Napailing nalang ako sa kaniya. At hindi ko namalayan na sa tagal ng pag-uusap namin nakita ko nalang na nagkukwento na ako sa kaniya tungkol sa transfer ko.
"Bakit naman dalawa pa kayong malilipat? Pano na ako niyan?" Si Aila na tila maiiyak na habang kumakain kami ng samgyeopsal rito sa Mashitta Unlimited Korean BBQ sa taas ng 7-Eleven dito sa San Jose Labangan.
Pagkatapos ng aming trabaho ay dumiretso na kami rito. Akala ko ako lang ang malilipat hindi ko lubos akalain na kasama ko pala si Cherry. Kung hindi pa inanunsiyo ni Sir Federi kanina after flag retreat ang lahat ay tiyak na hindi ko pa malalaman iyon.
Ang paliwanag niya ay hindi niya naman alam na kasama niya akong malilipat. Ang alam niya'y siya lang din mag-isa.
"Okay lang 'yan, Aila. That's life. People come and go. Just go with the flow." Ani Cherry habang naggigrill ng meat.
"Paano na ako? Sino nang makakasama kong kumain every lunch? Sino nang mag-a-assist sa akin kung anong dapat kong gawin? Ang hirap ng buhay kapag wala kayong dalawa." Aila looks frustrated.
"Kaya mo 'yan. You need to be independent. Para saan pa ang pagiging c*m Laude mo kung 'di mo kakayanin?" Sabi ko sabay inom ng tubig.
"Ay wow! Thanks for the encouragement." Puno ng sarkasmong sabi ni Aila.
Napairap ako.
"Aila, kaya mo 'yan. Naniniwala kami sa kakayahan mo. Just don't forget to breath, okay?" Si Cherry sabay ngisi ng nakakaloko.
Hindi na tuloy maipinta ang mukha ni Aila ngayon.
Pinagpatuloy lang namin ang aming pagkain habang nagkukwentuhan. Parang wala namang ganang kumain si Aila at tila nag-iisip ng kung ano ano.
"Kausapin ko kaya si Sir Federi at i-suggest sa kaniyang isama ako sa inyo." Namilog ang kaniyang mga mata.
"Go. Nang masakal ka ng Tita mo. " Komento ni Cherry.
Tita kasi ni Aila ang isa sa mga Head Teachers sa aming school. Siya si ma'am Grace Bascuel. Hindi lang siya basta head teacher dahil siya ang pinakamataas sa lahat ng head. Her word sometimes is like a rule in the school specially when our principal is not around.
Sa totoo lang kami lang naman talaga ni Cherry ang pinakamalapit sa Mangarin NHS. Si Cherry ay taga doon na talaga simulat sapol. Sumama lang sa akin na magboard sa Murtha dahil nga hassle kung magcocommute lang siya araw araw. Labing limang kilometro din ang layo nun araw araw. Hindi pa siya marunong magmotor kaya wala siyang napagpilian kung hindi ang magboard.
"Wag ka nang umiyak. Malapit lang naman ang Mangarin. Magkikita pa rin naman tayo." Sambit ko kay Aila.
"I will miss you both," Aniya habang kumakain at pasinghot singhot pa ng sipon dahil sa kakaiyak.
"We will miss you rin naman." Cherry plastered a genuine smile on her face.
"Labas tayo minsan, ha. Katulad nito ngayon."
Tumango ako. "Kapag may time. Why not 'di ba?" I assured.
Ngumiti siya. She's so adorable and vulnerable. She's one of the honest friend na nakilala at nakasama ko. Hirap siyang magkaroon ng kaibigan dahil iniisip niyang magiging aloof ang mga ito sa kaniya once na nalaman nilang tiyahin niya ang pinakamataas na head. O sometimes, kung hindi mo siya sadyang kilala ay baka mainis ka pa sa kaniya dahil lagi siyang pinapabor-an.
Perks of having a family with a higher position in our field.
Kung hindi ka masabihang sipsip sasabihan ka pang ikaw lang ang anak ng Diyos.
"Hoy, mag-ingat kayo sa pag-uwi ha." paalala ni Cherry sa amin ni Aila habang nasa loob na siya ng tricycle na pinara niya kanina. "Maslalo ka na, Aila. Jusko!"
Sumimangot si Aila at sumampa sa kaniyang motor. Two weeks palang kasi itong nagmomotor kaya ganoon nalang ang paalala ni Cherry sa kaniya. Lakas pa pumuntang bayan wala namang driver's liscene.
Sinuot niya ang kaniyang helmet tsaka ako liningon.
"Hindi ka talaga aangkas sa 'kin? " Tanong niya nung makaalis na si Cherry.
Umiling ako. "Maghihintay nalang ako ng tricycle."
"Sige hindi na nga kita pipilitin dahil mukhang ayaw mo namang magpapilit."
Napangiti at iling ako sa sinabi niya.
"Mag-ingat sila sa'yo." Ang tanging nasabi ko bago siya hinatid ng tingin papaalis.
Matapos mawala sa aking paningin ang motor ni Aila ay lumipat ako sa kabilang bahagi ng kalsada para makapara ng tricycle na pwedeng sakyan pauwi. Lumayo ako doon sa matubig na bahagi ng kalsada. Hindi na ako nag-abalang pumunta pa ng paradahan dahil maaga pa naman. Nasa harap ako ng Goldilocks at naghihintay ng tricycle.
Halos limang minuto na ang nakalipas nang biglang may rumaragasang kotse na dumaan sa aking harapan.
"Tang ina!"
Malutong akong napamura nang tumalsik sa damit at mukha ko ang maruming tubig na iniwasan ko kanina dahil sa bilis ng patakbo sasakyan.
Nakailang mura ako nang mapansin sa gilid ng aking mata na huminto iyong sasakyan sa gilid ko.
Asar na pinahiran ko ng tissue ang aking mukha at damit na tila ba mawawala nun ang mansiya ng dumi na tumama roon.
"f**k!" Badtrip kong sabi.
"Miss, are you okay?" Tanong nung salarin sa akin.
"Tanga ka ba? Mukha ba akong okay sa lagay na 'to?"
Sinungitan ko siya at hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Baka masuntok ko siya sa sobrang inis.
"I'm sorry, hindi ko nakita na--"
"Stupid! Pano mo nga ako makikita kung ganon ka kabilis magpatakbo? Ang bobo neto."
Promise. Hindi talaga ako nagsasalita ng masama pero kapag galit ako ay kung ano anong lumalabas na masama sa bibig ko.
"How much are you wearing and I'll pay for it."
Mapakla akong ngumiti tsaka siya tinitigan ng masama.
Mga mayayaman talaga akala lahat ng bagay ay mapapalitan ng pera.
Magsasalita na sana ako ng masama sa aking kaharap nang mabitin iyon sa ire dahil sa pamilyar na mukha na aking nakita.
Lahat ata ng matino at masamang pag-iisip ay biglang nawala na parang bula.
Nakabuka ang aking bibig pero wala namang mga salitang lumabas doon.
"Jam," gulat niyang tawag sa aking pangalan.
Nahugot ko ang aking paghinga. Unti-unting bumabalik sa aking isipan lahat ng nakalipas na alaala.
"Lawrence," mahina kong bulong as kaniyang pangalan.