CHAPTER 49 NANDIDILIM ANG paningin ni Russ matapos masaksihan ang nangyari sa kanyang mga kaibigan. Animo'y naging halimaw siya na gustong magwala at pumatay. Hindi niya sinasanto lahat ng humaharang sa kanyang dinaraanan. "Ahh!" sigaw ni Russ upang makalabas ang kanyang galit. Tila mababaliw siya sa nasaksihan. Sipa. Suntok. Tadyak. Hampas. Ang ginagawa niya sa sinumang humarang sa kanyang daraanan papunta sa mga kaibigan. Mas dumami ang kalaban nang dumating siya. Paulit-ulit ang senaryong nangyayari. Marami siyang bugbog na natanggap ngunit hindi iyon ang makakapagpahinto sa kanya. Natigil lamang siya sa pagwawala nang marinig ang napakalakas na pagsabog. Animo'y nayanig ang buong pabrika dahil doon. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha at nagbalik an

