5 YEARS LATER.... “Sandraaaa!” Tawag ko sa batang tinakbuhan ako sa kusina dala-dala ang isang tsokolateng kabubukas na naman nito. Naiwan pa nitong nakabukas ang refrigerator. Narinig ko namang tumili ito at pumasok sa isang kwarto. Kinatok ko ang kwarto dahil nakalock ito. “Ate! Buksan mo ‘to!” Sigaw ko ngunit parang wala silang narinig at narinig ko pa ang tawanan ng dalawa. “What is it?” Biglang sulpot naman ni Enzo sa likod ko na kararating lang at susunduin si Nica dito sa bahay. Napairap naman ako dito at alam na nito kung bakit. Sinenyasan ako nito na siya ang kakatok at pumagilid naman ako. “Love” tawag nito at kumatok pa ito sa pinto. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito si Nica na buhat-buhat si Sandra at humahagikgik pa ang dalawa. “Daddy!” Masayang tawag ni

