SANDRO’s POV 5 years since she left me and 5 years of hell not seeing her. Nasaktan din naman ako noong maghiwalay kami ni Nica pero iba si Kara dahil hanggang ngayon ay nandito parin yung sakit ng pag-iwan niya sa akin na walang paalam kahit limang taon na ang nakakalipas. Pinahanap ko siya sa iba’t-ibang investigator at kulang nalang ay libutin ko ang bawat sulok ng mundo pero sadya yatang ayaw nitong magpakita. Ang huling balita ko nalang sa kanya ay sinabi sakin ng maid ko sa bahay na si Bridget na nagpaalam ito sa kanya na pupuntahan niya ako sa opisina pero hindi na ito umuwi. Pinacheck ko rin sa CCTV ng buong building at totoo ngang pumunta ito sa opisina ko pero hanggang sa pintuan lang ito. Malakas ang kutob ko na may narinig at nakita ito nong mga oras na yon. Flashback...

