CHAPTER 61 TANGING PAGNGISI ang iginanti ng tiyahin niya sa kanya. Idinura nito ang dugo mula pumutok na labi at sumenyas na walang gagalaw sa mga tauhan. "Lubos-lubusin mo ang saya ngayon mahal kong pamangkin." Humalakhak nitong sabi at tila nagustuhan pa ang kanyang ginawa. Lumipas ang ilang segundo at katahimikan ang namagitan. Tanging tinginan lamang ang kanilang nagawa. Mayamaya ay napukaw ang atensyon ni Violet sa magkakasunod na sigawan sa kabilang linya. Ilang malulutong na pagmumura ang narinig niya mula kay Rex. Pagkatapos niyon ay isang malakas na pagsabog. "Rex? Red, anong nangyayari riyan?” naghintay siya nang ilang minuto kung may sasagot. Ganoon na lamang ang kaba niya noong wala. “Damn it!" Tumawang muli si Helga. Nasisigurado niyang may kinalaman

