Max's POV
"Now, can you jump?" we both look outside the window, measuring kung gano kataas yun.
I think it'll be a mission impossible kung magagawa man nya yun. My room is at the third floor of the house, at the highest floor, kaya kung babagsak man sya ay hindi sa tinitignan naming d**o ngayon, sa may railings muna ng bitana bago sa bubong nung kainan sa baba. May veranda kasi kami dun na pinagkakapehan ni Mama tuwing umaga.
"Can you?" paglingon ko dito. I was about to glance back sa tinitignan ko kanina pero nakita kong nakatayo na lang sya sa may tabi ko. It looks like hindi sya interesado. I look at my wrist watch bago ulit sinalubong ang tingin nya. "What? Baka malate na ako."
She said nothing, only shakes her head before looking down and took a one step backward. "Ako na lang ang bahala. Una ka na." her empty eyes are looking back at me. I don't know but I can feel her disappointment at me. Ewan ko kung aura nya yun o ako lang, but I can sense she is.
"Are you sure?" paninigurado ko. She once again nodded while looking at the window. A stripe of sun ray lighten up her cheeks and jaw down to her chest. It is reflecting to her eyes kaya kita ko ang pag-ilaw nun. Other than that, everything else's are on shade of darkness.
"I'll get going. Bahala ka na ha." pagtapik ko sa balikat nya. Hindi naman sya nagalaw at nanatiling nakatingin pa rin sa labas. "Be safe, don't get caught."
I know it is a jerk's move to leave her alone there, but I believe more on her than in any magic. I know makakaalis sya dun ng walang kahirap-hirap. I'm also comfortable na sya ang iniwan ko dun at hindi basta-bastang kung sino lang. I trust her. Wala naman din siguro syang galit sa akin o kung ano man para gumawa ng kung ano pa dun. I know it's my house, but I got her biggest secret kaya alam kong I can put my trust on her. I'll just apologize to her later. Kailangan kong hindi malate ngayon, or else it'll affects my grades.
I got to the school just about time. As a routine, naglalaro ang mga kaibigan ko ng basketball habang nag-iintay ng bell. Ryan even handed me a sandwich, banana and a cartoon of milk. As a player, these are what we should get for breakfast. Pero nawalan ako ng ganang kumain at maglaro. Isang kagat pa lang ata yung nagagawa ko ay naalala ko na kaagad si Scary Girl. I should at least give her some breakfast.
I set the food aside. Naging automatic naman sa akin ang lumingon sa may bench kung saan sya laging naglalakad dito sa gym. I know tuwing uwian lang syang naglalakad dito, but I'm still kinda hoping. Ngunit nagbell na lang ay wala pa rin akong nakikita.
"Tara na Max! Lutang ka na naman." pangasar ni Kyle na umakbay sa akin. Hinawi ko yun.
"Ano bang tinitignan nya dun? Kanina pa sya nakatingin dyan ah." rinig kong bulong ni Partick. Marami pa silang tinanong pero hindi ko na inintindi pa yun.
All throughout ng morning subjects ko ay iniisip ko pa rin kung nakaalis na ba si Scary Girl sa bahay. Sana nga lang hindi sya mahuli. Sobra talaga akong pinag-iisip ng konsyensya ko. I'm even tempted na magcellphone sa loob ng room pero ayaw kong buminggo na naman sa mga teachers ko. Bukod dun, walang kwenta yun dahil hindi ko naman alam yung number nya.
For my insanity's sake, kailangan ko talaga syang makita o basta! Gusto kong malaman kung okay ba sya.
Ang bobo ko naman kasi! Ang layo-layo kaya ng sa amin dito!!! Bakit ba kasi late ko nang narealize??!?!?
Ang gago mo talaga, Max!!!!
Paano na lang kaya yun pupunta dito? Maglalakad, ganun? Bwisit, oh! Paano kung saan pa makapunta yun?!?! Hindi pa naman nya alam yung daan. Nasaan na kaya yun???
"Oi, tol! San ka!?" sigaw sa akin ni Kyle nang mabilisan kong kinuha lahat ng gamit ko at nagmadaling lumabas ng room. Marami ang nagtinginan sa akin dahil sa bigla at malakas kong pagkilos. Sakto naman ang pagbell ng lunch time kaya hindi na rin ako nasuway pa ng teacker ko. Siguro ay kakausapin na ako nito next time.
Mabilis akong pumunta sa may parking lot at sumakay kaagad. Habang nagdi-drive ay kinuntak ko na ang bahay gamit ng earpiece.
["Oh, Max? Hello?"]
Pagsagot ni Mama.
"Ma! May iba bang tao dyan sa bahay?!" hindi ko na maiwasang mapasigaw. I need an answer immediately, kundi baka maparanoid na ako kakaisip.
["Wala naman, bakit?"]
Dun ko nahampas ng malakas ang manubela. "SH'T!!!" inis kong bitaw.
["Oh, bakit ba anak? May problema ba?"]
Nag-aalalang tanong nito.
Max, you'll make her worried, stop that!
Pinilit kong pinagpantay ang hininga ko at kinalma ang sarili. "Ah, wala naman po. May nakalimutan lang. I'll be there soon to get it."
["Okay, si Manang na lang ang kausapin mo para i-ready yun. I'm about to get in the work."]
Niliko ko ang sasakyan. "Ah! Ma, paki-tingin nga sa daan kung may makakasalubong ka."
Kinig ko naman ang pagpapaandar ng sasakyan sa kabilang linya.
["What? Sino ba? Naandito ba ang kaibigan mo?"]
Fvck! Anong sasabihin ko?
"No, just tell me kung may babae dyang naglalakad?"
["Babae?"]
Weirdong tanong nito.
"Yeah! Babae, mahaba ang buhok at may uniform na suot---?" gigil akong napakamot sa ulo. Ah, sh't oh!!! Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na nakakatakot sya. "Basta medyo nakatungong naglalakad yun ngayon at baka nagtataklob ng mukha."
["Huh? Babae?"]
Pag-uulit ulit nito.
[Bakit naiyak ba yan? Tsaka, ka-ano ano natin? Kilala ko ba? O dapat ko bang kilalanin, may gf ka na ba?!"]
Naalarma ako sa huli nyang tanong. I know she's just asking me dahil medyo weird nga, pero nagiguilty ako.
"No, ma. Ano——umhhh, girlfriend ni Ryan yan!" bulas-bulas ko. Ewan ko ba kung bakit si Ryan pa ang napili ko eh ang bait nun. Kahit si Mama na pa-huh? sa sinabi ko. "I mean si Kyle kasi. Sya yung may kasalanan. Lokong yun, pinapunta dyan."
["Ganun ba? Poor girl. Hindi ko na sya pag-aaksayahan pa ng oras. Tutal wala naman syang kinalaman sayo. Ano ba yan, nagmabuting-loob pa ako para sa wala."]
Nagtatampong saad nito.
Para saan naman yun? 'Poor girl' daw pero 'hindi pag-aaksayahan ng oras', kawawa nga nan si Scary Girl. Nalait pa ng walang may pake sa kanya. Kakaiba din talaga 'tong si Mama eh, no?
["I'll go na, Max. Ryan should be here soon at kawawa naman yun kung palakad-lakad lang pala dito. Dapat pala ay mapagsabihan yan, akala ko pa naman sya ang pinaka-matino sa lahat ng kabarkada mo. Hindi nya dapat tinatakbuhan ang babae at pinapapunta sa ibang bahay. Bye na, anak. May work pa ako."]
Pagpapaalam nito. Nagbye na rin ako bago pa maputol ang tawag. I don't know what to do now, kahit si Ryan napasama na.
Sorry bro if my mom has to look at you in a different way. I just need someone to sacrifice. Ayaw ko lang talaga ng issue.
Tinahak ko ang other way na hindi casual na dinadaanan papuntang pauwi, kasi kung wala si Mama na nakitang babae sa may Main Street ay paniguradong baka dito dumaan yun. Pero ni isang naglalakad wala akong nakita. Medyo umuulan din. Talagang kinakabahan na ako. Nasaan na yun??? Ang kinatatakot ko pa ay baka mamaya maulit na naman yung paghabol sa kanya ng mga tambay.
Pagnaaalala ko talaga yun ay nagdidilim ang paningin ko, gusto ko tuloy bigkwasan ang sarili. Bakit ba kasi iniwan ko sya dito kanina???
"Oh, iho? May nakalimutan ka daw?" bati sa akin ni Manang na nakain ng tanghalian. Pinilit nyang tumayo kaya kaagad kong pinigilan yun.
"Ako na pong bahala, dyan na lang po kayo." mabilis na tinahak ng mga paa ko ang papunta sa room ko. Nagkanda-dalawa o tatlong baitang ang ini-iskip ko para makaakyat kaagad. Matagal na akong nagrereklamo na ang taas ng kwarto ko sa tuwing may nakakalimutan ako, lalo na pag may laro at malelate na ako. But now, I think I'm considering to change my room to the first floor kung hindi ko pa talaga maaapakan ang loob ng kwarto ko ngayon.
Mabilis kong binuksan ang pinto, inuli kaagad ng mga mata ko ang buong lugar, ngunit katahimikan lang ang sumalubong sa akin. Mabigat kong hinakbang ang mga paa, at binuksan ang closet. I was expecting to see her sleeping there like what she did kaninang umaga, but she's not there. Maayos ang loob nun at walang bakas ng kahit anong nagalaw. My feet walk next papunta sa banyo, and it was too quiet kaya pumunta ako sa may showeran......pero wala.
Napahilamos na lang ako ng mukha habang naglalakad ng pabalik-balik sa buong kwarto. Nagpabalik-balik din ang tingin ko sa may bintana. Sinilip ko yun at tinanaw kung nasa paligid ba sya, PERO WALA!!! WALA KAHIT SAAN AKO TUMINGIN! WALA! FVCK!
"Wishwishhh, meow, pusa nasaan ka na?!!!" pagtawag ko rito. That's my final straw at kung wala pa akong makita dito ni ano na may kinalaman sa kanya, ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Scary Girl!" sigaw ko sa buong
kwarto.
Ginulo ko na rin ang buong kama, hoping to see her just peacefully sleeping there at hindi lang nya ako nakikinig, but there's nothing. Fvcking NOTHING!!!
"Pusa!" pag-ikot ko sa sariling pwesto, baka hindi ko lang to nakikinig. Yeah, puro BAKA!!!
Sa biglang pag-ikot ko ay dun ko naapakan ang ginulo kong kumot, dahil dun kamuntikan na akong madapa.
"SH'T----huh?" paghatak ko at tinaas yun. Sa lapag, dun ko lang nakita na may puting kupas na tela ang nasa ilalim ng kama. I lean more over at inabot ang mga yun.
Uniforms and undergarments.
"Hahahaha." I laugh at my own craziness.
I was right!!! She'll turn herself into a cat to get out here! My girl's smart!
I finally got my calmness back. Lalo na nung may nakita akong isang punit na papel na nakadikit sa may alarm clock ko.
"Pakisuyo na lang na ibalik yung uniform ko sa O-19, west." I read it.
I guess, it's her locker's number. Napangisi tuloy ako sa kapit ko.
I did get her first uniform I had before, yung iniwan nya sa gym class, kinuha ko yun sa drawer ng nga towel ko. I need to wash yung mga naiwan nya kanina kaya eto munang nauna nya.
I did get back to the school habang kapit-kapit ang gym bag ko. I did my plan na iwanan yun sa locker nya habang may classes pa, para walang makaalam ng gagawin ko.
As I'm looking for her locker's number, medyo nag-alinlangan pa ako while staring at the coded locks hanging in each slender doors. She didn't gave me the code so I don't know what I'm looking for.
"O-19! Finally!" it was at the end near corner sa may dulong wall. It has no lock. "Al---right?" I weirdly looked at it.
Is this really hers? O baka naman tinanggal nya talaga yung lock dahil alam nyang ilalagay ko nga to?
Napatingin muna ako sa paligid kung may tao ba, at ng wala akong nakita ay binuksan ko yun. There's some books and notebooks arranged so neatly. Hindi katulad ng locker ko ay wala ni isang bag or any gym bag ang nasa loob nun. Just books and notebooks.
Wala naman sigurong masama kong bubuklatin ko, diba? I just wanna see kung paano sya magsulat at kung kanya ba talaga 'tong locker na to.
Oh yeah. I don't know her name!
A smile creeps on my lips. Then, today I shall find out!
Binuksan ko ang isa sa mga notebook, I stared at pure cleaned white papers. Wala ni isang nakasulat dun. Kahit pangalan ay wala, kabaliktaran yun ng ine-expect ko. Mas lalo pa tuloy akong nang hinayang dahil mukhang wala ata akong makukuha. Sa linis kasi nito ay parang hindi nagagalaw ang loob nun.
I just leave the bag there. Marami akong gym bag pero I have to give up this one para alam nyang ako ang naglagay nito dun. Yun din kasi ang ginamit ko nung tinulungan ko sya dati, dun sa shower room. I just hope she remembers it. I also leave a note bago ako bumalik sa may class ko.
"Mr. Mildard! Saan ka na naman nang galing?" puna sa akin ni Sir Rico na sumalubong sa akin. "Di ba sinabi ko na mahalaga sayo 'tong project na to para sa grades mo."
Ang kulit naman nitong si Sir. Kitang kakapasok ko lang eh. "Sir naman! Wala naman kayong pinartner sa akin eh." pagdadahilan ko.
Nilisikan lang ako nito ng tingin. "Hindi ba sinabi ko sayo na si Orquidea ang kapartner mo. Bakit hindi mo pa sinisimulan ang paggawa?" asik nito sa akin.
Bakit, nakita na ba nya yung taong yun?!
"Wala naman ganun dito, Sir, eh." napakamot na lang ako ng ulo. Nagtawanan na rin yung iba naming classmates. Katulad ko siguro ay alam nilang walang may pangalan sa amin na ganun. Ang weird kaya nung pangalan, pang matanda. "Sir, check mo kasi muna kung naka-enroll ba yan dito para masigurado nating may ganyan nga. Hindi yung ikaw lang ang nakakaalam." pagbulong ko dun sa dulo. Mas lalo pang nagsitawanan ang mga classmates ko kaya mas naasar si Sir sa akin.
"Mr. Mildard go upstairs sa may library at dun ka gumawa ng project mo. From now on, dun ka na gagawa para hindi ka nakakaisturbo ng klase."
Hindi ako makapaniwalang napatingin dito. "Sir?!"
Inilingan lang nya ako. "Go upstairs." pinal na ani nito. "Sa library, Mr. Mildard. Naandun din si Orquidea, pwede mo syang makita dun kaya dun ka na lang gumawa ng ipapagawa ko sayo."
Napakamot na lang akong lumabas ng pinto. Bwisit na teacher na yun!!! Pwedeng makita? Eh kahit pala sya hindi sigurado dun sa Orquidea-ng yun! Sana dineretsyo na lang nyang sinabi na ayaw nya ako sa klase.
Tsk! Matindi ang galit sa akin ng teacher na yun ah. Bahala sya!!!
Pano naman ako makakapaglaro nan this year?! Pati basketball ko damay na! At sa library?!?! Ano naman ang gagawin ko dun?
Lumiwas ako ng daanan at pamulsang naglakad. Anong gagawin ko ngayon? I think I have to grab some other assignments to do. Okay na yung bagsak sa isang subject. Wag lang sa lahat.
Ngunit bago pa man ako pumunta sa may locker ko, pumunta muna ako sa opposite way nun. Bakit ba kasi ang layo ng locker ni Scary Girl?
Gusto ko lang icheck kung nakuha na ba nya yung damit nya. To my disappointment, naka-hang pa rin ang gym bag ko dun at walang nabago.
Pumasok kaya sya?
I just hope she's fine right now. Unconsciously, napatungo ako sa paglagpas ng dalawang babaeng sa may gilid ko.
"May gosh. Umuulan na naman." biglang reklamo nila. Napatingala ako ng wala sa oras.
It is raining again.