CHAPTER 51 MAKALIPAS ANG dalawang buwan ay unti-unti na silang nakakabangon sa mapait na nakaraan. Napapadalas na rin ang pagdalaw ni Violet sa kambal katulad ng ipinangako niyo. "R-russ?" nanlalaki ang mata ni Violet nang makita si Russ na nakatayo sa pinto. "Oh... my... ghost!" mabilis siyang nagtago sa likuran nila Russia at Russian na naglalaro sa lapag. "Nako naman, Russ! Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Kung mawawala ka sa mundong ito, sana naman tahimik kang mamaalam at huwag na kaming gambalain pa," kinakabahan niyang wika. Suot nito Russ ang puting-puting damit habang nagliliwanag ang katawan. "Russ, promise I will kill you if you dare to go here!" hinawakan niya ang baril-barilan ni Russian habang nauutal pa. Itinutok ni Violet iyon kay Russ ngunit mabilis

