II

1022 Words
Tumango siya. Hala bakit? Hindi pa nga nag-uumpisa ang love story namin pinapaalis na agad ako sa kwento? "Saang lugar po?" Biglang bumilis iyong t***k ng puso ko. Nagdasal sa aking isipan na sana kahit saang lugar mapunta wag lang doon. "The station is at Mangarin National High School---" marami pang sinabi si Sir pero parang hangin nalang 'yon sa aking pandinig. "Miss Jamaica? Are you okay?" nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala. I blinked my eyes twice. Kinurot ang sarili para bumalik sa huwisyo tsaka liningon ulit si Sir. "Yes, Sir. I'm fine po. Sorry, may naalala lang po ako bigla." Hingi kong paumanhin. He sighed. "I thought you're sick or something?" Mabilis akong umiling ako. "Hindi po. San na nga po tayo?" Napakunot noo siya. "Were on my office, Miss Jamaica." Napasapo ako sa aking noo dahil sa katangahan. "I mean, saan na po tayo sa ating pinag-uusapan." Magalang ko pa ring pahayag. Ayaw ko namang singhalan siya kung ayaw kong mawalan ng trabaho. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ang sumilay na ngisi sa labi ni Sir pero bigla rin iyon nawala at napalitan ng pagseseryoso. "Again, the station is at Mangarin National High School and they are looking for someone with your background in teaching mathematics. It's an exciting opportunity to contribute in a new environment." Parang bulang naglaho ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ngang muli anh pangalan ng bagong station na sinasabi niya. Mangarin National High School? Kung saan ako nag hayskul. Siyempre sa lugar ng Mangarin 'yon. Ang lugar na pinipilit kong hindi na puntahan at ayaw ko nang balikan pa. Parang gusto kong maiyak. Halos limang taon na rin ang tinagal ko dito sa Murtha. Napamahal na ako rito at ang isiping lilipat ako ng biglaan ay nakakapanghina. "S-Sir, I don't want to offend you pero bakit po ako?" Napakagat ako ng labi. Sana hindi isipin ni sir na nirereject ko ang offer niya. "As a matter of fact, I really don't want you to transfer to that place but you know the rules, right?" Bigla akong natahimik tsaka napatango. The LIFO rule sucks! "Thank you for considering me for this. I appreciate the opportunity to grow professionally." Labas sa ilong kong usal. Gusto kong maiyak pero ayaw ko namang maging pangit sa harapan ni Sir Federi. Ngumiti si Sir. "I'm glad to hear that. We'll arrange a meeting with the administrators at Mangarin NHS so you can get all the information you need. Your dedication here has not gone unnoticed, and we believe you'll excel there." Hays, magdilang anghel ka sana Sir. "Thank you, Sir Federi--" "Ian," aniya. Naguluhan ako. "Po?" clueless kong tanong. "Sir Ian. Call me Sir Ian, Mica." Ah, First name basis. Gusto ko na sanang kiligin kaso lamang ang lungkot na nararamdaman ko ngayon. "Thank you, Sir Ian. I'm committed to making a positive impact wherever I go. I look forward to discussing this further and ensuring a smooth transition." Kapag badtrip talaga ako napapa-English ako nang wala sa oras. Tumango ito. "Great! Let's set up that meeting soon and make sure you're well-prepared. I appreciate your openness to this opportunity." Isang tipid na ngiti ang naging sagot ko roon bago tuluyang magpaalam para umalis. "Mukhang Biyernes Santo ata mukha natin, Mica?" komento ni Aila pagbalik ko sa room namin. Humarap ako sa kaniya nang makaupo ako sa monoblock chair ko. "Sampalin mo nga ako, Ai. Para magising ako sa katotohanan. Baka panaginip lang ito." Undenial kong pakli. Kumunot ang noo niya. "Bakit naman kita sasampalin?" "Dali na! Gusto kong magising sa katotohanan." "Sure ka?" Nagdadalawang isip pa rin siya. Tumango ako tsaka pumikit. "Ito na." At naramdaman ko nalang ang pagtama ng kamao niya sa ulo ko. "Tang na! Ang sabi ko sampal hindi sapak." Hinila ko ang lampas balikat niyang buhok dahil sa inis. Paniguradong nabawasan ang brain cells ko sa sapak niya. Ang bigat ng kamay e. "Okay ka lang?" puno ng pag-aalala niyang tanong nung mapansing namumula ang kanang parte ng mukha ko. "Ikaw, okay ka lang?" puno ng sarkasmong tanong ko. Napairap siya. "Oh ano? Nagising ka na ba sa katotohanan?" Tumango ako. Asar! So, hindi nga talaga ito panaginip. Parang luluha na ako anumang oras. "Hala! Masakit bang talaga? Bakit naiiyak ka na, Mica?" Nagpapanic na sabi ni Aila sa mukhang hindi malaman kung ano ang kaniyang gagawin. Inikot ko ang aking paningin sa aking classroom at parang clips na biglang sumagi sa isip ko lahat ng alaala ko sa room na ito kasama ang mga batang nahawakan ko ng mga nagdaang taon. Ito ang naging pangalawang tahanan ko sa nakalipas na limang taong at ang isiping aalis ako rito ang pinakahuling nanaisin kong mangyari. Napaluha na ako ng tuluyan. "Oh s**t! Sorry na, Mica. 'Wag ka nang umiyak." Si Aila na mukha nang balisa. Iniabot niya sa akin ang kaniya box ng tissue. Kinuha ko iyon bago pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa aking pisngi. "Ililibre nalang kita ng Samgyeopsal o 'di kaya yung paborito mong Sundae with fries." Bigla akong naging seryoso. Pinalis ang luha saking mga pisngi gamit ang tissue. "Sabi mo 'yan ha. Wala nang bawian. Isama na rin natin si Cherry mamaya." Sambit ko. "Gaga ka! Niloko mo pa ako. Isa kang mapagpanggap!" Napangiti nalang ako sa kaniya nang magpout siya bigla. Naging mukhang Shih Tzu ang gaga. Isa rin siya sa mamimiss ko sa school na ito. Para ko na rin kasi siyang kapamilya. Mas bata siya ng isang taon sa akin. Kapag stress ako sa mga gawain siya ang napagsasabihan ko. Tatlong taon ko na rin siyang co adviser. At sa tatlong taon na iyon proud akong sabihin na hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo. Kapag may emergency ako ay siya ang sumasalo sa lahat ng gawain ko. Napakaresponsable pa niya at masipag. "O, natulala ka diyan. Ganda ko no?" Funny pa niya. Manang mana sa akin. Napairap ako. "Buti ka pa alam mo." "Tss, pero mas maganda ka pa rin. How to be you po?" "Ako lang 'to, Aila." Ngumisi ako. "Umulan po sana kahit kaunting kahumble-an!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD