Are you watching or listening?" tanong ng katabi.
"Both"
Napatingin ito sa kanya. "Really?"
Hindi siya umimik.
'Ano ba ang masama kung marinig ko? Nagugutom lang naman 'yong lalake.'
Pinatapos niya ang bakbakan bago binalingan uli si Gian.
Bumulong siya "Ano ba ang masama eh, nagugutom daw 'yong lalaki kaya inaaya ng lumabas 'yong babae pero sabi ng babae patapusin daw muna siya...ahmmp ano ba!."
Bigla kasi nitong tinakpan ng kamay ang bibig niya.
"Sssh marinig ka. "
Hindi talaga siya mapalagay kaya kinulit niya ito.
"Bakit ba?"
"Come here."
Lumapit siya at idinikit nito ang mukha sa kanya agad siyang lumayo.
"Halika rito."
"Ayoko nga baka kung ano naman ang gawin mo 'no!"
"What? Dito sa pwesto ko makikita mo ang sinasabi mo. "
Dahan-dahan siyang lumapit, kinabig siya nito at inakbayan.
"Gian ha! Umayos ka!" pagbabanta niya.
Pinadungaw siya nito, wala naman siyang nakita kundi inaakbayan ng lalaki ang babae.
"Wala naman eh!" reklamo niya.
Binulungan siya ni Gian sa tainga.
"His right hand is under her skirt. "
Napaawang ang kanyang mga labi. At agad dumungaw uli at sumilip.
"Holy!" napabalik siya sa upuan.
Kitang kita nga niya ang sinasabi ni Gian.
Muli siyang lumapit at bumulong.
"Napakamanyak naman ng lalaki. Nanonood pa ang babae patapusin daw muna siya. "
"They're not watching because they are busy. Nagugutom ang lalake at iba ang gusto niyang kainin at 'yong tatapusin, is a girl thing."
Kumunot ang noo niya.
"I don't...understand. "
"Psh, parang hindi ka babae."
"Eh sa hindi ko naintindihan eh!"
"Just shut up and watch the movie," itinuon ng binata ang mga mata sa screen.
Natahimik siya.
Tumayo ang dalawa sa harapan at magkasunod na naglakad palabas.
Saka niya napansin na 'yon ang babaeng nagtanong sa kanya kanina.
"Babe, gusto ko na eh," ungot ng lalake.
Nagkatinginan sila ni Gian.
"Damn let's go!" hinila siya nito sa braso.
"Sandali hindi pa tapos!"
"Iyong pinapanood mo o 'yong pinapakinggan mo?"
"Tse!"
Natawa ito, pero nakasunod na siya habang hawak siya sa kamay.
Kahit gustong-gusto niya ang pelikula hindi niya matanggihan ang pag-aya ni Gian at nakakapagtaka 'yon.
"Eh baka naman nagugutom talaga ang lalake?"
"Nagugutom means sex."
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
Nasa kotse na sila nang magsalita ito uli.
"Nagugutom ako"
"Ano! " singhal niya.
Humalakhak ito.
"Why? Nagugutom talaga ako, ikaw ba hindi?"
"N-nagugutom din, " ibinaling niya sa labas ng bintana ang tingin.
Bakit ba kasi iba ang nasa isip ko?
Bahagya itong natawa.
"Fast food na lang tayo? Gusto ko c3 ikaw?"
"Kahit ano."
"C4 gusto mo?"
"Ha? Pakakainin mo ako ng bomba?"
Tumawa siya. "Sira kasama ng c3 'yon."
Huminto sila nang maipit sa traffic.
Tinitigan siya ng binata bago bumaba sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng kanyang hita.
Marahan nitong inilapit ang kamay nito sa kanyang kamay kaya kumabog ang kanyang dibdib.
Napatingin siya sa binata na nakatingin sa kanyang kamay at bago pa niya mamalayan ay dumantay na ang palad nito sa ibabaw ng kamay niya.
Nabigla siya nang tila may gumapang na kuryente sa buong braso niya kaya hinablot niya ang kamay na hawak nito.
Umayos naman ng upo si Gian at sumeryoso ang mukha.
"Sorry, nanginginig kasi ang kamay mo."
"W-wala 'to."
Hindi na kumibo ang kasama.
Hindi niya maintindihan kung bakit tila nanghinayang siya na hindi na nito hinawakan ulit ang kamay niya.
"Ahm, ano sorry nabigla...nabigla lang ako."
Napatingin ito sa kanya. "Ano?" amuse na tanong nito na ikinahiya niya.
Napayuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi.
Tumawa ito at napasimangot siya.
"Gusto mo ba hawakan ko ulit ang kamay mo?" Nakangisi ito.
"Hindi ah!" tigas na tanggi niya.
Humalakhak si Gian.
Humalikipkip siya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Napansin niyang tumahimik na kaya lumingon siya nakalapit na pala ang binata sa kanyang pwesto habang nakatingin sa kanyang mga labi.
Napapalunok siya at kumakabog ang dibdib sa kaba.
Ipinatong nito ang isang kamay sa kanyang kinauupuan habang papalapit ang mukha nito sa kanyang mukha, at sa hindi niya maintindihan ay para siyang nanigas sa at hinihintay na lang ang gagawin ng binata.
Naramdaman niya ang mainit nitong palad na humaplos sa kanyang leeg at awtomatikong tila may gumapang na kuryente sa buong kalamnan niya na nagpatayo ng kanyang balahibo at parang gusto niyang pumikit.
Papalapit ng husto ang mga labi ng binata sa mga labi niya at ramdam na niya ang init ng hininga nito.
Nang biglang may bumusina sa likuran.
Bigla ang kanilang paglayo at umayos siya ng upo.
Natauhan siya.
's**t muntik na Ellah! Muntik ka na!' kastigo niya sa sarili.
Wala silang imikan hanggang sa nakarating sila sa tinitirhan niya.
"Good night, " ani Gian.
"Good night," aniya at binuksan ang pinto.
"Ellah"
"Bakit?" lingon niya.
Nagulat siya sa ginawa nitong pagdampi ng labi sa kanyang pisngi. Hindi na siya naka react nang mauna itong bumaba.
Hinaplos niya ang pisnging hinalikan ni Gian at parang nadarama pa rin niya ang init at lambot ng mga labi ng binata, biglang nag-init ang kanyang mukha.
Binuksan ni Gian ang pinto at bumaba na siya ng walang imik.
"Sweet dreams Ms. Ellah."
Wala sa sariling umakyat siya sa kwarto at nahiga.
Bakit parang may dalang hipnotismo at mahika ang mga kamay nito at mga mata?
Hindi ko kayang tumanggi at sinusunod ko bawat utos niya?
May bodyguard bang gano'n ang ginagawa sa amo?
"Stupid ka talaga Ellah! Stupid!" tinakpan niya ng unan ang mukha.
Iyon ang kauna-unahang hinalikan siya nito sa pisngi.
Kanina kung hindi sila binusinahan sigurado siyang mahahalikan siya ni Gian hindi sa pisngi kundi sa labi.
At hindi niya alam kung ano pa ang mangyayari.
Hanggat pwede pa, titigil na siya.
Nakakainis lang hindi naman niya ito nobyo!
Pero mas naiinis siya sa sarili dahil kung makaasta siya hindi na bodyguard ang tingin niya!
Napalunok ang dalaga.
'Ano ba itong nangyayari sa akin?'
Makakaya pa ba niyang kontrolin ang damdamin?
Humahanga lang siya noon pero parang iba na ngayon?
Alam niyang papalalim ang nararamdaman niya.
'Dapat yata habang maaga umiwas na ako!Hindi pwede. Hindi isang gwardya lang ang magpapadama ng ganito sa akin. Hindi pwede! Paano na lang ang reputasyon ko?'
---
Maaliwalas ang mukha ni Gian ng makarating sa mansyon.
"Good morning, " bati niya sa dalagang paparating.
Pero hindi man lang siya pinansin nito.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at pumasok ito ng walang imik.
Nag babyahe sila pero wala silang imikan.
'Na naman?'
Nagtataka siya kung bakit walang imik ang dalaga magmula pa kanina sa bahay nito, ni hindi pinansin ang pagbati niya.
'Siguro nagsagutan na naman sila ng lolo niya,' sa loob-loob ng binata.
"Are you okay?"
Hindi ito sumagot.
"May sapi ka ba ngayon Ms. Ellah?"
"Tse!"
Tumawa siya.
"Hindi maganda na umaga pa lang masama na ang mood mo."
Hinaplos niya ng isang kamay ang buhok ng dalaga pero umiwas ito.
Hinawakan niya rin sa balikat pero muli ay umiwas ang dalaga.
Nararamdaman niyang umiiwas ito sa kanya, ni hindi man lang siya nito sinulyapan.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Muli hindi umimik ang dalaga.
Aaminin niya minsan ganito rin siya hindi umiimik pero hindi naman siya umiiwas.
Matindi naman ang ginagawa nito sa kanya.
Iwas na iwas ito na para bang may nakakahawa siyang sakit.
Iniisip niya kung ano ang kanyang kasalanan pero wala talaga siyang maisip.
Sumasakit na ang ulo niya sa nangyayari.
"Mag seatbelt ka, " kinuha niya ang seatbelt para ikabit dito pero umiwas ang dalaga.
"Ako na, " mabilis nito 'yong ikinabit.
Napatiim-bagang siya habang napapailing.
Naisip niya kung ano ang kanyang nagawang pagkakamali.
Pero wala siyang naiisip.
Tinangka niyang hawakan ang isang kamay nito pero mabilis itong lumayo.
Naipikit niya ang mga mata.
"Why you're so cold?"
Hindi ito umimik.
"Ano ba ang kasalanan ko?" derekta na niyang tanong.
Hindi pa rin umimik si Ellah.
"Please tell me, nakakabaliw eh. "
Tikom pa rin ang bibig nito.
Napikon na siya. "Ano ba!" singhal na niya.
Lumingon ang dalaga.
"Anong karapatan mo para sigawan ako?" malamig nitong tanong.
Napalunok ang binata.
"Mr. Villareal"
Iminulat niya ang mga mata at nilingon ito l pero hindi siya nito tinitingnan.
Kinabahan si Gian.
"Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, kung saan bago pa lang tayo nagkakilala, ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. "
Mariin niyang naipikit ang mga mata.
Binubura na pala nito ang lahat ng alaala nila samantalang siya pinahahalagahan niya bawat piraso ng kanilang pinagsamahan.
Huminga siya ng malalim.
"Fine, if that's what you want, Ms. Ellah. "
Hindi na ito umimik.
Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Sinasaktan na naman siya nito. Hindi pa man naging sila, umiiwas na.
'Gago! Umasa ka kasi!' Kastigo niya sa sarili.
Kung ito ang gusto ng dalaga wala siyang magagawa kundi ang ibigay ang gusto nito.
Tama naman ito, siya ay tauhan lang at ito ang amo.
Kaya ngayon, muli niyang ilulugar ang sarili.
Mahirap pala kung minsan makakalimutan na.
Siguro nga, napagtanto nito na ayaw nga sa kanya.
At napakasakit ng ginawa nito dahil parang pinaasa siya!
O baka naman siya lang ang umaasa? Na sa umpisa pa lang wala naman talaga siyang pag-asa!
Nakarating sila sa opisina.
Binuksan niya ang pinto, pero nang akmang magdikit ang mga balat nila, umiwas siya.
Sumunod siya dito tatlong hakbang ang distansiya.
Nakarating sila sa elevator at nang bumukas may babaeng lumabas.
"Good morning Ms."
Hindi ito sumagot.
Umalis na ang babae at nauna itong pumasok, sumunod siya.
Pinindot nito ang third floor. Nasa loob sila pero walang umiimik sa kanila.
Malayo ang agwat ng kanilang pagitan.
Nasa kabilang sulok ito sa kabila naman siya.
Taas-noo ang dalaga habang siya ay nakayuko.
'Biglaan naman yatang nagbago ang isip niya?
Alam na kaya ni don Jaime at pinagbawalan na?
Pero bakit hindi ako dinerekta?'
Bumukas ang elevator, lumabas ang dalaga ng walang imik.
"Sa ibaba lang po ako Ms. Ellah, " wika niya pero hindi man lang ito sumagot at hindi siya nilingon.
Hindi na siya sumunod dito, at dumeretso na ito sa loob ng opisina.
Nagsara ang elevator.
Bumaba ang binata.
Mabigat ang kanyang dibdib sa nangyari kaya hindi niya ito nagawang ihatid.
Nanatili siya sa sasakyan.
Maya-maya pa tumawag ang kasamahan niya sa trabaho.
Pero hindi niya sinagot.
Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Parang biglang nagdilim ang paligid samantalang maaliwalas naman kanina.
Muling may tumawag. Si Vince.
Hindi niya sinagot.
Wala siyang sasabihin, sa sama ng kanyang loob, hindi tatalab ang mga biro nito at kahit ano pa ang sasabihin ng kaibigan hindi pa rin niya maiintindihan.
Maya-maya lang ang kanilang head na ang tumatawag.
Pero hindi pa rin niya pinansin. Kahit gaano pa ka importante ang sasabihin ng mga ito, hindi na 'yon mahalaga sa kanya.
Bigla siyang nawalan ng gana.
Parang siyang computer na biglang nag shutdown.
At mahirap siyang i-repair, walang ibang technician na makakaayos sa kanya kundi si Ellah!
Isasara niya ang sarili sa lahat.
Sinubukan niyang matulog. Pero muling nagbalik ang lahat ng ala-ala nila ng dalaga.
Ngayon pala ala-ala na lang ang lahat?
Hanggang ala-ala na lang na unti-unting, makakalimutan.