Max's POV
Madiin ang bawat pagpikit ko na nagpapaasa sa akin na sana wala na ang kung ano mang nangyari sa backseat ng sasakyan ko.
Aminado akong kanina pa dumadaan sa isip ko ang mga magagandang pangyayari ng buhay na to. Pinangako ko na rin sa sarili ko at sa Dyos na magiging mabuting tao na rin ako. Alam kong maigsi ang buhay at sinayang ko yun sa maling paraan, pero sana malagpasan ko to. Pagnangyari yun, magpapakabait talaga ako. I don't think sobrang sama ko rin naman kaya sa palagay ko ay matatapos din 'tong gabing to.
Okay Max, weird night. Yeah right, calm the freaking down man!!!!!!
"OK--AY!! WOHHH!!!" pagbuga ko ng hangin para mailabas lahat ang tension sa katawan ko. Mas hinigpitan ko ang kapit sa manubela para maibalik ang sensya sa pagdadrive, at nang huminahon man lang ako.
"Calm down dude, yeah, clam down. It's normal, it's normal. It's okay, nothing special. You got a cat----no, black cat at your backseat. It's fine, everybody can keep a cat inside a car." pagkausap ko sa sarili. Muli kong tinignan ang pusa na ngayon ay nakatingin sa akin ng DERETSYO.
Sinong niloko ko? Di to normal!
"Meow~" pagtalon nito sa may katabi kong upuan!
Please wag mo akong tabihan!!!
"Okay, Fella! Chill!!! Wala akong gagawin."
Lubos naman akong nakahinga ng maluwag ng wala naman 'tong ginawa. Humarap lang sa akin at TUMITIG.
Wag kang ganyang pusa ka. Baka ibangga ko 'tong sasakyan sa mismong kagustuhan ko para lang mawala ka.
Malayo-layo na rin ata ang nadrive ko nang medyo humupa ang ulan at ang pagiging praning ko.
Sa tagal na rin ng pagdadrive ko, siguro naman wala na yung mga humahabol sa amin. Pero, of course, naandun pa rin yung kaba at pagiging alerto. Kaya nga ngayon ay nakasiksik pa rin ako dito sa kinakaupuan ko. Pero yung dahilan ay hindi na dahil sa humahabol sa amin, na—-ewan!! Kung sa ‘amin’ nga ba o sa ’akin’ na lang since hindi ko alam kung anong nangyari sa kasama ko!!! Gusto kong isiping tumalon lang si Scary Girl sa bintana.
Tsk', wala na akong pakielam kung mahahabol na ako ngayon nung gang kanina, pwede na rin! At least yun tao, mababalik ako sa tino. At kung hindi man, at least pare-parehas namin nararanasan to. Hawa-hawa na! Tutal hinahabol nila ako kaya yung problema ko dapat problemahin din nila.
"Meow~"
Pasimple kong tinignan ang pusa sa gilid ng mga mata ko. Ganun pa rin ang puwesto nya. Habang ako, nangangawit na.
Naka-angat ang upo ko at sa di malamang dahilan, parang pakiramdam ko mamatay ako kung sasandal ako. Malapit din ang mukha ko sa side mirror at mas gusto kong isiping itong parte ng sasakyang ito, kung saan ako nakapuwesto, ang tanging may pakielam ako. The rest ng sasakyan pwede ng banggain. Wala na akong pake. Pakiramdam ko mabubuhay ako sa gantong pwesto.
"Sh't!" napamura ako nang makita ang tinigilan ko na pala ay ang tapat ng bahay ko.
Dahan-dahan kong nilingon yung kanina pa gumagawa ng kakaibang ingay.
"Meow~"
And on cue, tinignan din ako neto na parang alam kung ano ang nasa isip ko.
Anong gagawin ko sayo?!!! Hindi ka naman pwedeng iuwi! Baka kung ano ang dalhin ko sa bahay!!!
"Hoy, pusa." tawag ko dito. Nakatingin naman sya sa akin, pero gusto ko lang linawin. "P-pano ka napapunta dito?" pagtitig ko na sinuklian din nya ng tingin. Di ko alam kung tama bang kausapin to. Mukhang ewan na ako dito eh. Nababaliw na talaga ako.
May minuto ding lumipas na nagtitigan lang kami. Panay lang ang pagtapik ko sa manubela na parang may iniintay——nang biglang may pumasok sa isip ko.
Hindi pwedeng si Scary Girl talaga to!!!! Mababaliw ako kung ganun. Ano ba kasing mundo 'tong pinasok ko?!! Mas malala pa to sa mga mafia-mafiahan na yan. Kasi first of all, hindi naman talaga pang mundo 'tong pinasok ko!!!
Pero para makumpirma ang ideya sa utak ko, pinilit kong lumingon sa may backseat.
Halos lumuwa ang kaluluwa ko nang makita ang mga damit dun. Basa yun at—at alam ko ring kay Scary Girl din yun.
"Ha!" pagsigaw ko na kinimkim sa isang buga. Nagmistulan yun parang ubo, na medyo nagpagitla sa pusa sa tabi ko.
"Sorry, peace." pagpaumahin ko. Baka kung anong gawin nito sa akin eh. Right now, kahit tao ako at kahit lalaki ako, nasa kanya ang upper hand kasi tao lang naman ako. Kung may vampire man pipiliin ko yun para di na ako matatay at baka may chance na, malay mo, kumakain din pala sila ng pusa.
"Okay! I need to settle this." pagkausap ko sa sarili. "Pusa, wag kang malikot ha." at tinaas ng dahan-dahan ang kamay ko na parang nagsasabing wait. Tinignan lang nya yun.
"Dito ka na lang or kung gusto mo, umalis ka. Iiwanan kong bukas ang bintana." sabi ko at binuksan ang bintana gamit ng control. "Tumalon ka na lang."
Tutal kaya nya naman yun.
"Lalabas na ako at bahala ka na sa sarili mo. Wag mo lang sanang kalmutin lahat——"
"Meow~"
Napatigil ako sa ingay na ginawa nya habang may nilingon. Sinundan ko ng tingin yun.
"Ha!" pagsigaw ko. May aninong nakadikit sa may salamin ng binta sa tabi ko!
"Son, what are you still doing there?" tanong ni Mama na kakarating lang.
"Ma naman! Bakit ka nang gugulat?!"
Alam na mataas pa ngayon ang tension at nakikipagdeal pa ako dito sa pusa! Magigitlain pa pati ako!!!
"Umm?" weirdo nya akong tinignan at sinipat ang relo sa may kamay. "You've been here for 30 minutes now, kailan ka ba papasok?"
"Maya-maya may tatapusi—-"
"Oh, what a lovely cat." halos lumaki ang mata ko nang umikot sya sa kabilang pinto para buksan yun at kunin ang pusa. "I didn't know you have a cat, Max." masaya nya itong tinitignan.
"Ma, wag yan!" pigil ko dito.
Sinamaan nya ako ng tingin. "What? Is this your girlfriend's cat para hindi ko kapitan?" nirolyohan nya ako ng mata. "Max, remember wala ka nun? Magseryoso ka na kasi para naman may maipakilala ka sa akin. And look, oh." paghaplos nya dun sa pusa habang sumisinghot. Talagang kinaawaan pa nya yun. "Mag-aalaga ka ng pusa when you can't even take good care sa sarili mo. Kawawa naman sya." pagdradrama nya. Hindi ko naman alam kung magpapanic ba ako nang idikit nya sa mukha nya yun.
"Ma, wag!" napasigaw na ako kaya medyo nagulat sila parehas nung pusa. "Madumi yan! Hindi pa sya naliliguan." pagdadahilan ko. Wala na akong ibang maisip. Malay ko ba kung anong meron yan, eh hindi ko nga alam kung saan yan nanggaling.
Sa backseat mo, tanga. Sagot ng utak ko. Bwisit to!
"Max, magtigil ka nga!" pagtataas ng boses nito at binigyan ako ng dagger look. "Tamo, oras nga lang ng pag-uwi hindi mo pa maiayos, tapos kukuha ka pa nito??!! Just make sure, she'll stay in the house para naman may responsibilidad kang bata ka!!"
Umawang ang bibig ko habang sinusundan sya ng tingin. Naiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan. Tama ba yung sinabi ng mama ko? Stay in the house daw, yung pusa??? Nang mapagtanto ko yun, nagmadali na akong umalis.
Tsaka, hindi ko pa kaya ang mag-isa ngayon.
Imagine nyo na yung pinangyarihan ng krimen ay yung bahay nyo at yung pinatay ay namatay talaga sa mismong kinakaupuan mo. Yun, yun yung kilabot ko ngayon. Anak lang talaga ng tipaklong dahil sa sasakyan ko nangyari yung krimen, which is araw-araw kong gamit! Paano na ako nito?!
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay may ine-expect akong ingay na mababasag o gulo. Kasi alam nyo yun, pusa eh——magulo.
Pero walang ganun at tanging mga.....
"Oh, ang ganda naman ng pusang yan, Ma'am."
"San po galing? New breed po ba yan? Ang ganda po kasi."
"I know, right? Si Max ang may alaga sa kanya."
"Ay Ma'am kunin natin, baka kung mapaano pa yan."
"Oo nga po, baka masayang. May lahi pa naman oh."
Oh, diba? Ang bias no. -_-'
Dahil sa mukhang okay naman yung pusa at baka nga pang karaniwan lang yun (at talagang tumalon si Scary Girl sa bintana) ay tatanggapin ko na. Malay nyo kasi nagkataon lang na naligaw yun tapos nagising nung nawala na si Scary Girl. Diba? It makes sense.
Umakyat na lang ako sa itaas at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay pumunta akong swimming pool para magpalipas ng oras at irelax ang sarili. Ngayon pa lang kasi ako nakakahinga ng maluwag.
Dinig na dinig ko pa rin ang mga komento nina Mama at Manang. Mga tuwang tuwa dun sa pusa.
Sumisid na lang ako ng malalim at hindi maiwasang isipin kung nasaan na si Scary Girl. Ayaw ko man ay talagang iniisip ko na rin ang isang kabaliwan na kung sya nga yung pusa ay ano kaya ang gagawin ko. Para nirere-ready ko na rin ang sarili ko.
Pagka-ahon ko, sumalubong ang lamig ng hangin at ang kunting pag-ambon ng ulan sa mukha kong nang lalamig.
Hihingin ko talaga explanation mo, Scary Girl!!! Siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap yan! Di bale na kung ano pa man yan, ang mahalaga ay hindi ako nawawala sa tamang kaisipan. Wag lang talagang masayang ang malaking paghahandang ginagawa ko ngayon.
Habang lumalangoy ay ganun din ang paglalakbay ng utak ko sa mga posibleng mangyari at sa mga bagay na pwede kong gawin.
Lumipas pa ang kalhating oras nang tawagin na ako ni Manang para maghapunan. Mabilis kong inayos ang sarili ko at nagtuyo bago pumunta sa dinning.
"Oh. My. Gosh." hindi makapaniwalang bitaw ni Mama habang nakatingin sa paborito nyang anak ngayon——dun sa pusa. "Look at that! I thought hindi nya kakainin, yehey!" she jumps happily na para bang the best thing in the world ang pagkain nung pusa. "Wow!"
"Naku, Ma'am. Masunurin po talaga yang pusang yan, eh ano po?" nakangiting pagsangayon ni Manang na pinagmamasdan din yun. Can I just p**e right now? Ang dami kasi nilang sinasabi.
Pasalamat sya ang ganda nya pagpusa sya.
Oo, maganda nga. This cat is way too enchanting. She's not actually a black cat, medyo dark brown sya pagnatatamaan ng liwanag, at may glint of silver sa dulo ng balahibo. Parang kinang yun. She also have two different eye colors, red-brownish on her left eye and light yellow-brownish on her right. She's very beautiful, indeed. Not to mention, her fur's looking so fluffly, and I think mas pa yun kung kakapitan. Ngayon lang ako nakakita ng kind niya.
Actually never pa akong nagandahan sa kahit ano pa mang hayop. I never like them anyways. Hindi ako animal person. Ni wala akong hilig sa kanila. I think they're too demanding at katulad ng tao, maraming kailangan na pag-aalaga. I can't give that. Nakinig nyo naman siguro yung Mama ko kanina, I can barely follow a single rule.
Tahimik ko lang na sinimsim ang juice na iniinom ko, habang nakatingin kung paano nila pagkatuwaan ang bawat galaw nung pusa. I can surely see happiness sa kung paano nila bantayan to.
Silently, I went back to the car. Hinanap ko ang gym bag ko at mabilis na pinasok dun ang mga damit nya kanina. All of them. Wala na rin ang takot sa dibdib ko at parang naging action stars naman ang bawat galaw ko. I felt like I'm keeping a secret. Hindi ko pa man alam kung totoo ba ang nasa isip ko pero malakas talaga ang hinala ko na sya yung pusa.
Masaya naman sila mama and I don't think it'll be a problem kung hahayaan ko muna sya sa kamay nila. Besides, I need time para ilaundry ang mga damit nya. Kanina pa man may tanong sa isip ko kung kailan ba sya babalik sa normal, but as long as I have not seen Scary Girl, yung tao mismo sa school namin, then I think I'll keep in all my crazy thoughts and the cat.
"Max." pagtawag sa akin ni Mama. I was about to go upstairs para labahan yung mga damit.
"Yes, Ma."
Seryoso ako nitong tinignan at nagbuntong hininga. "Anak, are you not busy sa school?"
I strangely looked at her. "Not even actually. Why?"
She shakes her head. Nasa kanya pa rin yung pusa, she's petting it at mukhang nakikisama sa kanya yun dahil hindi gumagalaw to sa kapit nya. "Exactly, anak. You should take it seriously. Kakatawag lang ng teacher mo and he said he wanted me to talk to you para daw ayusin ang grades mo. There's a chance daw na bumagsak ka. Pati si Coach Ray nag-aalala na kung makakapaglaro ka ba daw this year."
I was shocked to what she said. I didn't know na ganun na pala kalala yung sitwasyon ko. I've been the same throughout my whole school years kaya hindi ko alam kung saan ako nagkaiba this year, dahil hindi na mga same results ang nakukuha ko.
"I'll fix it, Mom." I diverted my glance sa kapit kong bag. I don't know what to say. I’m shocked and little ashamed.
She looked at me with a little smile. "I know, anak. You always do, you just need a little time."
Right. I always fix things before hand. Somehow that gives me motivation. I never failed. "No biggie, don't stress about it. Baka magka-wrinkles ka lang."
Paheras naman kaming natawa. You see, my Mom is the best mom. We talked rude, sometimes, but that just her way of staying young. However, we support each other pretty well. I guess that's a good thing.
"Kaya nga eh. Osya, umakyat ka na sa taas and sleep EARLY para hindi ka malate." she even pointed at me. Laking taka ko nga lang nang unang tumalikod to sa akin.
"Ah, Ma." muli kong tawag dito. Sinilip nya ako at patay malisyang naglakad muna ng may kalayuan sa akin.
"Yes, Iho." she remained standing side-way.
I point out the cat on her arms. "Yung pusa ko." tumaas ang kilay ko nang lumayo to at ngumuso while still doing her two-step back and forth waltz, para ihele yung kapit nya. Fudge, hindi baby yan.
"Bakit, Iho? Akala ko ayaw mo akong magka-wrinkles, paheram muna ng pusa mo para makapag-alaga naman ako ng baby at mawala ang stress ko sa work." sinilip pa nya ang pusa at medyo hinaplos yun. "See, comfortable na sya sa akin." ngiti nyang bulong at nagsimula na ulit maglakad. "Akin muna sya."
"Tsk." napailing na lang ako. "Hindi ko sinabi yan." pahabol ko dito bago pa man to maglaho sa paningin ko, but she acted like she didn’t hear anything. The cat also went with her.
Now what? She got kidn*pped by my Mom. So does that mean she'll live with me????? Did I got myself in trouble?