CHAPTER 53 TUMAKBO SILANG muli sa hudyat ni Russ. Sa trap pa lamang ng lubid na bumabagsak ay may tatlong magkakapareha na ang nadali kaya naman, wala na ang mga itong pagkakataon na ipagpatuloy pa ang traininig. Lumiko silang muli at tumakbo sa napakadilim na bahaging iyon. Bawat hantungan ay hinahagisan nila ng mga maliliit na tipak ng bato. Ito ang ginagamit nila upang makita ang hudyat sa paparating na trap. Muntik na silang madali ng fire inferno, kung saan ang apoy mismo ang trap. Ngunit kung iilagan iyon ay makukulong naman sa isang bitag. Para makaligtas ay sabay nilang inilagan ang nag-aalab na apoy. Saka naman magsasalpukan ang dalawang bato, at makukulong doon ang apoy. Sa pang-anim at huling trap ng kweba ay kayraming torch na nakalagay. Napansin ni Russ na du

