CHAPTER 42 PATULOY PA rin sa pag-dribol si Russ habang nagpapalinga-linga sa paligid. Napatili si Violet nang mahawakan ng kalaban ang bola. Habang nasa kamay nito at nakataas pa rin sa ere ay tumalon nang napakataas si Russ upang agawin iyon. Handa na ito sa pagpasok ng bola sa kanilang ring habang nakaharang ang apat na lalaki sa daraanan. Delikado iyon pero tumuloy pa rin ang binata. Tumakbo naman ang nasa kabilang kupunan at gustong pantayan ang bilis ni Russ. Mas binilisan naman ni Russ ang pagtakbo nang dalawa na lang ang nakabantay dito at naiwan ang tatlo sa ring ng Black Triad. "Huwag mo ng ipasok iyan!" sabi ni Violet, habang puno ng kaba ang dibdib dahil sa gagawin ni Russ. Nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Nang malapit na ang dalawang lalaking malaking kataw

