TBEG CHAPTER 8

2831 Words
Samuel Last night was frustrating. It was tough for me to go to sleep, parang may kung ano sa loob ko ang naglalaban laban. Maaga akong umuwi sa haven pero natulog lang din ulit ako. Gumugulong pa ako sa higaan nang pumasok si Leo. "Bossing, gumising ka na diyan. Hapon na eh. 'Di ba may usapan kayo ni ate Anika na aalis kayo ngayong gabi?" Bumangon ako at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi pa siya. Kung may lakas lang ako sinipa ko na siya palabas sa kwarto ko. "Lumayas ka sa paningin ko, Leo." Sumimangot siya. "Bossing, ang init ng dugo niyo. May nangyari ba kagabi? Sabi ni ate Anika pumunta ka raw kagabi." Napapikit ako. Pabagsak ulit akong humiga sa kama. Ano ba ang nangyayari sa 'kin at parang wala akong lakas? Si Anika ang nangyari sa 'yo, bulong na naman ng pesteng boses sa isip ko. "Just get out," pagod na sagot ko. He doesn't want me to get angry kaya lumabas na rin siya. Mabuti naman. Hinanap ko ang cellphone ko tsaka tinawagan si Izrael. "Make sure it's important. Nasa gitna ako ng pagtatalo," pabulong na sabi ni Izrael. He's really fond of arguing. If you want to argue over pety things, Iz is your guy. "Can you make me an appointment to your psychiatrist?" Deretsahang tanong ko. "Bakit?" "Just do it, Iz." I heard footsteps and things breaking. Mukhang kasama niya ang babaeng sinasabi niyang baliw. "Dude, you have to tell me first kung bakit. So I can tell her if she can accommodate you. Kilala na kita, walang palda ang hindi mo papasokin. Remember my doctor is a long time friend. Kaya I'll protect her from you." Tumayo ako at lumapit sa mesa ko, kung saan naroon ang bote ng brandy na naging umagahan ko kanina. Seriously, things are very blurry for me. Kaya I am in doubt that all of the feelings, voices and everything inside me means that I am near to being crazy. "I don't understand my feelings, dude. I hear voices inside my head. You know, telling me exactly opposite of what I believe in. Nababaliw na ako dude, kaya please lang. Make me an appointment to your doctor. I promise not to touch her. But ofcourse unless she ask for it." "Is there a woman in your life right now?" Napatigil ako sa pag-inom. The heck? Does he knows about Anika? "N..no." He laugh. "You have a woman problem. Kaya ka ba mainit kagabi? Ikaw ha, hindi ka nagkekwento baka magulat kami kasal ka na. Sin..." I ended the call. It was a bad idea calling Izrael. Napahilamos ako gamit ang isang kamay. I'll make a reminder not to show my face to any of my friends for the next couple of months, paniguradong binalita na 'yon ni Izrael sa lahat na may problema ako sa babae, kahit wala naman. Pumasok ako sa banyo at nagcold shower. I want to be fully awake. This is just a phase, hindi naman ito problema. Naninibago lang ako kasi ngayon lang nagkaroon ng babae na ilang beses kong nakasama. Yes, this is just a phase. Masasanay rin ako sa presence ni Anika kahit na hindi ko siya maikama. Nakabihis na ako nang bumaba ako sa employees' quarters. Everyone is busy, ilang oras nalang magbubukas na ang bar. Papasok ako sa kusina nang humarang si Emette sa daanan ko. "Boss, may naghahanap sa 'yo sa bar." "Who?" I asked him at tumuloy sa kusina. My stomach is in pain, walang pagkaing laman at puro nalang alak. "Detective Roco raw boss. Papaalisin ko ba?" Kumuha ako ng cold pasta at nagsimulang kumain. Roco is the detective I hired to find Sebastians new woman. Aaron is right hiring him, mabilis pala siyang magtrabaho. "Tell him to wait for me." Binagalan ko ang pagkain. I asked myself again, bakit ko nga ulit pinasok ang lahat ng laro na ito? I went here to have fun, but this is all problem. I asked the chef to make me a toast bread. I saw Leo enter the kitchen pero hindi ko siya pinansin. I'm still not on a good mood para makipagbiruan sa kanya. "Boss, pinapatanong ni ate Anika kung tuloy daw ba ang lakad niyo," tanong niya. Binagsak ko ang kinakain ko na tinapay. Nawalan na iyon ng lasa. Bakit kailangan niya pang idaan kay Leo ang message? She has my number, ano ba ang pinagkaiba kung ako ang padalhan niya ng message na para naman talaga sa 'kin. "Tell her to talk to me directly. You are not her messenger." Napakamot si Leo sa batok niya. I can perfectly see that he likes to please her. Is he having a crush to that woman? "Don't think of having a crush on her, Leo. If you want a woman find a woman your age." I hate having a woman in my life pero hindi ibig sabihin niyon ay tatanggalan ko na ng karapatan ang nakapaligid sa 'kin na magkaroon ng permanenteng babae sa buhay nila. It just doesn't work for me, kung gusto nilang masaktan at mabaliw, I will let them. "Bossing naman. Parang ate ko nga lang si ate Anika. Nagpapatanong lang naman siya, selos ka naman agad." Tumayo ako at inambahan siya ng suntok. Napaatras naman siya. "Biro lang bossing," nakangusong ani niya. Uminom ako ng juice at nilagpasan nalang si Leo. He's getting into every nerve I have inside my body. Pareho sila ni Anika na ginagalit ako sa mga katarantadohan na alam nila sa buhay. Pagpasok ko sa bar ay nakaupo sa harap ng counter si Detective Roco, not like the usual detectives we watch on television or movies, he is wearing a t shirt and rigged pants. I expect him to be old and sketchy pero mukhang hindi ako mahihirapan na kausapin siya. "Good afternoon, Mister Church. I'm sorry about the short notice visit." His face is not moving even when he speaks. Mukha naman siyang reliable. "Did you find her already?" Instead of answering me he gave me an envelope. I opened it. It's a picture of Sebastians woman, nakasakay sa stretcher at pinapasok sa ambulance. Hmm that's interesting. "She stayed for a day diyan sa hotel na 'yan and the hotel staff said na bigla nalang siyang sinundo ng ambulance because she lost consciousness. No one really knows why. I already checked to the hospital but her records got wiped out as if she didn't get admitted there," he paused. Sa huling picture ay may kasama itong ibang lalaki. "Duda ko ay kung nasaan man siya ngayon she might be with that guy. Napag-alaman ko that his family owns the hospital where she got admitted. I checked the province you told me, she is not there. I haven't checked if she is with her parents in Italy but I'll start to investigate there tomorrow." Binalik ko sa envelope ang credit card records, phone records at mga larawan. "Don't bother checking in Italy. Ako na ang bahala roon. Just track the guy. I have a feeling na tama ka sa hula mo na magkasama sila." "Okay, Mister Church. I'll update you from time to time." Umiling ako. I don't need someone bothering me second to second, ginagawa na iyon ni Leo. Another one isn't so much fun. "No need. Just get back to me if you see her." We had a handshake before he left. Napabuga ako ng hangin. I'll be helping Anika to have his guy, and be the woman she thinks she wants. Tapos ito namang problema ni Sebastian ako rin ang naghahanap ng solusyon. Things are getting more complicated. Sobra pa ako sa lalaking namamangka sa dalawang ilog, para talaga akong nasa gitna ng dalawang bituin na pasabog na. Anika I checked my phone multiple times. Kanina ko pa inaabangan kung ano ba talaga ang plano ni Samuel na mangyari. Sabi niya aalis kami ngayon tapos hindi naman siya nagpaparamdam. After last night I feel awkward texting or calling him. Pakiramdam ko talaga gusto niya lang may mangyari sa 'min kagabi. Natatakot ako kapag naibigay ko na ang hinahanap niya sa babae hindi na niya ako magawang tulongan. Napatitig ako ng matagal sa homescreen ng cellphone ko, it still has Sebastians face. Maybe it's time to change this. Pinalitan ko ng sarili kong picture ang homescreen ng phone ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa gallery. I deleted every memory that reminds me of him. Napatigil sa pagpindot ang daliri ko nang makita ko ang picture ng magkahawak naming kamay ni Sebastian. Malinaw pa sa tubig kung kelan 'to kinuha. It was the day when I answered him. Sa seaside ng private villa nila, we've been seeing each other for months at sa araw na 'yon, sabay sa birthday niya ay sinagot ko siya. It was the first day of summer kaya medyo maalinsangan kahit na hapon na pero para kaming mga bata na naghahabolan. Napapikit ako, bumalik din sa isip ko ang araw na binigay sa 'kin ni Paris ang kwentas ng babae ni Sebastian. Sa araw rin na iyon ay nagising ako, na pumasok sa isip ko na hindi pala sabi sabi lang ang lahat. That what I saw in Singapore isn't just a hallucination. May ibang babae nga talaga si Sebastian. My hand is pressing the delete button pero hindi ko na tinuloy. Isang picture lang naman at wala namang mukha niya. Napahinga ako ng malalim. I need to distract myself. Naglinis ako ng condo, bawat alilabok nilinis ko. Inayos ko ang mga gamit, rearranging it. Nang mapagod na ako ay humiga ako sa lapag. Inisip ko ang lahat ng nakaplano sa utak ko. Kaya ko ba talaga lahat ng iyon? Napakurap ako nang tumunog ang cellphone ko. It's a text message from Samuel. "Be ready. We'll be there soon to pick you up. Pack your things good for three days. Move quickly, I hate waiting." Sinunod ko ang utos niya. Mabilis akong naligo at nagbihis. I have a ready to go bag kaya hindi na ako nagkandaugaga na maghanap ng mailalagay sa luggage ko. I applied a light make up match to the simplicity of my t-shirt and pants. I wear my converse para maging comfortable sa kung gaano man kalayo ang pupuntahan namin. I stand up and went back to my walk-in closet. Pumunta ako sa perfume aisle, pagkuha ko sa paborito kong perfume ay may nalaglag sa lapag. I kneel to get it. Napasinghap ako at napangiti ng mapait. How did it go here? The ring Sebastian gave me when he asked me to marry him. Bitbit ko iyon palabas ng walk-in, nilagay ko sa jewelry box ko at isinuksok sa side drawer. It's a reminder of him pero I know the value of it kaya hindi ko basta basta itatapon. Nang dumating sina Samuel at Leo ay handa na ako at nag-iintay nalang sa kanila. Pagbukas ko ng pinto ni hindi makatingin sa 'kin si Samuel pero ngumiti siya ng bahagya. "Ako na ate." Kinuha ni Leo ang luggage ko sa 'kin. Nauunang maglakad si Samuel habang kami ni Leo ay sabay. "Mukhang nagselos si bossing kasi sa 'yo ako natulog kagabi," mahinang sabi niya. "Why would he be? If not because of his conscience he wants nothing to do with me," malamyang sagot ko sa kanya. It isn't a big deal naman na mukhang napipilitan si Samuel na tulongan ako, but him telling me last night not call him by his first name ay parang kahit huminga sa tabi niya ay ayaw niyang gawin ko. Muntik pa kami ni Leo hindi makasakay sa elevator nang hindi manlang nag-abala si Samuel na pigilin ang pagsara niyon. "See? Selos na naman," he mouthed. Tumikhim si Samuel na paniguradong sa dahilan na nahalata niyang pinag-uusapan namin siya ni Leo. Well, hindi pinag-uusapan, si Leo lang naman ang nag-iisip ng kung ano. The door opens on the 5th floor, nanalangin ako na sana hindi ako kilala ng makakasabay ko. Ever since the day na ginulat ako ng press ay kinakabahan na ako palagi kapag may ibang tao. Nakahinga ako ng maluwag nang dalawang matanda ang pumasok. Tinignan lang nila kami at bumalik sa pag-uusap tungkol sa kung ano. Umusog ako ng kaonti paatras para bigyan sila ng space, napangiwi ako nang bigla akong hawakan ni Samuel sa siko at hilahin papalapit sa kanya. Lumingon ako at tumingala pero deretso lang ang tingin niya kaya ganoon na lang din ang ginawa ko. I can feel his body against mine, kalkulado at pigil tuloy ang paghinga ko. I am not comfortable knowing na nasa likoran ko siya. I trust Samuel that he will not take advantage of me, pero wala akong ideya kung hanggang kelan niya ako papalagpasin. "Calm down, will you?" Malalim na salita niya. Hindi na ako nagulat pa. May makakalagpas ba sa pakiramdam ng isang Samuel Church III? Mukhang wala naman, lahat na nga lang sa sarili ko parang mas may alam pa siya kesa sa akin mismo. Sinubukan kong ibalik sa tamang ritmo ang paghinga ko. Napasulyap ako kay Leo na nakatingin din sa amin at pigil ang ngisi. He's playing cupid. But it is very clear to me na walang patutungohan na ganoon sa amin ni Samuel. Pagdating sa lobby ay mabilis akong gumalaw. Sinamaan pa ako ng tingin ng isang matanda nang sa pagmamadali ko ay nasagi ko siya sa balikat. "I'm sorry, Ma'am," hingi ko ng paumanhin. Yumuko pa nga ako para mas mapatawad niya ako. "It's okay," ang lalaki ang tumugon. Dumeretso ako ng tayo nang tinignan niya ako na parang kakaiba. Is he about to recognize me? "You, young man." Napalingon ako, at ganoon nalang din ang gulat sa mukha ni Samuel. Kinawayan siya ng matanda na lumapit. Tinuro niya ang sarili na parang sinasabi na siya ba ang tinutukoy nito. "Ikaw nga, may iba pa ba?" Pamimilosopo ng matanda. Gusto ko tuloy matawa kasi nagusot ang mukha ni Samuel, mukhang nagpipigil na magsungit. Lumapit siya sa gawi namin. Napangiwi siya nang hampasin siya ng matandang lalaki sa braso. Natawa naman ang matandang babae na siyang nasagi ko. "You don't let your wife walk on her own. Take care of her, you are a man, it is your obligation. Tignan mo at muntik pa niyang madisgrasya ang asawa ko. The world is changing pero hindi ibig sabihin ay dapat magbago rin ang pagiging maginoo ng mga lalaki," pangaral nito kay Samuel. Napatingin ako sa kanya. Namumula ang pisngi niya. Mukhang galit na siya. "Ah, lolo hindi po kasi kami mag-asawa. I'm sorry po ulit. Nagmamadali lang talaga ako," sagip ko sa sitwasyon sa takot na baka ano pa ang masabi ni Samuel. Nagtinginan ang mag-asawa. "Ganoon ba? Akala ko ay mag-asawa kayo. Kung tignan ka kasi ng ginoong ito akala mo ay ulam ka na nakahain sa ibabaw ng mesa." Napaubo si Samuel, kahit ako nagulat din. Kung may kinakain ako paniguradong nasamid na ako. Napalingon ako nang marinig ang malakas na tawa ni Leo. "S..sorry po ulit," sabi ko at hinila na sa damit niya si Samuel. Kinalas niya ang kamay ko na nakakapit sa damit niya tsaka malaki ang hakbang na tinakbo ang pagitan nila ni Leo. Inakbayan niya ito at parang inipit ang ulo. Kawawa talaga si Leo sa kanya, kung hindi niya sinusungitan, sinasaktan naman niya. "Masyadong kang matigas kay Leo," sabi ko nang makasakay na kami sa loob ng sasakyan. Leo is driving at tabi kami sa likoran. "What are you talking about Miss Flores?" tanong niya na sa cellphone ang buong atensyon. He is scrolling through his phone, hindi ko makita ang screen but I'm assuming na babae ang tinitignan niya. "You're being hard with Leo ika ko. He's a good person and a genuine one. Maswerte ka to have him, he is a loyal friend. Nakikita ko 'yon sa kanya." Sinuksok niya sa kanyang bulsa ang cellphone tsaka hinarap ako. His eyes is telling me so much, he's amuse or maybe see me as a stupid person. "He is not my friend," ikling tugon niya. Kahit na sinabi niya na bawal ay tinignan ko siya sa mata. Mabilis siyang napaiwas ng tingin. "For him kaibigan ka niya." Bumuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana. "Let me tell you this, Leo is only 19. Hindi porket pinagpalit ka ni Sebastian sa bata maghahanap ka rin ng mas bata pa sa babae niya. World doesn't work that way, Miss Flores. You can't achieve so much by being so low," ani niya na hindi manlang ako tinitignan. Napapahanga ako ni Samuel sa katalinohan niya but in the same time nakakainsulto rin kung minsan. His mouth isn't filtered. Basta may masabi lang siya okay na 'yon sa kanya. Ang balak ko sana ay maging magkaibigan kami kahit panandalian lang, we have to deal with each other afterall pero mukhang malabo. He doesn't like me, it's very clear than daylight. Kaya makikinig ako sa lahat ng sasabihin niya para matapos na itong lahat ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD