Chapter 62

1862 Words

CHAPTER 62   "ANO BA?" PAANGIL na singhal ni Rex. Masakit na ang braso niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. Sinadya pa siyang itulak nito kaya napasalampak siya sahig.   Tinawanan lang siya ng tuta ni Helga. Umiiling na iniwanan siya.   Galit ay ibinaling niya sa mga lubid na nakatali sa kanya ang galit. Kung wala ang mga iyon, baka napakain niya pa ang mga ito ng alikabok. Malalakas lang naman ang loob dahil alam niyang hindi siya makakalaban. Napukaw ang atensyon ni Rex ng taong pumapalakpak. Hindi niya na naipagpatuloy ang pagtanggal ng tali.   "Maligayang pagdating sa aking mumunting patimpalak, mahal kong taksil na anak!" sarkastikong wika ni Helga.   "Wala kang anak. You're too desperate, Helga!" tila puputok na ang ugat sa leeg niya dahil matinding galit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD