CHAPTER 48 HUMINTO ANG motorsiklo nila sa tapat ng naturang pabrika. Kanina, nang bumubuo sila ng plano ay may tumawag kay Russ. Hindi niya makilala ang boses nito kaya naisip niyang baka gumagamit ng voice modulator. Nanghihingi ito ng siyam na milyon pantumbos sa kanyang pamilya. Ngunit, hindi siya ganoon katanga upang magpalinlang sa mga ito. Wala rin siyang sinunod sa mga kundisyon ng kidnappers. Siya mismo ang kikilos at hindi ang salapi. Inayos niya ang kanyang itim na jacket matapos makababa ng motorsiklo. Kaparehas ng lahat ng Black Triad ang suot niya sapagkat ito ang nagpapakilala sa kanilang grupo. Sa likod nito ay may isang infinite, o simisimbolo sa walang hanggang samahan. Samantalang ang pakpak sa nakahigang otso ay sumisimbolo sa paglipad nang kay taas ng grupo

