CHAPTER 63 "THANKS G!" SAPO ni Violet ang dibdib na patuloy pa rin sa pagkabog nang kay bilis. Mabuti na lang at nahila niya kaagad si Russ na tatawid sa garden ng kanilang mansyon. "Why?" tanong nito nang nagtataka. Hindi niya ito sinagot at kinuha ang bangkong bakal. Ibinato niya iyon sa damuhan. Kitang-kita niya ang matinding pagkagulat ni Russ nang mahati iyon ng mga lasers. "Ganyan lang naman ang mangyayari sa 'yo sakaling kung hindi kita napigilan sa pagtawid diyan," sabi niya kay Russ habang hinahabol pa rin ang paghinga. Kaagad na pinuntahan ni Violet ang controller path ng garden upang pahintuan ang lasers. Nagulat siya nang lumingon sa kaliwang bahagi dahil naroon si Chida at Taki. "What are you doing here?" "Am... noona." Kakamot-kamot sa ulo na wik

