CHAPTER 43 "SAAN MO ba kase ako dadalhin, Chimpanzee?" tanong muli ni Violet sa kanya. Alam niyang hindi titigil si Violet sa kakatanong hangga’t hindi siya sumasagot. Ngunit hinahayaan niya lang magdadakdak ang dalaga. "Shut up! Okay?" kanina pa siya naiinis sa pagiging maingay nito. Kaya naman padaskol niyang isinalampak si Violet sa motor niya. Nang gumana ang engine ay pinaharurot niya iyon nang napakabilis. Napangisi siya nang mapayakap ito sa kanya matapos muntikang mahulog. "Psycho, moron!" singhal ni Violet habang hinahangin ang mahaba nitong buhok. "Hold on, fiancée." Tumatawa niyang saad. Sa totoo lang ay mas natutuwa siya sa tuwing nagagalit si Violet. Namumula kase ang mukha nito at lumalabas ang natural na ganda. Habang binabagtas nila ang may kah

