ANIKA Natapos na ang buong araw ay hindi pa umuuwi si Samuel. Nasa sala kami ni Leo at nanunuod ng movie habang hinihintay siya. Nasa television screen ang mata ko pero minsan ay tinatanaw ko ang glassdoor kung andyan na ba si Samuel. "Ate saan ka pupunta?" tanong ni Leo nang tumayo ako. "Nagutom lang ako. Maghahanda ako ng pagkain." Nakatunganga lang ako sa harap ng fridge, madami akong pagpipilian pero wala akong magustohan sa loob ng fridge. Bumalik ako sa sala. "Leo, labas tayo. Wala akong makain." Humaba ang nguso niya tsaka napakamot sa batok. "Ate wala talagang magandang mangyayari sa mga gusto mo. Kapag nalaman ni bossing na lumabas ka at kasama mo pa ako ako ang malalagot." "Eh wala naman siya dito." Tinakpan niya ng unan ang mukha niya tsaka siya sumipa ng sumip

