Anika Bumaba lang kaming tatlo nang dumating ang order naming pagkain para sa tanghalian. At hindi nga ako nagkamali sa inisip ko na sasakit ang ulo ni Samuel sa kanilang dalawa. "Hay nako, talagang may taong ang galing gumawa ng kwento sa mundo, 'di ba Leo?" patuloy na parinig ni Jackie habang kumain kami. Si Moira at Samuel kasi ay naglalampungan sa kusina habang nagluluto ng makakain naman nila. "Magtaka ka naman Jackie sa paniwalang paniwala sa kanya," dugtong naman ni Leo. Kahit ako sumasakit na rin ang ulo sa kanila. Mukha naman kasing hindi tinatablan si Moira sa mga parinig nila. "Ay ang kapal talaga," asik ni Jackie nang pumasok sa dining area sina Moira at Samuel. Hindi na natigil sa pagpaparinig ang dalawa pero ako tahimik lang na kumakain. Kung gusto silang patigi

