Max's POV
Lumipas ang isang linggo at tulala pa rin ako. Pagkatapos nung nangyari, pinilit kong hanapin si Scary Girl mula sa boys’ shower room, sa girls’, sa buong gym at ultimo sa buong school grounds.
Di na rin ako nakapasok sa ibang subjects ko, tanging last subject na lang dahil wala talaga akong nakita. Noong labasan, di ako nakapaglaro ng basketball. Hindi rin naman ako makapaglaro ng matino kaya naging gwapong bench boy muna ako. Nag-iintay pa kasi ako sa may office ng may magsusumbong o magrereport ng isang babae na may di kaaya-ayang itsura na nagtatatakbo sa school.
Nagpabalik-balik din ako sa locker at sa gym kung saan ko sya nakikita dati, pero wala pa rin. Nag-stay din ako ng matagal sa parking lot, pero wala talaga.
That day I went home so late and tired. It was a whole mystery to me kung pano parang walang pakielam ang buong school na di sya nakikitang naglalakad sa mga usual place nya. Di ko naman alam kung anong section nya. Ayaw ko rin magtanong dahil baka kung ano pang sabihin ng mga abno. Lalo na si Kyle, malaking chismoso yun eh. And speaking of the devil.
"Oi, Max! Lutang ka na naman kapatid." nakangising pagpuna nito. "Ilang araw na yan ha. Ano yan, babae?"
Tignan mo, puro fake news 'tong lokong to.
"Hoy, Max! Bakit di ka nagsasabi?!!" pagmamaktol ni Patrick. "Akala ko ba mga bro's tayo. Nagbibinata ka na pala ha. Hahaha, bakit parang late ata?"
"Ulol!!! Ewan ko sa inyo, wala talaga kayong magawa sa buhay nyo eh, no!" pagbabalewala ko sa kanila. Nakita ko naman sila Gale at Ryan na nasa bukanan ng palabas. Labasan na, tapos na ang training at pauwi na kami.
"Bro, umuulan na naman." iritang reklamo ni Gale. Kung may drama queen, sya naman ang drama king. Paiyak nya kasing sinabi yun at medyo pumadyak pa.
"Oo nga eh, magdadalawang linggo na. Ang sabi sa balita wala namang bagyo, maulan lang talaga." saad ni Ryan bago nagpaalam.
"San na si JD?" tanong ko.
Dahil sa kakaisip ko kay Scary Girl, hindi ko na napapansin ang mga barkada ko. Ayan tuloy, ako ang napapansin nila.
"Nauna na." sabay at isa-isa nilang pinalo ang likod ko. "Uwi na kami bro."
Hay, ako na naman ang matitira. Katulad ng nakagawian ko nitong nakaraang linggo, medyo nag-intay muna ako ng konting minuto, para kung sa ganun, kung dadaan ulit sya ay makikita ko. Ngunit katulad ng dati, sadyang di ko ata talaga sya makikita.
No big deal, gusto ko lang naman ibalik sa kanya yung mga gamit nya. Remember, binigay nya sa akin yung itim nyang payong noong una naming pagikita. At ngayon naman, nasa akin na rin yung uniform nya at damit. Oo damit, pati yung mga personal nyang damit pangloob nasa akin din. Ahem, mga a.k.a na pangbabaeng damit na hindi ko dapat makita.
Ewan ko ba kung pano talaga yun nakalabas ng school. To think of it, hanggang ngayon kinakalibutan ako. Matru-trauma talaga ako neto.
"Woh~" pagmamadali kong sakay sa kotse ko. Parang ang lamig ngayon ah. Kaagad kong binuksan ang heater at pinaandar ang sasakyan.
On my way out sa school grounds, dahan-dahan akong nagdrive dahil di maaninag ng konti ang daan. Tahimik ang lugar at tila parang lahat ata ng tao ay nasa may mga bahayan na nila.
Nasa may pangalawang kanto na ata ako nang may nahagip ang mga mata ko, isang bulto ng taong tumatakbo sa di kalayuan. Sa likod nun ay ang mga grupo ng kalalakihan. Mga lima atang nagsisitakbuhan.
Wala naman masyadong tao at sasakyan, kaya anong hinahabol nitong mga to. May riot ba? Alam na umuulan tapos maghahabulan kung kailan madilim pa. Tao talaga ngayon eh no, basta may magawa lang.
Pinaandar ko ng mas mabilis ang kotse ko para malagpasan kung ano mang gulo ang nangyayari. Ayaw ko ng gulo ngayon dahil parang seryoso to. Baka mamaya gang fight pa pala 'tong masalihan ko. May saksakan pa o barilan na maganap, at kung sakasakali, paniguradong ako ang nasa loob ng sunod na balita mamayang umaga. Buwis buhay pa ako pagnagkataon, tapos sa mga di ko pa kilala o kaaway. Sayang naman ang buhay ko nun.
Kaso talagang mahirap ata ang buhay at puno ng kabaliwan, dahil lubos akong napatigil nang naaninag ko ang bulto ng isang katawan na tumatakbo sa unahan nung mga kalalakihan. Kung hindi ako nagkakamali, yung bulto na yun ay babae, babaeng nakakatak----SCARY GIRL!?!?!
What the?! Anong ginagawa nan dito??!!? Bakit sya hinahabol ng mga yun?!!
Ang nakakainis pa dun ay naandito lang pala sya! Ang tagal ko kaya syang hinanap sa school noong nakaraang linggo!!!!
Gusto lang pala nya ng away, edi sana hinamon ko na lang yung mga kabarkada ko para sumulpot sya!! Kainis!
Nang makalapit ako sa may bandang likod ay nakompirma ko ngang SYA yun!!!! Naka-uniform pa rin sya at basang basa na tumatakbo, may kabilisan yun at mukhang hirap na hirap syang kumilos dahil sa bigat na rin siguro ng basa nyang damit. Kitang kita ko rin ang paghahabol nya ng hininga. Wala syang dalang bag o kung ano pa man.
Wala. Basta desperado lang syang tumatakbo. Fvck! Kinakabahan ako para sa kanya.
Kadahilanan na rin siguro ng ilaw ng sasakyan ko kaya napalingon sya. She has this look, look na hindi ko kayang hindian. She looks scared. Yun na rin ang naging sinyales ko para pahintuin ang sasakyan ko sa harap nya, binuksan ko ang back door sa likod ng drive's seat.
"PASOK! WAG KA NANG LUMINGON!!!" sigaw ko sa kanya.
She looks shocked, but there’s still written hopelessness in her face. Naka-kurba ang kilay niya, nag-aalala at parang—parang naiiya—hindi, siguro basa lang yun galing sa ulan. She can’t cry dahil sa mga walang kwentang nilalang na humahabol sa kanya.
I think it takes a minute or two nang madigest nya kung sino ako at kung anong nangyayari kaya sumakay na rin sya. Mabilisan kong pinatakbo ang sasakyan. Mahirap na at baka maabutan pa kami.
"BAKIT KA NILA HINAHABOL? ANO---"
"Hindi ko rin alam, nagsitakabu---" bakas sa boses nya at pagsinghap ang parehas na pagod at pilit na pagkalma. Napakunot ng husto ang noo ko.
Really? Calm pa rin?! After all this serious situation??!!!! I can't believe this girl!
"DO YOU KNOW WHAT TIME IT IS---"
"Mga 7:48pm na kaya uuwi na sana ak---"
"EXACTLY!!! AT THIS TIME???! LATE UUWI K---"
"Kaso umuulan kasi kay---"
"YUN NA NGA, UMUULAN! DAPAT NAGTAXI KA N---"
"Malapit ang baha---"
"KAHIT NA! DI MO BA NAIISIP NA DELIKA---"
"Lagi naman akong naglalaka---"
"KAYA NGA HINABOL KA TULOY NG MGA YU---"
"Di ko naman sila kilal---"
"PANO KUNG DI KITA NA KIT---"
"Papunta ako sa pulis st---"
"PURO MGA LALAKI NA NAMAN ANG PUPUNT---"
"Kaya nga ako tumakb---"
"TAS KABABAE MO PANG TA---"
"Di na magbabago yun." mabilis nyang sagot. Nagdalawang tingin tuloy ako pabalik sa kanya at sa daan. Nakakahalata na ko.
Ayos to ah, kanina pa niya ako sinasagot.
Napailing na lang ako kaya mas pinili ko na lang na tumingin sa side mirror at POTSPA! Ang mga kupal di pa rin tumitigil kakahabol sa amin. Tsk!! Di ko naman pwedeng bilisan ng husto dahil di ko maaninag ang daan, baka mapahamak pa kami.
"Bilisan mo." kalmadong utos nya sa akin.
Yeah right!!!! Panindigan mo yang pagigiging kalmado mo!!! AKO lang naman yung nagdadrive diba! Kaya AKO lang naman ang sisihin pagnahabol tayo o pagnabunggo!!!!!!!! Bwisit na sitwasyon to!
"Baka mahabol nila tayo."
"Wag ka na kasing lumingon!"
Pero kahit napagsabihan na ay lumingon pa rin sya, tila ba di sya mapakali sa upuan nya. Yan tuloy kinakabahan lalo ako.
"Pwede bang umayos ka ng upo! Kinakabahan ako sayo."
"Bilisan mo ang pagdadrive!" nagpapanic nyang sigaw sa akin. Napatingin ako sa mukha nya, laking gulat ko ng may takot sa mga mata nya. Malalim ang bawat hugot nya ng paghinga. Sobrang basang basa rin ang mukha nya, nakakunot ang noo at nangangatal ang labi na pilit tinatago, dahil sa panginginig ng buong katawan. Samantalang ang mga mata nya ay may malamlam na tingin, mas nag-iistand out ang pagka-itim at pagkabilog nun na nakasilip sa pagkakatabing ng buhok nya.
Ngunit di yun nakakatakot ngayon. Parang mas nakakaawa dahil sa takot nya. Pati rin pala sya nawawala na rin sa composure.
"OO! Alam ko pero baka mapahamak tay---"
"Bilisan mo, kailangan ko nang makauwi!"
"Ako rin kaya." gusto ko sanang sabihin pero ayaw kong sabayan sya ngayon dahil kailangan kong magfocus kung saan kami pupunta ngayon. Ang mga goons naman na sumusunod sa amin ay hanggang ngayon nakasunod pa rin. Ang titigas nitong mga to ah, nakasasakyan na ko, nahabol pa rin. Bakit ba naman kasi ang lakas ng ulan?
"Bilisan mo! Kailangan ko nang makauwi!" mas desperadong saad nya, halata yun dahil sa pagtaas ng boses nya. Di ko rin inaasahan ang pagkapit nya sa braso ko. Malamig yun ngunit mas ininda ko ang pagdiin ng kuko nya na bumabaon sa laman ko. Oh tapos ngayon nakakapit na siya sa akin?
"BILISAN MO!!"
"OO NA!" mas inapakan ko ang gas ngayon. Bahala na!!
"BILISAN MO PA!!" mas dumiin pa lalo ang kuko nya sa akin.
Mahirap masatisfied 'tong babaeng to. Masyadong demanding. Di nya ata alam ang nangyayari ngayon.
"DI PWEDE! BAKA MAPAHA---"
"ITIGIL MO DYAN SA KANTO!!!" sigaw nya sa akin.
Talaga naman ang kulit!!!
"LOKO KA BA?!! MAHAHA---OI ANONG GINAGAWA MO?!!!"
Bumitaw kasi sya sa akin para pilit buksan ang pinto.
"WAG KA NGANG MATIGAS ANG ULO!"
"Kailangan ko nang lumabas." mahinang saad nya. Wala na ang kaninang pagtaas ng boses nya at pati na rin ang takot. Wala, flat na ngayon ang expresyon nya at tanging ang gusto na lang ay lumabas. Tamo to, bigla-bigla na lang humihinahon. Bipolar ang yano.
"HOY! TIGILAN MO NGA YAN!"
"Pala-basin mo na ak-o." mahinang hikbi nya habang patuloy pa ring tinatry na buksan ang pinto. Iiyakan ba nya ako?
Napalunok tuloy ako dahil sa pagbabago ng tono nya. Wala naman akong ginagawang masama, ang kaso lang di ko alam kung nahabol pa ba sa amin yung mga goons. Aminado akong medyo malayo na kami dahil pinabilis ko nga ang sasakyan pero di ko alam kung tumigil na ba sila.
Alam kong gusto na nyang umuwi pero delikado. Tsaka, di ko naman alam kung nasaan ang bahay nya. Di naman nya sinasabi ang daan.
"OI! SINABI NANG TIGILAN MO YAN!" kinakalampag na nya kasi ngayon ang pinto. "Di mo mabubuksan yan kaya umupo ka na lang dyan! Ihahatid kita sa inyo kaya---"
Bigla syang tumigil sa paggalaw, umagaw yun ng attention ko. Gamit ng salamin, alam kong nakatingin sya sa likod ko.
"Kinakabahan na ako." malamig at mababang bitaw nya.
"Wag kang mag-alala, ako rin na---"
"Ahhhh~!" biglang impit nyang sigaw.
“Oh! Anong nangyari sa—-” lumaki ang mata ko. In an instant, she was gone in my view. What the hell? Tek—-
"Meow~"
"WAAAAHH!! WHA--HAT---TH-E???!?!??! HOL---Y!!! HO--LY SH—AH!!! AHHHH!!!!"
Di ko alam kung saan ako titingin o kung anong gagawin ko! Nanginginig ang buong kalamnan ko, parang tataob ang sikmura ko. Nanginginig din ang mga paa kong hindi ko maiapak sa break, kaya medyo lumihis ang sasakyan na nagsanhi ng paggewang. Pilit naman yung binawi ng kamay ko na dumudulas sa manubela.
WHA—-T!!!
Pilit akong sumisiksik ngayon sa may pintuan ng driver seat, at nakatuon sa manubela. Di ko alam kung pano ako nakasiksik dito pero ang alam ko, nanigas ang buong katawan ko at tumatakbo ng mabilis ang pag-iisip ko.
"Meow~"
"WAAHHH!!! PA--AHNO??!!----A--NO!!!!! DI---!! BAH--KI--T!!!! AH!!!!" nagpabalik-balik ang tingin ko sa salamin at sa daan. Pilit hinahawi ng isip ko kung ano ang nangyayari. Pero naandun SYA, at wala na ang babaeng kasigawan ko kanina!!!!
BAKIT MAY ITIM NA PUSA SA SASAKYAN KO!??!!!!! TOTOO BA TO!!?!????!!
"Meow~"
"AHHH!!!!!!!-HO--LY!--AH!!! NO!!" lumunok ako. "DEA-RR!! FAH-HA!!THE--R!!! MO--MO--HO!!!!OST!!!! DI--V-I-AH--NE!!! AH!!" di ko na alam, basta I'm casting a prayer!