Max's POV
Strangest things happened to me last night. Yeah, I can't even digest what happened. Kaya hindi ko inaasahang magdedere-deretsyo pala yun.
"Ah!" mabilis akong napabangon. I look at the bed at dinama ang pagkakapit ko sa kumot. I immediately saw a small ray of sunlight. Medyo bukas pala yung kurtina ko. It's just 5:49am! Nakakatakot!
I still can't belive na nagising ako sa gantong oras ng wala man lang alarm. Usually, alarms can't wake me up kaya ang tiga-gising ko talaga ay si Manang o kung mamalasin si Mama. The weird thing is kagigising ko pa lang pero ang nasa isip ko na kaagad ay si Scary Girl! Really, hindi pa rin ako makapaniwala kung nakita ko nga ba sya kagabi!
If the cat is still here, then I guess it's all true.
Umakyat kaagad ang lamig sa buong katawan ko nang bumaba ako ng kama. Masyadong malamig kaya hininaan ko muna yung aircon. I stared for good 5 minutes straight bago ako gumalaw. I'm too lazy pero parang may nagpupull sa akin na gumayak. Why do I have to be stupid today para maagang bumangon?
"Huh?" pagkapa ko sa may tabi ko. I have to put on my pyjamas, naka boxer lang kasi ako ngayon, pero mukhang hindi ko ata nalagay yun dito kagabi. I must be overload by the situation yesterday to forgot about it. I walked to my closet.
"AHHHHH!" buong sigaw ko sa BABAENG nakahiga dun. What, a dead person in my closet??? What the f——
"Ah!" mahinang sigaw DIN nito. Nagkatitigan kami while continuously shouting at each other's faces. Lalo na nung nakita kong bumaba ang tingin nya sa akin. "Ahh!!!" pagturo nya sa baba ko. Oh—-sh't!!!
"Ahh!" pilit kong tinakluban yun ng kamay. Fvck! I'm only wearing my boxer! What the heck!!!
I look back and fort to her. And there I saw my PYJAMAS, she's wearing them!!!! I wouldn't be put in shame kung hindi nya kinuha yun!
"IHO! Anong nangyayari?!" pagkalampag ni Manang sa pinto.
I immediately grab her mouth.
"Sh't! Scary Girl, keep it down." bulong ko dito kaso nagpapalag to. "Hush, hush! I know I'm naked but if you don't keep your voice down mayayari tayo!"
I'm really sorry if I have to used my hands on you.
"Ana! Yung susi ng kwarto, pakuha nga!!!" sigaw ni Manang kaya mas naging alerto ako. Muhkang nakuha na rin ata ni Scary Girl ang nangyayari kaya natahimik sya.
"We don't have much time, come on!" paghatak ko sa kanya papaalis dun. I can feel anytime soon papasok na sila dahil sa kalinsing ng susi at ng doorknob.
"Ayaw ko dito." mahinang pagtutol nya, but I only push her head more inside.
"We don't have a choice." pagbulong ko lalo. I grab her close para mas matakluban kami. This is not in my plan. Never in my plan kaya I don't know if I'm doing the right thing.
"ERRRNGK."
My door opens. I frooze sa pagkakapit ko kay Scary Girl.
"Iho?" mahinang pagtawag ni Manang. I can sense that she's peeking her head inside. Mas lalo akong kinabahan sa pag-iisip na yun.
My senses are all awake and so is my mind. Napatingin na lang ako sa katabi ko. Yes, we did hide under covers. Parehas nakataklob ang buong kabuoan namin. Buti na lang at makapal yung kumot at malaki 'tong kama.
Malalim na nakatungo si Scary Girl at nakatingin sa may paahan namin. Katulad ko, nag-aabang din sya ng susunod na mangyayari. I can feel her breath blowing in the side part where my ribs are. Nakapatong dun ang kamay nya habang kagat-kagat ang kuko sa daliri. Ngayon ko lang talaga na-appreciate ang hilig ko sa sport. Good thing I have a well-built body. Hindi ko alam na may kakapit pala sa akin ngayon.
"Sige, Ana. Ikaw na ang kumuha ng mga libagin ni Max. Ako na lang ang magse-set ng shower nya." utos ni Manang. She and Ana, yung anak nya, ang tangi naming katulong dito. Hindi pa naman ganun katanda si Manang at mga nasa 40's palang. Ang anak naman nya ay hindi nalalayo ang idad sa akin. They're both nice at sila na rin ang gumagawa ng ibang bagay para sa akin. Katulad ng sa shower.
Pinatay kasi ata nila ang heater kahapon dahil minsan kailangan nilang magdilig sa umaga. Kaya mga gantong oras kailangan i-on ng maaga ang heater ng tubig. Masyadong maaga ang gantong oras sa akin kaya sila na ang gumagawa nun. I'm really thankful they do things for me. They're so thoughtful.
"Nay!" mahinang pagtawag ni Ana sa may parte ng closet. "Wala po ata yung bag ni Max." they know na kine-keep ko ang ibang libagin dun. I know they'll go for the closet kaya mabuting natagpuan ko ng una si Scary Girl dun. Kundi, ewan ko na kung nasaan kami ngayon. Baka siguro nasa kapilya at binabasahan na ng bibliya.
"Ayos na yan, iha. Kunin mo na lang yung basket." sagot ni Manang sa may gawi ng washroom. Having both of them in my room really makes me uncomfortable. Paano kaya ako nakakatulog ng naandito sila dati? I just hope they haven't done this before. Sabagay, I usually locked my door. And for what I remember, they asked for my laundries. Well, at least I can relax now.
"Nghay~" maninang paghikab ni Scary Girl. It sounded like a soft purr of a cat. I secretly smile. I got a human cat besides me.
While I'm listening sa kung ano pa man ang nangyayari sa labas, yun naman ang pagkuskus ng mata ni Scary Girl. I don't think she cares for the limited movement sa pagkakahiga namin dito sa kama. Mukhang antok na antok pa ata at nawalan na sya ng pake sa mundo. Hahaha. That's adorable.
"Nay, tignan mo to. Parang nakapilipit ata si Max." kinig kong puna ni Ana. Naramdaman ko naman ang pagkapit ng isang kamay sa may kumot. Nangunot ang noo ko.
"Oo nga no, iha. Aba, bakit nga no? Mukhang hindi naman ata nakadapa si Max." dagdag pa ng ina nito. "Ang liit pala ng paa ni Max."
What the heck are they saying?! Are they touching my foot?! Wala akong nararamdaman!
Dun mabilis kong narealize ang meaning nila. Obviously, they're not pertaining sa paa ko dahil I can move them perfectly fine against sa binti ni Scary Girl. She's a little bit lower to my position kaya ang nakalabas na paa ay paniguradong KANYA.
'Tong pusang to! Nawalan na talaga ng pake, mahuhuli tayo nan dahil sayo.
Binaba ko ang kumot dahil natakluban nun ang mukha ni Scary Girl, I place one hand sa cheek niya para masiguradong makakahinga sya, bago gumalaw ng kunti. I even lay my leg across her legs para i-galaw galaw din ang binti nya. Para isang buo pa rin ako sa mata nila Manang, dahil alangan namang maiwang hindi nagalaw yung kalhati ko, diba?
Medyo dinaggan ko na din ang katawan ko kay Scary Girl para naman tumugma ako sa paa nya. Her feet are pointing down sa floor kaya dapat nakadapa din ako. It was just enough para hindi ko sya madaganan. I did move para malaman nila na kunwaring magigising na ako.
"Iha, tara na sa baba at baka magising na si Max."
Nakakinig naman ako ng ilan pang kaluskus bago sumara ang pinto. I stayed in same position for two minutes para masiguradong wala na talaga sila. Nang naging tahimik na ang lahat ay dun ko lang naalis ang kumot na nakataklob sa amin, bago nag-aayos muli ng higa.
"Ah~" I finally can breathe air! Kay aga-aga ganto kaagad ang eksena. Buti na lang at nakalusot. Okay, Max! Let's fix the problem.
My hands was about to push Scary Girl kaso natigilan ako nang maramdaman ko ang malalim na paghinga nito. She's peacefully sleeping. Medyo natatakluban pa ang mukha nya dahil sa buhok, like it always been. Truly amazing na nakatulog sya sa ganung sitwasyon.
Her head slightly moves up para iunan pa talaga ang dibdib ko. I was hesitant, of course, lalaki ako at babae sya. But I think I'll be the biggest jerk in the world kung gigisingin ko sya ngayon.
Siguro naman I can let this time go. Tutal may oras pa naman para matulog sya. Nawala na rin ang unknown reason na nagtutulak sa aking gumayak, kaya gusto kong bumalik sa pagtulog, now that I feel comfortable. Gigisingin ko na lang sya ng 6:30am para gumayak. I just hope she can move fast dahil wala akong balak malate ngayon.
"Umm." paglapit pa nya sa akin at siniksik pa ang mga paa sa ilalim ng mga akin, like as if looking for my feet to get back sa pagkakapatong ko kanina.
Abuso 'tong babaeng to ah. I already got one arm around her shoulder dahil medyo nabalikwas sya, tama na yun! Ang dami pang gusto eh. Bakit ba kasi pumunta pa sya dito sa kwarto ko? Akala ko ba na kay Mama na kwarto sy-----well, buti pala at dito sya naabutan. Naabutan ng transformation nya.
I should be freaking out right now dahil iisa lang ang meaning nun, she can actually change into a cat. But I don't have time to react onto that, masyadong maaga. Tsaka, mahuhuli pa kami kanina. She really should have gone home para wala kami ngayon sa problemang to. Tsk!
Minabuti ko na lang na balutin sya ng kumot. Now, I wish pinatay ko na lang yung aircon kanina. She must be freezing inside the closet kaya sya ganito makadikit sa akin ngayon. This should not be enjoyable, cause I could be an idiot sometimes. I never let someone cuddles me like this, and I'll be a hypocrite kung sasabihin kong I don't receive a strange heart beating from her softness touching my body.
Don't Max!!! I mentally shake my head. Grabe, pati ba naman sya pag-iisipan ko ng masama. I should go out this week para makapaghanap ng ibang pagkakaabalahan. Medyo occupied kasi ako nitong mga nakaraang linggo sa paghahanap dito sa babeng to. Baka bumaba ang standard ko sa chicks at kung sino-sino na lang ang pinapatulog ko ngayon sa tabi ko. Pasalamat sya at mabango sya. Papalagpasin ko muna to ngayon.
May rules kasi ako na wala akong papatulugin dito sa kwarto at dapat sa labas ko lang dadalhin ang mga kagaguhan ko. I need to find other girls and have fun outside-----actually, let's erase that. I need to study. Kailangan ko nga palang i-fix yung mga lower grades ko. I need my mind straight to the game.
"Hey, Scary Girl. Time to rise." pag-uga ko dito. It's already 6:30am but men! She's tough, hanggang ngayon ay ang himbing pa rin ng pagkakatulog nya. Kung kanina ay hindi kaya ng konsyensya kong gisingin nya, ngayon wala na yun! Tutubuan na ako ng sungay dito sa babaeng to. "Ang kunat mo! Hoy!" at hindi ko na napigilang itulak to, pero mahina lang naman. Tama lang para medyo mapabaligkwas sya.
"Ummm?" pagpalo ng kamay nya sa kamay ko. What??? Did she just act like a cat?
Nakatupi ang mga daliri nito at wala sa sariling hinabol ang kamay ko para tabigin, HABANG NAKAPIKIT. If she's a cat right now baka may kalmut na ako. I know puro ako ‘she’ and ‘cat thingy’, pero I think right now wala na yung pagdadalawang isip ko tungkol dun. Hindi pa kasi ako fully into it dahil weird nga and this is beyond human beings kaya kailangan ko pa rin ng explanation.
"Hoy, 'tong pusang to!" pagkublit ko dito. Panay habol pa rin kasi sya sa kamay ko kahit nakapikit at medyo nagawa ng....sounds na pang pusa? I don't know, it sounds like it is. "I thought pagpusa mabilis gisingin, eh ano na?!" asar kong tinignan to.
No use, she's still sleeping. I unbelievably look at her before scoffing. I thought she'll feel my stares pero ang pusa mas kinuskus lang ang ulo sa unan. Ah, kaya pala ang gulo lagi ng buhok nya. She likes to be pet at the head. Medyo inunat nya rin ang mga paa at nagcurl. She's such a chil---a cat.
"Gising na!" I push her out of frustration. "Sh't." hindi ko man sinasadya ay natulak ko talaga sya at medyo naikot. Este, gumulong. Lumipat naman kaagad ako sa kabilang side para saluhin sya, and thankfully hindi sya tuluyang nalaglag.
She immediately opens her eyes. Isang mulatan lang yun at walang ni-ha o ho ay deretsyo nya akong tinitigan. AS IN DERETSYO na para bang alam nyang naandun talaga ako. Not in my intention na i-describe na naman sya sa mga pusa pero, oo, parang pusa sya ngayon na hindi nakurap. Ang laki din kasi ng biglog sa gitna ng mata nya at itim na itim, dahil dun napatungo ako at pinagsisisihang tinulad sya sa pusa.
Hindi naman siguro ako mamalasin katulad sa mga itim na pusa eh no. Ang dilim kasi ng tingin nya ngayon.
"I'm sorry." wala sa sarili kong bulong. Mahirap na, I don't want to get a bad luck. Mas malaki pa naman sya sa mga pusa kaya paniguradong matinding tagmalas yun pag siya ang dumali.
It's been just 6 chapters pero nakadalawang sorry na kaagad ako sa kanya. Parang ngayon palang ay dapat magbilang bilang na ako ah. My apologies are expensive! I never used them before. Ngayon palang sa babaeng to. Tsk!
"Asan ang mga damit ko?" mababa at mabilis nyang saad. Sumunod ang tingin ko sa biglang pagbangon nya. Kung ako yun, sasakit kaagad ang ulo ko, pero sya, mukhang sanay na sanay.
"Kukunin ko. Bilisan mong magbihis ha." saad ko at tinungo ang banyo kung saan nakalagay ang mga towel ko. Baka kasi makita nila Manang kaya dun ko tinago. "Ayaw kong malate." pahabol ko pa dito.
And speaking of clothes. Bakit kailangan pa nyang hanapin yung mga yun? She looks perfectly fit sa mga damit ko. Ni hindi nga sya nagrereklamo kanina at ang sarap pa ng tulog sa pyjamas at t-shirt KO. Malaki man pero looking comfy sa kanya yun. I think bumagay pa nga lalo dahil sa cat moves nya. Besides, she looks more decent pag may color ang damit nasuot nya.
I don't know kung bakit nya kailangan pa to. I blankly stared at her clothes na bagong laba. Kahit anong linis nun, the color remained like an old TV's screen. Sabagay, kailangan nya yung mga undies nya. Yun lang ang wala ako eh. Oh well, might as well give everything back. Hindi naman sa akin to, so why keep them?
"Oh." pag-aabot ko sa kanya. "Bilisan mo. Naandun yung c.r." tinuro ko kung saan ako nagmula. Tahimik 'tong naglakad na parang zombie, my eyes silently watch her back.
She's actually not that bad. She got a good figure, kahit na ang laki ng damit ko sa kanya ay kita pa rin yun. She's also quite small for my frame and standard, but not too small. She's maybe aligned a little below at my shoulder. After all, I'm a basket ball player.
Small, short, cute, and curvy. That'll be good for me. Oh! I almost forgot----and can turn into a cat. What a unique girl she is.
Napailing na lang ulit ako sa kamanyakan ko. Having a girl in my room is really not a good idea. Sooner or later, I have to tell her not to come here again. I can't let her break my own rules. That'll be a trouble for me. Wala naman akong balak i-keep sya dito, lalo na sa matagal na panahon. My mom would freak out if she finds out I have a girl with me. I need to fix first my grades, play a game, and graduate this year. It'll be better din if I can find someone for my mom's satisfaction. Matagal-tagal na rin nag-aabang sya na magdala ako ng babae sa bahay.
Anyways, bakit nga ba iniisip ko yun ngayon?