TBEG CHAPTER 9

2483 Words
ANIKA Hinatid lang kami ni Leo sa airport. Mabuti nga at dala ko ang passport ko, wala naman kasing sinabi si Samuel na mangingibang bansa pala kami. Nangangati akong pagsabihan siya pero pinigil ko ang sarili ko. We are sitting facing each other, nag-eenjoy siyang uminom habang ako nagtitingin tingin lang sa magazine. Tiniklop ko rin iyon nang ilang beses ko nang makita ang sarili ko. Parang ang tagal na ng huling magphotoshoot ako. Parang malayo na ang buhay ko sa dati na kahit sa totoo lang hindi pa nga lumilipas ang isang buwan. "It's nice having you on-board again, Mister Church." Napatingala ako nang isa sa flight attendants ang tumayo sa pagitan namin ni Samuel. I couldn't see their expression dahil nakatalikod sa 'kin ang babae at nakaharang sa mukha ni Samuel. "You didn't call," sabi ulit ng babae kahit wala naman akong narinig na pag-imik mula kay Samuel. "Why would I call you?" The flight attendant laugh awkwardly. "About what hap..." "Get your face out of my sight," matalim na utos niya. He is really heartless. Paniguradong may nakaraan sila ng babae, pero kung umasta siya ngayon para nalang basura sa kanya ang babae. I pity her. "Ang sama talaga ng ugali," parinig ko sa kanya. His lips form into a sly smile. "Ikaw na ang mabait, tignan mo pinagpalit ka tuloy." Napahigpit ang hawak ko sa upuan. I promise myself to have longer patience, nasabi ko rin na dapat hindi ako mapikon sa kahit anong sabihin ni Samuel because I need him pero masyado talagang nakakasakit ang mga salita niya. "You treat a woman like a trash. Wala ka bang nanay?" inis na sabi ko. Biglang nawala ang ngiti sa labi niya, isang kurap ko lang ay nasa harap ko na siya. Napasinghap ako ng hawakan niya ang balikat ko at mas idiniin ako sa upuan. "Never mention her again. You don't want me mad, Miss Flores." His words sent shiver to my spine. Napatango ako at walang kakayanan na magpalabas ng kahit isang salita. "You better think million times before speaking. If you are thinking you know me, I'll tell you this, you don't." Imbis na bumalik sa upuan ay iniwan niya ako. Sinapo ko ang dibdib ko, sobrang bilis ng t***k niyon. I wasn't feeling scared pero para akong masusuka sa suffocation sa ginawa ni Samuel. Hanggang sa lumapag ang eroplano ay hindi bumalik sa upuan si Samuel. Hindi ako gumalaw sa upuan, maliban sa hindi ko alam kung saan pupunta ay wala akong ideya kung nasaan kami. Lumapit sa 'kin ang kaninang flight attendant na kumausap kay Samuel. "Welcome to Italy, Miss Flores. Let me show you the way," ani niya na hindi makatingin sa mga mata ko. Nahihiya siguro siya na narinig ko ang pamamahiya sa kanya ni Samuel. "What's your name?" "Georgina." "Umm Georgina, I'm sorry about Samuels' attitude. You are beautiful, you don't deserve the kind of guy he is," pagpapagaan ko sa pakiramdam niya. Ngumiti siya ng malungkot, dama ko na parang maiiyak na rin siya. I touched her arms and insist a hug. A woman should help a woman everytime. "Thank you, Miss Flores," sabi niya nang maghiwalay ang yakap namin. I smiled and nod. May kumuha sa luggage ko pababa ng eroplano kaya sumunod nalang ako sa kanila ni Georgina. Hindi ko pa rin mahagilap si Samuel. Nang buksan ang likuran ng kotse ay napansin kong nakaupo na si Samuel sa unahan. Bakit naman sobrang galit siya? What's so wrong with my words? Nagtanong lang naman ako kung may nanay ba siya. Snap! Does he have a sensitive spot about his mom? Tumigil ang kotse sa tapat ng old themed hotel. Sa muli ay nauna na namang bumaba si Samuel. We we're accompanied to the penthouse suite sa pagpasok pa lang namin. Kami nalang ang pumasok sa suite, dumeretso siya sa isang kwarto kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Hindi na ako nag-abalang kunin pa ang mga damit ko sa luggage bag, tatlong araw lang naman kami rito. Naligo ako at nagbihis ng pantulog. Mahaba ang naging byahe kaya babawi lang ako ng pahinga. Naalimpungatan ako nang may mahinang pagkatok akong narinig mula sa pinto. Madilim ang silid pero base sa reflection ng bulto ng tao sa pinto alam ko na si Samuel 'yon. "Food is ready," tipid na sabi niya tsaka naglakad palayo. Kinapa ko ang tiyan ko, ilang oras ba akong nakatulog? Gutom na naman ako. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos, lumabas na kaagad ako. Samuel is already eating at hindi manlang nag-abalang lumingon sa 'kin. Umupo ako malayo sa kanya at kumuha na rin ng pagkain. Napatingala ako nang maramdaman kong nakatingin siya sa 'kin. "I..is there any problem?" Alanganing tanong ko sa takot na baka magalit na naman siya. He use a table cloth to wipe his lips. Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Dapat mong matutunan na 'wag pakialaman ang kahit anong sabihin at gawin ko. I'm here to help you become a hoe..." Napatigil ako sa pagkain. Pakawala? Wala akong sinabing gusto kong maging ganoon pero hindi nalang ako nagsalita. He is Samuel and he will say whatever he wants to say. "Just stay away from my personal business para wala tayong problema." Tumayo na naman siya at pumasok sa kwarto niya. Bakit ba ang hilig niyang tumalikod palagi? Nawalan na ako ng gana sa pagkain kaya inayos ko nalang ang mga pinagkainan sa ibabaw ng mesa. Samuel isn't a messy eater pero sa nakita ko na maraming pagkain sa gilid ng plato niya ay nalaman ko kaagad na mapili siya sa pagkain. Nasagi sa isip ko na dapat ay kung mag-aasawa siya iyong magaling magluto pero naalala ko kung paano siya tumrato ng babae. He will never have a wife. Tumambay ako sa balcony. We're outside the main city kaya naman wala akong makitang building na matataas maliban sa hotel. I can see a vineyard sa hindi kalayuan. Ano kaya ang business ni Samuel dito at dinala niya ako? Napalingon ako nang marinig ko siyang tumikhim. Tinignan ko lang siya at hindi na ako nagsalita. Kapag kasi nagsasalita ako parang minamasama niya palagi. "May pupuntahan ako. Gusto mo bang sumama?" He's doing it again, pinapalito niya ako kung ano ba talaga ang ugali niya na papaniwalaan ko. Is he really a heartless man who only thinks of himself o may part din sa kanya na malambot at may konsiderasyon sa ibang tao. "Will I learn something kapag sumama ako?" I asked. Bahagya siyang napangiti pero mabilis niyang naitago iyon. "Just...just change into something comfortable. Isasama nalang kita, mababagot ka lang dito." He is right, andito ako at sumama sa kanya dapat lang na kung saan siya pupunta ay naroroon din ako. "Give me five minutes." Binilisan ko ang pagkilos, papasok na ang summer at mainit na ang panahon kaya naman mainit na kung kaya nagsuot nalang ako ng spaghetti strap top at pants. Sinuot ko ulit ang converse shoes na suot ko kahapon. Paglabas ko ay nakaupo lang si Samuel sa sofa at nakapikit ang mata niya. Tinapik ko siya sa balikat, nagmulat naman siya ng kanyang mga mata. Hinagod niya lang ako ng tingin tsaka tumayo. "Lumagpas ka sa 5 minutes na hiningi mo," sabi niya. "Hindi ko kasi mahanap ang sunglasses ko," dahilan ko. Lumingon siya sa 'kin. Napataas ang kilay niya nang makitang wala naman akong suot na sunglasses. "And you fail to see it nga talaga." "Hinayaan ko na kasi sabi mo ayaw mo na pinaghihintay ka." Even though he didn't answer or even look at me narinig ko na bahagya siyang natawa. Ang bilis niyang magalit pero mababaw rin ang kaligayahan niya. "You don't mind walking?" He checked on me nang makalabas kami sa hotel. I don't see a single cab, maliban sa bus ay wala akong nakitang means of transportation. "Okay lang naman." I've been in some other European countries before sa mga photoshoots and runway events but it is my first time in Italy. I don't appreciate the scenery, dahil sa magkabilang daanan namin ni Samuel ay puro lang naman vineyard. I can see cottage houses and farm houses. Samuel is whistling while we walk side by side. Natatawa ako sa loob ko kasi off tune siya. The wind is blowing my hair kaya naalibadbaran ako dahil tumatama iyon sa mukha ko. Kinapa ko ang bulsa ko kung nasaan ang panali ko. I tried to tie my hair pero hindi ko maayos dahil sa hindi ko maipaliwanag na nangalay ang braso ko, siguro ay dahil sa posisyon ko nang natulog ako. "Let me do it," alok ni Samuel na hindi hinantay kung papayag ba ako. Kinuha niya mula sa akin ang panali at pumunta sa likoran ko. I stand still never dare to move even a muscle. Huminga ako ng malalim. Here it goes again, that feeling of suffocation. "Done." Kinapa ko ang pagkakatali niya, mukha namang maayos. Saan kaya siya natuto? "Dinadala ako dati ni grandpa sa ampunan. I learned how to tie girls hair. Palagi kasi silang nangungulit and I have to act accordingly kapag kasama ko si grandpa," tila sagot niya sa tanong ng isip ko. "Mabait pala ang lolo mo." Natawa na naman siya. Samuel only knows two things, ang magsungit o matawa. "He's tougher than I am. He is cunning, never enjoys other peoples company. May kung anong konsensya lang siya sa kung bakit palagi niya akong dinadala sa ampunan." "Ano naman 'yon?" I curiously asked. Nagkibit balikat lang siya at nag-unat. I didn't mean to pero nahagip ng mata ko ang umbok niya. Is he even wearing something aside from his pants? Pinilig ko ang ulo ko to shrug off the sin I am thinking. I am not the kind of woman who fantasize about a man, at mananatili akong ganoon. Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Samuel ang bewang ko. That suffocating feeling again. Please calm down, Anika. It's just Samuel. "Andito na tayo," sabi niya. Hinawi niya ako papunta sa isang cottage, the people are busy sa labas at loob man. They are carrying grapes, and empty barrels "Good morning. I am Samuel Church, my secretary Aaron called in. I have a wine testing with the owner," pakilala ni Samuel. His hand is still on my waist. Gusto ko iyong punain pero ni hindi nga ako makagalaw. "I'll just call Madam Iza," tugon ng trabahante tsaka umalis sa harap namin. Marahan akong tinulak ni Samuel paupo sa nag-iisang upuan. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. Minsan ay nahuhuli ko siyang pangiti ngiti. Ano ba talaga ang pakay nito? "Good Morning, Mister Church. I am Iza the owner of the vineyard and the wine cellarage. I didn't expect you to come in the morning," tuloy tuloy na pakilala ng may-ari. I can tell by her height, features and accent that she might be a Filipina. "I like wine in the morning." The woman chuckled. Napataas ang kilay ko, I estimate that she is already on her 50s pero kung umasta sa harap ni Samuel ay parang nakikipaglandian. "Follow me, Mister Church." At talagang parang wala lang ako? I don't want to waste my energy para sumunod pa sa kanila dahil parang hangin lang naman ako sa babae pero si Samuel hinawakan na naman ako sa bewang at iginiya pasunod sa babae. The old woman keeps on talking and explaining kung bakit dapat na sa kanila na kumuha ng wines si Samuel sa business niya na binabalak itayo, hindi mainitin ang ulo ko pero napapataas talaga ang kilay ko kung paano niya hagurin ng tingin si Samuel. "This is one of our best wine. Irene1998." Namilog ang mata ko. Hanggang dito ba sa Italy hinahabol ako ng pangalan ng babae ni Sebastian? "You want to try?" Alok sa 'kin ni Samuel pero tinanggihan ko. I don't want anything to do with Sebastians woman kahit kapangalan niya lang 'yan. They tried another wine after another. From time to time tinitignan ko si Samuel kung tinatamaan na ba siya pero mukhang hindi naman, at kung may taong may tama ang may-ari ng wine 'yon. Malagkit pa sa pawis ang tingin niya kay Samuel. "She's trying to flirt around," sabi ko nang kami nalang dalawa ang naiwan sa tasting table. Tinawag pa kasi ang may-ari at may importante raw na tawag para sa kanya. "Ikaw Miss Flores, do you know how to flirt around?" Ang galing talaga ni Samuel na ibalik sa 'kin ang lahat. Ako pa ang tinanong niya kahit na alam naman niya ang sagot. "Kaya nga ako nagpapatulong sa 'yo pero mukhang iba ang makukuha ko sa pagsama sa 'yo rito." "Ano naman 'yon?" Kunot noong tanong niya. "Pagka-irita." Natawa na naman siya. Sa sobrang tawa niya ay kailangan niya pang tumayo para makahinga ng mabuti. "Don't tell me you're jealous. Woah, Miss Flores wala sa usapan na sa 'kin ka mahuhulog ha. We're not even starting yet tapos umaasta ka ng nagseselos na asawa," he teases me. "Ang kapal mo," hindi ko napigilang supalpalin siya. "Hindi kita gusto. Ayaw ko sa mga kagaya mo." He make face. "Ano ba ang kagaya ko?" "Walang ibang mahal kundi sarili niya." "Well, tama ka naman," mukha pa siyang proud na ganoon nga siya. May sasabihin pa sana ako pero ayan na naman ang may-ari na kulang nalang ibulsa si Samuel. "I'm sorry about that. My ex-husband called in, he is checking if our daughter came here." "Is your daughter here?" My eyes rolled, pagdating talaga sa babae interested si Samuel. "She's not," casual na sagot ng may-ari. Tumango si Samuel. Disappointed siguro siya kasi walang younger version ng babae sa harap namin ang available na pwede niyang makuha. "Thank you for today Miss Iza. My secretary will call you." Nagbeso silang dalawa bago niya kami hinatid sa labas. Hindi pa man kami nakakalabas ng tuluyan ay naihi ako. "Naiihi ako," bulong ko kay Samuel. "Sige, magbanyo ka muna. I'll wait outside." Nagmadali akong maglakad papunta sa banyo, napadaan ako sa gilid ng bar counter at ang ihi ko ay napaatras nang mapansin ko ang litrato na nakasabit sa pader. There are lots of frames na nakasabit pero isang litrato ng babae ang nakakuha ng atensyon ko. It's a solo graduation picture. I will forever remember her face, hanggang katapusan ko dadalhin sa isip ko ang bawat parte ng mukha niya. Everything connected inside my brain. From the name of the wine, to the news the woman received. But why do Samuel needed to bring me here? Kuha ko naman na magkaibigan sila ni Sebastian kaya niya tinutulongan na makita nito muli ang babae niya na naging dahilan ng bawat sakit sa puso ko pero kailangan ba talagang kasama ako? Kagaya nga ng sabi ni Samuel maliban sa tulong na inaalok niya wala ng namamagitan sa aming dalawa pero bakit ganoon? Parang pakiramdam ko tinraidor din niya ako at pinaglaruan lang din?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD