CHAPTER 50 NAGISING SI Violet na nasa loob ng hospital. Nanakit pa ang kanyang ulo ngunit pinilit pa ring makatayo. "Huwag mong pilitin, ate!" sigaw ni Pink habang inaalalayan siya. "Nasaan sila?" tanong niya rito. Biglang gumuhit ang matinding lungkot sa mukha ni Pink. "Anong nangyari, Pink?" kinakabahan niyang tanong sa kapatid. "Ate..." tumingin ito sa ibang direksyon. "Sabihin mo!" pinilit niyang paharapin ang kapatid habang inaalog ang balikat nito. "Hindi nga sabi! Ayoko ng mapahamak ka pa," ito ang unang pagkakataon na napagtaasan siya ng boses ng Pink. Umiiyak ang kapatid niya habang nakatingin sa kanya. "Pink, kilala mo ako..." banta niya rito. Huminga nang malalim si Pink at nakipaglaban nang titigan sa kanya. "Wala na ang kapatid ni K

