Max's POV
"Baka naman pabalik na." komento ni JD habang nagpamulsa ng kamay.
"Ewan ko bro, pero kung ako sayo magsimula ka na kaagad. Mukhang pinagtritripan ka lang ni Sir Rico. Social pa naman yun, marami-raming gagawin."
Mukhang tama nga si Gale. Sabagay, sino ba kasing makakapagligtas ng grades ko? Eh si Sir na mismo ang nagsabing lagi akong 50-50 sa pagpasa. Alam na ng lahat yun. Araw-araw ba naman nyang ina-announce sa buong classroom.
"Paborito ka kasi ni Sir, Max. Hahaha." paakbay na sana si Kyle nang hawiin ko yun. "Oi, ingat, ingat din. Nagbabagsak daw talaga yun."
Napangiwi na lang ako. Sya lang ata ang natutuwa sa sitwasyon ko ngayon. Nakakawalang gana tuloy kumain kasama siya.
Lunch na at papunta kami sa canteen. Maingay pa rin ang mga corridor, halatang kakalabas palang rin ng ibang classes.
"So Max, taya ka. Baka nakalimutan mo, ikaw ang manglilibre ngayon. Wag mong kakalimutan ang wallet mo." dahil sa paalala ni Ryan, kaagad nagdiwang ang mga loko.
Pahamak talaga 'tong si Ryan, keyaman-yaman pero ang tatag lang talaga ng memorya nya. Tamo, pati pera tanda nya kahit yung totoo, hindi naman nya kailangan yun. Lalo na yung libre, tsk!
Sina Gale naman, talagang kailangan. Mga lumalapang 'tong mga to kaya ang sasaya eh.
Habang ako, eto, kinakapa ang bulsa para sa wallet ko. Crap! Seriously, di ko sure kung nakuha ko ba yun sa bag ko, pero ang alam ko nasa akin yun. Ano ba talaga, Max?
"Buti na lang ang lakas ng memory plus mo Ryan, muntikan ko nang makalimutan yun ah."
Pero nagbusangot kaagad ang mukha ni Patrick, nahalata nyang nangangapa pa rin ako ng bulsa.
"Ano na bro?! Muntikan ha??! Di pwede yan! Baki---" ang ingay talaga ng isang to, kaya di pa natatapos ang ngawa nya eh pinatigil ko na.
"Wag ka ngang ano dyan. Kahit ordering mo pa yung buong canteen." mabilis kong saad bago nagtakbo pabalik sa taas. Nasa second floor pa kasi ang locker namin at nasa may dulong parte. "Mauna na kayo, kukunin ko lang yun saglit."
Narinig ko naman ang habol nilang sabi sa akin nang di pa ko nakakalayo. "Geh Max!!! Kakain na kami! Sunod ka na lang!!!"
Mga kupal talaga. Basta pagkain, ang bibilis. Nakakasura tuloy at nagmamadali ako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa hallway.
Ano, ngayon lang ba sila nakakita ng tumatakbo? Mga nakakairita 'tong mga to.
Nang makarating na ako sa locker, kaagad ko itong binuksan para halungkatin ang bag ko. Ang alam ko nasa gym bag ko yun eh. Nasan na ba?
"Oo nga girl, alam mo wala namang ibang gagawa nun kundi sya lang, kaya mabuti lang sa kanya yan." rinig kong sabi ng isang babae sa di kalayuan.
Wala na talagang pinagbago 'tong mga chismosang to. Lagi na lang ba akong makakakinig ng mga ganto?
"Feeling ko puro bad luck ako dahil sayo!!!! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako pinuntirya ng bola sa P.E class kanina! Kasalanan mo yun! Dapat di ka na lang pumasok para sa may kwenta naman ako napagrupo!!! Malas ka!!!! Etong sayo! Bwisit kang pangit ka!!!" dinig ko pa ang tawanan ng iba pang kababaihan.
Grabe ang babaw ng mga kaligayahan. -_-
Nasaan na ba kasi yung wallet ko? Yan tuloy nakakakinig ako ng mga kabaliwan dito.
"Ano, pangit ha? Anong tinitingin-tingin mo?! Ang pangit-pangit mo!"
"Di lang yun, nakakatakot pa! Pinaglihi ata yang si Scary Girl sa kamalasan at puro pangit ang dumidikit sa kanya! Nakakahawa tuloy!!!! Kaasar ka!"
Napatigil ako. Scary Girl na naman? Wala bang bago? Ang totoo lang nan dahil sa kahapon, I think mabait naman talaga sya.
Napailing na lang ako sa mga nakinig ko. Ngunit sa di malamang dahilan napatingin na rin ako sa gilid, dun sa dulo ng mga lockers.
"Yan! Mas bagay sayo yan!!! Kung kaya lang sana kitang kapitan, matagal na kitang sinaktan!"
Sumunod dun ang tunog ng tubig. Bumuhos yun at nalaglag sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko ng may nakita akong maliit na grupo ng mga kababaihan na nakaharap sa iisang babae, na alam ko kung sino.
Ang nasa unahan nya ngayon ay may hawak ng bottle juice. Wala na yung laman dahil tumapon yun sa sahig, kasama ng iba pang mga uri ng pagkain. Magugulat pa sana ako kung di lang ganto yung sitwasyon.
Di ba sya aalis dun? Makikig lang ba sya at tatayo? Di nya ba ipapagtangol ang sarili nya? Tsk'.
"Baka kamo wala ng didikitan dahil sya na yung kamalasan. Hahaha." komento pa nung isa na nagpatawa lalo sa kanina.
"Nakakainis kang babae ka. Malas ka!!!! Kulang pa yan!" pagbato nung babae ng mismong bote kay Scary Girl.
Gago ba sya?! Di ba nya alam bullying yun?!! Nakakasakit na kaya sya——!!!!
"TENGKK!"
Sumunod dun ang mga singhap at katahimikan na namalagi. Mukhang naging isang malaking palatanungan ang mga sumunod na pangyayari sa kanila, pero mas lalo na rin sa akin.
Ni walang nagsalita, o gumawa man lang ng ingay, habang ako ay walang ibang nakinig kundi ang hangin na tumatama sa leeg ko.
"Hala, sorry!!! Max sorry!!! Di ko sinasadya! Di ko aakalaing----" pagpapanic ng babaeng NAKATAMA sa akin. Nang lingunin ko sila ay may mga gulat sa mga mukha nila ang sumalubong sa akin.
"Hoy!" madiin kong sita. "Wala ba kayong ibang magawa sa buhay nyo?! Ang sasakit sa tenga ng mga boses nyo, dito pa talaga kayo nagkwentuhan ha!" sinunod kong tinignan yung babaeng bumato sa akin. "Ikaw, gusto mo batuhin din kita ng bote?"
Halos lumaki ng sobra ang mata nya at pawang nawalan ng dugo ang buong mukha sa lubos na pagkatigil at pagkabigla. Mukhang di nya ata inaasahan ang mga sinabi ko.
Pero mas di ko inaasahang humarang ako at nakiki-cat fight na rin.
Ano ba naman yan, Max? Seriously, pumapatol ka na ngayon sa babae?
Dahil sa di paggalaw ay mabilis na nagsitinginan sa kanya ang iba pa nyang mga kasama. "Sorry na talaga Max, di na mauulit." puro paumanhin ang narinig ko bago sila nagmadaling umalis.
"Tsk', akala mo ang ganda-ganda kung makapagsalita ng pangit, mga mukha namang paa. Mga bading pa yata ang mga yano, ang bibilis matakot. Akala mo mga lalaban, di nam---. " pagkausap ko sa sarili. Ngunit laking pagtigil ko na lang nang umagaw sa attensyon ko ang malagkit na bagay sa kamay ko, at ang hangin na kanina pa tumatama sa leeg ko. Ano ba yun?
Sa pagkakalingon ko ay lubos kong pinigilan ang paghinga ko at pilit na di ginalaw ang mga kamay. Nasalubong ko kasi kaagad ang mga malalamig at malalalim na matang sumasakop sa buong pagkatao ko.
Ang mukha namin ay sobrang lapit. Tumatama ang ilong nya sa gilid ng panga ko na syang nagbibigay ng nakakakilabot na sensasyon sa akin sa tuwing humihinga sya. Mukhang di big deal sa kanya ang posisyon namin ngayon, tangin parang ako lang ang apektado. Ano sya, ayos lang? Ang gwapo ko kaya.
Naramdaman nya atang natigilan ako kaya tumingin sya sa akin. Nagsitakasan pa lalo ang hangin sa buong katawan ko nang naramdaman ko ang dahan-dahang paglapat ng malamig at malambot na bagay sa pisngi ko, malapit yun sa labi ko.
Gagi, muntikan na nya akong mahalikan!!!!
Kung may makakakita man sa amin ngayon, siguro ang iisipin nila may pda na nagaganap dito.
Ang mga kamay ko na nakahawak sa bewang nya ay tila nanigas. Nailagay ko ata yun kanina dahil sa pag-iwas ko sa kanya nung babatuhin dapat sya ng bote. Sa lapit namin ngayon ay natatakot akong marinig nya kung gano ako kakabado. Ngunit sadyang parehas ata kami ng isip kaya't parehas kaming napaurong.
"Pasyensya na, nadumihan ka ata." simpleng saad nya, ngunit katulad ng una naming pagkikita, naroroon na naman ang malamig nyang tinig.
Tinaas nya ang kamay para kapitan ang kamay kong may bakas ng dumi galing sa uniform nya. Tatanggalin nya ata. Ngunit parehas din naming napagtanto na parehas lang ang lagay namin. Madumi rin siya, mas nga lang.
"Pasyensya na." muli nya akong malamig na tinignan. "Madumi rin pala ako, di kita matutu----"
"Ayos lang." mabilis na saad ko.
Hindi sya umimik, tinignan nya lang ako at sinilip mula sa pagkataklob ng buhok nya.
Matagal kaming nagkatitigan na parang may hinahanap sya sa mata ko, hindi, sa pagkatao ko. Ngunit sa huli ay umiwas din sya ng tingin at humakbang patalikod.
Bago pa man yun ay nakapitan ko kaagad ang braso nya, na pumukaw ng attensyon.
"Di ka man lang ba magpapalit ng uniform?" kanina ko pa kasi iniisip yun, di ko lang talaga alam kung pano sasabihin. Kung titignan ngayon ang suot nya, baka di sya papasukin sa mga classes.
Madungis ang kayang suot, may halo-halo yung kulay na nakadikit dun at may mga bakas pa ng mga pagkain na binato sa kanya kanina. Kung titignan naman ang lugar kung saan sya nakatayo, mukhang kahit janitor mahihirapang linisin ang kalat dun. Masyadong maraming naaksayang pagkain yung mga bullying yun ah.
Maliit na iling lang ang sinagot nya sa akin.
"Sumama ka sa akin." kinapitan kong mabuti ang braso nya bago ko tinungo ang papunta sa tapat ng locker ko. Mabilis kong kinuha ang gym bag ko at nagmadaling pinihit ang daan sa lugar kung saan alam kong safe.
"Saan mo ko dadalhin?" mahinang tanong nya.
"Sa shower room ng gym."
Medyo walang tao dun ngayon dahil lahat ng tao ay naglulunch. Kung meron man ay paniguradong ginagamit nila ngayon ang court, pero para mas sigurado, sa likod kami dumaan. Mahirap na baka may makakita sa amin.
"Teka, saan ka?" mahinang tanong ko sa sarili. Di ko kasi alam kung saang pinto ako lilingon, sa may girls' ba o sa boys' shower room? Kasi di naman ako pwedeng makapasok sa girls' room kaya pano ko sya ipapasok dun? Hay, pano na?
"Dito ka na lang." mabilis ko syang pinasok sa boys' shower room. Nagulat pa ata sya at di alam ang lugar.
Natural, babae ka kaya.
"Ayos lang yan, di ako allowed sa girls' room kaya dito ka na lang. No biggie." cool ko syang tinignan para di sya matakot sa akin. "Eto oh, may jersey dyan. Yun na muna suotin mo. Naroon naman ang shower." sabay turo dun sa pinakadulong cubicle. "Dun ka na lang, tapos isara mo yung pinto. Ibato mo na lang din yang uniform mo para malabhan kaagad. Tapos yung towel, kumuha ka na rin sa gym bag ko. Malinis lahat ng gamit dyan." mababang saad ko dito habang malalim nya akong tinitignan.
"Ayaw ko." maigsing pagtutol nya. Yun lang!
Napangisi tuloy ako. "You know, I don't accept no as an answer. Listen up here," madiin ko syang tinignan. "Don't get me wrong, I'm only doing this because you helped me yesterday. So," tinulak ko sya sa dulong cubicle. "You better get inside, para naman sa ganun di na tayo magkalandas pa ulit. Quits na tayo. Ayaw ko lang talaga ng utang na loob." dere-deretsyo kong sinara ang pinto.
"Ayaw k--"
"Anong ayaw mo?" pagputol ko dito.
"Lumabas ka na lang" di ganun kalakas ang boses nya pero dahil sa echo ng lugar, nadinig ko pa rin ang paghahabol nya ng hininga, na pilit nyang pinapantay.
Bakit kasi gusto mong panindigan yan? Alam mong tumakbo tayo. Pwede namang di maging kalmado paminsan-minsan.
"Oo na, lalabas na. Basta magpalit ka dyan nang matapos na." paglabas ko, napangiti na lang ako dahil sa pagkinig ko ng lagaslas ng tubig. Susunod din naman pala, pahirap pa. Sabagay, di nya decision yun.
Napakamot tuloy ako sa ulo. Oo nga naman, nagdecision na lang ako ng basta-basta.
Tek---a, anong ginagawa ng kupal na to dito?
"Yo, Max!! Tabi pare, bilis!" napakunot ang noo ko dahil sa pagdaan sa akin ni Lance, isa sa mga tropa ko.
"Teka!" mabilis ko 'tong hinablot at muling hinarang ang sarili sa pinto. "Bawal pumasok dito ngayon."
"Ano ka ba pre?! Alis!! Nagmamadali ako at pagnahanap ako ni Garry, lagot na naman ako." papasok na sana ulit to nang hablutin ko ulit sya pabalik. Ang kulit nito ah. Isip ng paraan Max.
"Teka, bakit ka ba hinahabol nun?"
"Ano ba bro?! Hiniram ko yung sasakyan nya kanina para magcutting!! Kaya nag-aalburuto na naman yu----"
At habang nagsasalita sya, palihim ko nang pinipihit ang door knob sa likod ko, ngunit sadyang makulit 'tong kausap ko. "—Ah basta! Umalis ka na dyan!!" dahil nung papasok na ako ay dun naman nya tinulak yung pinto kaya wala akong nagawa kundi itulak yun pasara.
"Ano ba pre! Ang laki mong hara!"
"Bro, bawal nga dito, wa-g kang ma-ku-lit." pilit at puwersahan kong isinasara yung pinto laban sa pagpihit nya nun.
Scary Girl, chill ka lang ba dyan sa loob? Sana bilisan mo na. Kahit alam kong imposible, pero sana nakakaramdam ka na may gulo dito sa labas.
"Ano ba Max?!! W-ag kang ma-kulit, kai-langan kong makapa-sok! Ta-bi." puwersahan nyang tinulak ang pinto. At dahil sa mas desperado sya kaysa sa akin, nakapasok sya. Crap!!!
"Tabi!" paghawi nya sa akin.
Bumungad sa amin pareho ang madilim na lugar. Tahimik at parang walang tao sa loob. Walang tubig akong nakikinig na tumatagas. Saan kaya nagtatago yun?
Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo sa dulong cubicle. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakitang naroon ang mga gamit ko. Nakakalat ang damit sa may gilid at di pa nababasa, yun ata yung mga malinis na damit na dapat pamalit nya.
Di pa sya nagsisimula? Pero basa na ang sahig, ibig sabihin tapos na sya?
Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang mga damit nya, ngunit katabi lang nun ang mga gamit ko na nakakalat din. Nanlaki ang mga mata ko.
Anong suot nun?
Nang marealize ko ang nangyayari, mabilis na pumailalim sa loob ng bag ang kamay ko at hinanap ang iisang bagay na sa palagay ko ay gamit nya ngayon.
Tsk! Nawawala nga!!!! Wag nyang sabihin ang lakas ng loob nyang magtago ng nakatowel lang??!!?
Bwisit, magkakaproblema pa ako nito. Now what?! Nasaan na yung mokong na Lance na yun? Pag lang talaga—-naku!!! Nasaan ka na Scary Girl?!!!
Minabuti kong pinakiramdaman kung saan may kumikilos at hinanap kung saan may bakas ng tubig. Di nga ako nagkamali ng may basa akong naapakan.
Sinundan ko yun at dahil sa ilaw mula sa bintana, dun ko nakita na sa baba nun ay ang cubicle na merong light blue na towel. Nakita ko dahil hindi fully covered hanggang floor ang pinto ng shower rooms dito. AT ALAM KO dahil yun din ang dahilan kung bakit alam kong nasa katabi nung cubicle na yun ang black shoes na sa pagkakaalam ko ay kay Lance lang, ang una at huling option na pag-iisipan ko.
Gusto kong sumigaw sa kaloob-looban ko dahil sa sitwasyon na meron ako ngayon. Matindi pa to sa mga basketball game kung paano ako pakabahin!!! At talagang dapat ako pa talaga yung nakakaalam ha! Di ba pwedeng maramdaman nilang dalawa mismo na may tao sa kabilang cubicle na dapat nila parehong iwasan?! Tsk!
Dahil sa inis kaya napabuntong hininga muna ako bago maingat na naglakad papunta sa cubicle kung nasaan si Scary Girl. Minabuti kong walang ingay ang bawat paghakbang ko.
"ENGRRR" pagtulak ko ng marahan sa pinto.
Gamit ng konting ilaw galing sa maliit na binatana, nakita kong WALANG TAO at tanging towel na nasa sahig lang ang naiwan. O_O What the? Ano nang suot nun ngayon??! Di naman sya lumipat sa kabilang cubicle, diba!!?
Dahil sa masamang ideya na pumasok sa utak ko, tuloy-tuloy ko nang binuksan ang pinto kung saan nagtatago si Lance.
"BOOGSSSH"
"AHHHH!!" gulat na sigaw nito habang nakakapit malapit sa dibdib. "Pare! Nakakagulat ka!! Akala ko si Garry at katapusan ko na." pagderederetsyo nya. "Tabi nga dyan!"
Hindi ko na sya pinansin. Muli akong kinain ng kaba. Mabilis kong binuksan ang mga bawat pinto.
"BOOGSSSH!!"
"BOOGSSSH!!"
"BOOGSSSH!!"
"BOOGSSSH!!"
Asan ka na Scary Girl? Di pwede ang masyadong matapang. Di ka pwedeng lumabas ng ganyan lang. San ka ba nagtatago?!
"Oi!! Ano bang hinahanap mo?! May nawawala ba sayo?" tanong sa akin ni Lance, nakahalata na ata. "Bubuksan ko ang ilaw para makita mo. Masyado kang matalino eh no, parang may mahahanap ka sa dilim."
"No, bro! Lumabas ka na lang!!" unti-unting nawala ang lakas ng loob ko dahil kokonting pintuan na lang ang di ko pa nabubuksan.
Naandito lang yun ah. Bakit nawala na parang bula? Kasama ko lang sya kanina, patunay dun ang mga gamit ko at damit nya.
Imposibleng nakalabas yun dahil nasa pinto kami kanina. Tsk', iisang pinto na lang ang di ko pa nabubuksan. Sana naandun na sya. Dahil sa kadesperaduhan na siguro kaya hinanda ko na lang ang sarili ko sa posibleng makita.
Wala na akong pake kung ano man ang lagay nya. Kailangan buksan ko 'tong pinto na to!!
"BOOGSSSH!!"
Scary Girl?
Pero wala pa din. Nasaan na yun?
Impossible. Does she manage to escape the room? Bakit bigla-bigla na lang yun susulpot at mawawala? Ano yun multo???
"Grabe, walang ilaw." rinig kong komento ni Lance na hanggang ngayon ay pinipihit ang switch. "Nakakatakot naman dito."
Nanatiling walang ilaw ang nabuksan.