Episode 47 The Chance

3070 Words
Sa pagbabalik ni don Jaime sa sariling kumpanya ay inabangan ito ng lahat ng empleyado. Nakahilera ang mga ito katulad ng utos ni Ellah. Magkasabay silang naglalakad ng lolo niya papasok ng kumpanya kasama ang mga gwardya. Balik na sa dati ang lahat. "Good morning Chairman! " "Good morning Ms. Ellah!" "Good morning," sabay na tugon ng maglolo bago pumasok sa elevator na silang dalawa lang patungo sa conference room. Nagpatawag ito ng meeting para sa lahat. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nabalik na sa atin ang kumpanya. Salamat kay Gian." "Opo, ginawa niya lahat para hindi niyo na raw po maranasan ang mabigo." "Napakabuti niya." Tumango ang dalaga. 'Talagang napakabuti ng mahal ko.' Pagdating sa silid ay naroon na ang lahat ng natirang opisyal, nakaupo ang mga ito palibot sa isang mahabang mesa, ngunit nang makita sila ay tumayo ang mga ito at sabay silang binati. "Good morning Chairman, Ms. Ellah!" "Good morning please sit down," ani don Jaime. Umupo ang lahat at tinungo ng don ang upuan sa harapan, tumabi siya rito. "Kumusta kayo?" Nagkatinginan ang lahat at ang iba ay tumikhim pero walang sumagot. "Siguro alam niyo na kung ano ang tunay na nangyari? Nahawakan ng iba ang ating pinakamamahal na kumpanya gano'n pa man hindi naman nagtagal 'yon." Tumango-tango ang mga naroon. "Aasahan ko na wala ng traydor sa kumpanyang ito dahil hindi ako mangingiming tanggalin kayo!" Katahimikan. "Kung hindi ninyo alam ay tinulungan ako ng dating gwardyang si Gian Villareal para makuhang muli ang kumpanyang ito." Nagkatinginan ang mga ito at umugong ang bulungan. "Sa pagbabalik ni Gian ay hindi na bilang isang gwardya. Inaasahan kong igagalang ninyo ang taong tumulong sa ating lahat para maibalik sa atin ang kumpanyang ito." "Chairman pwede ho bang magtanong?" Lumipad ang tingin nila sa lalaking nagsalita. "Yes Mr. Valdez?" Saka lang niya napansing nakabalik na pala ang dalawa. "Ano na ho ang magiging posisyon ni sir Gian?" "Wala." Nagkatinginan ang lahat. "Hangga't hindi sila ikakasal ng apo ko ay wala siyang magiging tungkulin sa kumpanyang ito." "Paano po 'pag nakasal sila?" Si Salazar 'yon. "Kapag nakasal na sila ang magiging posisyon niya..." Inilibot ni don Jaime ang tingin sa lahat. "...ay presidente." Umugong ang matinding bulungan na tila tumututol. "Ako pa rin ang magiging Chairman ng kumpanya kaya huwag kayong mabahala." "Mr. Chairman hindi ba wala namang masyadong karanasan si Gian paano niya pamumunuan ang kumpanya?" Ang Vice President 'yon. "Gagabayan namin siya ng apo ko," sinulyapan siya ng lolo niya bago hinarap ang lahat. "Higit sa lahat, tutulungan ninyo si Gian." Muling nagkatinginan ang mga ito at ang iba ay umiiling pa. Tumayo ang don. "Ang hindi sang-ayon ay maaari ng umalis sa kumpanya!" Dahil doon ay biglang natahimik ang buong paligid. "Inaasahan ko ang inyong kooperasyon sa desisyon kong ito," matigas na wika ni don Jaime. Sumang-ayon ang lahat. Nakahinga ng maluwag si Ellah. "Kayong mga naririto ngayon, gusto kong sabihing maraming salamat sa inyong katapatan. Dahil diyan, lahat kayong mga natira ay dadagdagan ko ng dalawampung porsyento ang sahod." Biglang naghiyawan ang lahat sa tindi ng tuwa. Maging siya ay napangiti na rin. " This meeting is adjourned, dismiss. " Hanggang sa paglabas nila ay hindi magkamayaw sa pasasalamat ang mga empleyado maging ang mga opisyal doon. Sinabayan sila ng iba pang opisyal at binati. "Maligayang pagbabalik Mr. Chairman, Ms. Ellah." Bahagyang yumuko ang mga ito. Nagpaalam na siya sa lolo at tinungo ang opisina niya. Pagpasok pa lang niya ay tila bumuhos ang pananabik doon at guminhawa ang kanyang pakiramdam. Marahang umupo ang dalaga sa kanyang swivel chair. Matagal-tagal ding hindi niya ito naupuan at nakakapanibago sa pakiramdam. Mahal na mahal niya ang trabaho at pinagsisihan niya ng lubos na iniwan ito. Ngayong muli na siyang makakabalik ay mas pagbubutihan pa niya ang ginagawa lalo pa at makakasama na niya ang lolo bilang Chairman at ang nobyo bilang Presidente. --- Tiningala ni  Gian ang napakatayog na gusali. Ito ang unang pagtapak niya sa kumpanya na hindi isang gwardya. Dinala siya ni Ellah sa opisina nang muli itong bumalik kinabukasan. Napakislot si Gian nang maramdaman ang mainit na kamay ng nobya sa kamay niya. "Kinakabahan ka ba?" Hindi siya sumagot. Sinalubong sila ng mga natirang mga tauhan. "Good morning Ms. Ellah, sir Gian. " " Good morning," tugon ni Ellah at dumeretso na sila sa elevator. Marami pa ang bumati sa kanila pero napansin niyang halos kalahati na lang ang natira ang kalahati ay wala na. "Nilinis ni lolo ang kumpanya. Tinanggal niya ang mga empleyadong may kakayahang kalabanin siya. Itinira niya ang totoong may malasakit sa kumpanya at tapat sa trabaho." "Magaling talaga si don Jaime. " "Mas magaling ka, " anang dalaga bago sila pumasok sa loob ng elevator. "Marami akong ala-ala sa elevator na ito. " Napangiti si Gian. "Ako din, naaalala ko. " Humigpit ang pagkakahawak ng binata sa mga kamay ng kasintahan. "Halatang kinakabahan ka. " "Kanina pa. " "Huwag kang kabahan. Naglilibot lang tayo, hindi ka pa ipinakikilala sa lahat. Ang tingin pa lang nila sa'yo ngayon ay ang lalaking kasintahan ko. Saka ka na kabahan kapag inappoint ka na ni lolo. " "Sa tingin mo kaya, makakaya ko ang responsibilidad na 'yon?" "Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Malaki ang naitulong mo sa kumpanya nang hindi mo nalalaman. Sa bawat sinasabi mo na sinusunod ko naman ay palaging may magandang resulta. Ang masasabi ko lang, huwag mo ng ulitin ang pam ba black mail sa iba." "I'm sorry. " "Hanggat maaari huwag mo 'yong gagawin. " "Yes boss!" Natawa ang dalaga. "Tandaan mo, kapag ikaw ang may pinakamataas na posisyon ikaw din ang may pinakamalaking responsibilidad. " Napalunok ang binata. Sanay siya sa delikadong trabaho pero kaya niya ngayong paupo-upo na lang nahihirapan siya. "Ikaw ano na ba ang posisyon mo?" "General manager pa rin. " Napangiwi siya. "Pambihira, ako na hindi dumaan kahit supervisor ay mas mataas pa kaysa sa'yo?" "Kaya mo 'yan, gusto kong manatiling G.M. kasi nasanay na ako at gusto ko ako mismo ang makakakita ng actual na ginagawa ng mga empleyado. " "Huwag mo akong pababayaan ha? " naniniguradong saad niya. "Hindi ko 'yon gagawin, palagi akong nasa likuran mo tandaan mo 'yan. " "Salamat. " Bumukas ang elevator. "Sandali hindi ito ang opisina mo ah?" "Nasa fourth floor tayo, halika na. " Sabay silang naglakad at binabati sila ng bawat empleyadong madadaanan. "Good morning Ms. Ellah, sir Gian. " "Kilala na pala ako dito ng lahat?" "Oo naman, walang hindi nakakakilala sa'yo dahil sa ginawa mong tulong sa kumpanya." Pumasok sila sa loob ng opisina. "Sandali lang! Office of the president 'yan ah!" gilalas niyang turan. Natawa ang dalaga. "Balang araw ikaw na ang magmamay-ari ng opisinang ito. Kaya halika na, pumasok na tayo. " Nakatangang sumunod si Gian sa dalaga habang patingin-tingin sa paligid. "Nagustuhan mo ba?" "Ang laki naman nito. Pwede pa itong hatiin eh, nakita mo naman ang opisina ko hindi ba?" "Gian, naninibago ka lang, unti-unti masasanay ka rin. Lalo na kapag naging presidente ka na. " Binuksan ng dalaga ang private office at pumasok sila. Hinawakan niya ang swivel chair. "Malapit ka ng uupo diyan." Napalunok ang binata. "Parang 'di ko yata kaya?" "'Pag sa buhay ko'y wala ka? " " What? " kumunot ang noo nito. Tumawa ito. " Sira  ka talaga, 'yong bala nga kaya mo, ito pa eh papeles lang!" Napapailing ang binata. "Parang mas mahirap pala ang trabaho mo kaysa sa akin?" "Mas delikado naman sa'yo, kaya natutuwa akong pumayag ka na iwan ang trabaho mo." "Sinabi ko na noon pa, lahat gagawin ko para sa'yo." Niyakap siya ng dalaga. Mabilis niya itong itinulak. "Hoy ano ba! Baka may makakakita. " Ang lutong ng tawa ng dalaga. "Walang mangangahas na pumasok dito nang hindi dumadaan sa main door. Private office ito, gaya noong sa akin." "Sandali, wala bang assistant si don Jaime?" "Meron, si Alex. " Napabuntong hininga si Gian. "Alex, Alex," napatango-tango niyang wika. "I'm sorry Gian kung binaril ka ni Alex, utos kasi 'yon ni lolo. " "Wala na 'yon, buti na lang hindi asintado kung tumira, sa palagay ko hindi siya ganoon kagaling humawak ng baril? " "Hayan ka na naman, naaalala ko hindi pala tsamba ang pagtama mo sa swan hindi ba? Dahil talagang 'yon pala talaga ang trabaho mo. " "Inusisa ako ng may-ari noon, at sabi niya dati siyang sundalo, kaya hindi ako nagtagal dahil tiyak, agad niya akong makikilala. " "Kaya pala bigla mo na lang akong hinila palayo, yon pala ang sekreto mo. " "Wala na ngayon, katawan ko na lang ang hindi mo pa nakikita, actually 'yong kalahati nakita mo na, 'yong sa ibaba na lang ang…" "Panget, 'yang pagkamanyak mo umandar na naman!" Natawa ang binata. Niyakap niya ito mula sa likuran. "Hindi ko talaga inaakalang marating ko ito ngayon. Ang iniisip ko kasi noon, magiging akin ka lang ay sapat na, pero sobra-sobra na ang biyayang ito. " "Tama lang ang lahat ng nakamtam mo ngayon dahil sa tindi ng naranasan mo noon. " Huminga ng malalim ang binata. "Gian" "Hmm?" "Hindi ba papakasalan mo naman ako?" "Oo naman, kung gusto mo bukas na eh, " matatag niyang tugon. "Sira, ibig kong sabihin, hindi magtatagal magiging mag-asawa na tayo at magiging lolo mo na rin ang lolo ko. " "O tapos?" "Dapat yata mag practice ka na? " "Sa alin?" "Magtawag ng lolo sa lolo ko. " Lumayo ng biglaan si Gian. "O bakit? Totoo naman hindi ba? Sige nga sabihin mo, lolo Jaime. " "Mas sira ka pa pala kumpara kay Vince. " "Bakit? Sige na lolo Jaime. " "Ayoko nga, " napapangiwi niyang wika. "Ano ka ba, tayo lang naman dito eh," pamimilit ng nobya. "Pa kiss muna, " ngisi niya. "Hmp! Lolo Jaime muna. " Napakamot sa batok si Gian. Tumikhim muna siya. "L-L-lolo… Ja-Ja" "Ano ka ba para ka namang autistic niyan!" "Nakakahiya kaya! " "Hindi nga, sige na lolo Jaime," patuloy nitong pangungumbinsi. "Hooooh! Kaya ko 'to!" Bumuga ng hangin ang binata ng dalawang beses. Nangingiti naman si Ella. "Ngiti ka pa diyan. " "Come on, honey, lolo Jaime. " Napapailing na ipinikit niya ang mga mata. "L-Lolo J-Jaime. " "Isa pa" "L-lolo Jaime. " "Isa pa!" "Lolo Jaime!" "Great! Ang galing bagay sa'yo! " "Ang kiss ko?" "Hmm" Lumapit ng bahagya ang dalaga, kinabig niya ito at siniil ng mga halik sa labi. Iniyapos nito ang dalawang braso sa leeg niya at tinugon ang halik. Aaminin niyang pinanabikan niya ang mga halik ng nobya at ngayon nga ay natupad na rin! Naghiwalay lang sila ng mauubusan na ng hangin. Nagkatinginan sila at nagyakap. "I love you Mrs. Villareal. " "Hoy! Wala pa kaya. " "Doon din tayo patungo. " "Advance ka masyado. " "Kailan kaya tayo magpapakasal? At saka ang gusto kong baby kahit dalawa lang basta lalake at babae. " "Wow! Hindi ka pa nga nag po propose kasal agad? May instant baby pa!" "Propose? Kailangan pa ba 'yon?" "Siyempre!" Natawa si Gian. Hinalikan niya ito sa buhok. "Napakasaya ko Ganda. " "Ako din Panget. " "Pero sa totoo lang sa loob ng thirty years ko sa mundo ngayon lang ako magiging presidente ng isang kumpanya. " "Thirty years old ka na pala?" "Oo, ikaw ba?" "Sixteen" "Hindi halata. " "Hmp! Twety eight na ako. " "Hindi rin halata" Muli silang nagtawanan. Matagal-tagal din silang nagyakapan bago nagpasyang umuwi. Nasa parking lot sila nang magsalita si Gian. "Bakit kasama na natin ang mga asungot na 'yan?" Nakatingin ito sa apat na gwardyang naghihintay sa kanila sumunod pala ang mga ito. "Utos ni lolo. " "Nakakainis lang wala tayong privacy." "Mabuti nga 'yon para 'yang pagkamanyak mo matigil kahit papaano." "Manyak ka diyan!" "Hindi ba?" "Sa'yo lang naman" Kinurot siya nito sa tagiliran. "Ouch!" hiyaw niya sabay ilag. Binuksan niya ang pinto at pumasok ang dalaga, umikot siya sa kabila at nagsimulang magmaneho. Nakasunod naman sa kanila ang isa pang kotse ng apat na gwardya. "May gusto sana akong puntahan natin, okay lang ba?" "Saan naman?" Tiningnan niya ang dalaga. "Sa lugar kung saan nandoon ang mga magulang mo. " Napansin niya ang pamumula ng mga mata nito. "Sige, pupunta tayo doon. " --- Wala na silang imikan ng nobyo matapos niyang sabihin ang lugar na pupuntahan. Kakaiba talaga ang kasintahan niya, inaalala pa ang kanyang mga magulang samantalang siya nga ay halos hindi na ito maalala. Maya-maya pa dumating na sila. Bumaba si Gian at inalalayan siyang makababa. Huminga ng malalim ang dalaga. Matagal-tagal na rin niyang hindi nadalaw ang mga magulang. "Nandito sila, " aniya at naunang pumasok sa isang mosoleo. Sumunod ang binata. "Ma, pa, nandito po ako uli pero may kasama po ako. " Nakatingin sa kanyang mga magulang si Gian. "Magpakilala ka. " Lumuhod ang binata at yumuko. "Ma'am, sir. Ako ho si Gian, hindi ko man kayo nakilala, nagpapasalamat ho ako at may isang tulad ng anak ninyo ang nagmahal sa akin. Ipinapangako ko ho na mamahalin ko ng tapat at wagas ang inyong anak." Napaluha ang dalaga. "Ma, pa, ang lalaking kasama ko ngayon ay ang aking kasintahan. Nasa kanya na po ang lahat. Wala na po akong mahihiling pa. Hindi ko man kayo nakasama ng matagal, nagpapasalamat ako at kayo ang aking naging mga magulang." Tumayo si Gian at hinawakan siya sa isang kamay. "Ipagdasal natin ang kanilang katahimikan. " Tumango ang dalaga at parehas silang nakapikit habang nagdadasal. Kung ano ang kanilang ipinapanalangin sila lang ang nakakaalam. Nang matapos na at paalis na sila ay nagsalita ang dalaga. "Gian, maraming salamat. " "Gusto ko lang makilala ang mga magulang mo. " "Hindi ba ikaw ay wala na ring mga magulang?" "Tama ka. " "Parehas pala tayo, tayo nga yata ang itinadhana" "Ganon din ang tingin ko" "Ano ba ang ipinagdasal mo?" Nilingon siya ni Gian. "Akin na lang 'yon. " "Ang daya mo, ako kasi ang ipinagdasal ko ang kanilang pamamayapa at hiniling na sana ay i bless tayo ng parents ko at gabayan sa ating relasyon. " Napangiti ang binata. "Parehas pala tayo? Gano'n din ang idinasal ko. Ipinapanalangin ko ang tahimik nilang pamamahinga. Magtagal ang ating relasyon at bigyan tayo ng basbas." Napangiti ang dalaga. "Tayo nga ang para sa isat-isa" Naisip ng dalaga na tama  nga ang binata. Sila ang para sa isat-isa! --- Matapos ang maghapong pamamasyal ay nakaramdam na si Gian ng pagod at antok. Paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. "Ah, sarap." Hawak ang cellphone ay tinawagan niya ang nobya habang nakahiga. Hindi naman niya ugaling tawagan ito sa gabi, ngayon lang. Para kasing naninibago siya sa nangyayari sa kanya at kailangan niya ng makakausap. Pero hindi sumasagot sa tawag ang kasintahan. Pangatlong tawag na niya pero wala talaga. 'Gabi na kasi kaya natulog na siguro.' Sa loob-loob ng binata. Napagod sa buong araw nilang pamamasyal. Ibababa na sana niya ang cellphone nang tumunog ito. Nagtaka si Gian at ang kanang-kamay ni don Jaime ang tumatawag. "Bakit Alex?" "Sir Gian, si Ms. Ellah nakidnap!" "Ano!" Dumagundong sa kaba ang kanyang dibdib at biglang napabangon. Tila bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. Namutla ang binata sa tindi ng takot. "Sir, tumawag ang kidnaper papakawalan daw nila si Ms. Ellah kapag pinakawalan ninyo si congressman!" "Tang ina!" Buong lakas na singhal ng binata. "Natitiyak kong anak niya ang may pakana!" "Kailangan namin ng tulong mo sir Gian, pakiusap iligtas mo ang nag-isang apo ng don." "Oo, pangako ililigtas ko. Pakisabi kay don Jaime huwag masyadong mag-aalala." "Sige sir." Wala pang isang minuto matapos ang tawag ni Alex ay may tumawag uli. Hindi niya kilala pero sinagot niya. "Sino 'to?" "Ano Villareal, kinakabahan ka na ba?" Kumabog ang dibdib ng binata. Kahit matagal na niya itong hindi nakikita hindi niya makalimutan ang boses nito. "Xander Dela Vega ikaw 'to hindi ba!" "Ako nga!" Sumabog ang kanyang pagtitimpi. "Pakawalan mo si Ellah hayop ka!" "Hey calm down okay? Gagawin ko pero pakawalan niyo ang ama ko. " Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "f**k!" "Yeah, f**k! Bibigyan ko kayo ng byente kwatro oras para pakawalan si congressman! Kapag hindi niyo tinupad mapipilitan akong burahin sa mundo... ang ang syota mo. " "Don't you dare touch her! Kundi ako mismo ang papatay sa'yo!" Nangigigil na humigpit ang pagkakapit niya sa aparato. "Wow, nagbabanta? Alalahanin mo Villareal nasa akin ang pinakamamahal mong kasintahan. Huwag mong hintaying mainip ako. " "Alalahanin mo rin nasa akin ang ama mo! Kapag may ginawa kang masama sa kanya I swear paglalamayan mo ang ama mo!" "Subukan mo! Tinitiyak ko malamig na bangkay ang maabutan mo!" "Subukan mo lang! Subukan mo!" Humalakhak ang nasa kabilang linya. Naipikit niya ang mga mata bilang pagsuko. " Saan tayo magkikita?" "Magandang tanong, hintayin mo ang tawag ko. " Nawala na ang nasa kabilang linya. "f**k!" naibato niya ang hawak na cellphone na tumama sa sofa. Sa buong buhay niya, ito na yata ang magiging pinakamadilim na mararanasan niya! Ilang saglit na hindi siya makapag-isip ng gagawin. Ngayon lang siya nagkakaganito. Ayaw man niyang aminin pero natataranta siya. Bakit nangyayari ito? Bakit parang biglaan naman yatang nagkaganito? Parang hindi pumapasok sa kanyang sistema ang nangyayari. Nahimas niya ang buhok, ngayon pa ba siya dapat malito? Mahalaga ang bawat oras kaya hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Noong oras na 'yon ay pinuntahan niya ang kanilang head at sinabi ang lahat dito maging ang plano niya. "Villareal, mahirap ang gusto mo. I'm sorry pero hindi kita mapagbibigyan." Natigilan ang binata, tama ba ang narinig niya? Napatayo siya sa tindi ng pagkadismaya. "Sir, hindi ho kung sino lang ang taong nanganganib dito, apo ni don Jaime!" Umiling ang head. "Gagawa tayo ng ibang paraan. " "Anong paraan?" "Hindi ko pa alam. " "Wala na tayong oras!" singhal niya. Tumalim ang titig ng head. "Hindi ko magagawang palayain ang congressman na 'yon kapalit ng nobya mo! Ang batas ay batas!" tumaas ang boses nito. Nanghihinang napaupo ang binata. Pagdating kay Ellah hindi niya mapigilan ang mataranta. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "Sir, kahit ngayon lang tulungan niyo ho ako, pakiusap, " bumaba ang tono niya sabay yuko. Tinitigan siya ng head. "Alam mo kung gaano kahirap ang hinihiling mo. Pangalan ko ang nakataya dito." Laglag ang balikat na tumayo siya. "Pasensiya na ho sir, wala lang akong ibang malalapitan. " "May magagawa pa tayo. " Lumiwanag ang kanyang anyo at nagkaroon ng pag-asa. "Ano 'yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD