Max's POV
Huh, she must be lonely.
Looking at this whole space, I know kung bakit ang empty ng lugar na to. House is not really about the quality or the worth of things inside it. It's about the representation of the person living in it. If the house is a home of a delightful happy person, then it'll be colorful and looking new no matter how old it is. On Scary Girl's side, it is the opposite. Nothing can be brighten if the person, herself, is lonely. Now I know. She must be taught how to act in a perfect manner to keep it all in.
My eyes landed at 6 foot tall slim shelves standing in between the living room and the kitchen. I walked there and touch it's coldness. Lots of books, I must say. Obviously, binabasa yun ni Scary Girl dahil sa mga nakaipit na papel sa bawat pahinang nakapaloob. Sa sobrang kapal nga eh parang hindi na masaraduhan at talagang pinilit na lang na ipagsiksikan dun.
Sa dami nun, kung nabasa man niya ang lahat ng naandun, ay paniguradong she's ahead of her class. Kahit siguro umabsent siya ng ilang buwan ay pwede nyang gawin.
I thought hindi ko siya nakikita sa school dahil mailap siya sa tao, pero ngayon I think pwede nga siyang hindi pumasok sa kahit anong araw man niya gustuhin. She's lucky. Reading all of these would probably took some time, paano pa kaya kung iintindihin? Siya na lang ang makakasagot nan.
I looked upstairs and my smile creeps in. I could be a bad influence for her. Tutal matalino naman siya, pwede siguro siyang turuan ng mga pinagbabawal sa mga smart students. Eh nakapag-cutting na kaya siya?
Because of that, a new fire ignites inside me. Bumalik ako sa may lamesa. As soon as I finished my food—I don't know what, but I only swallowed three spoon of rice and chicken, then drunk my water. After I swallowed everything all at once, I immediately run upstairs. Di naman ako naligaw dahil one way lang ang naandito sa taas, with only two doors. One each at left and right. But which one? Bahala na!
I was about to open one door, but—-
"CRUUUUWWWTTCHHH!"
"DHUNNG!!! DHUNGG!!!"
Biglang kumidlat ng malakas, nagpabingi at nagpabulag yun sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko habang hinahabol ang hininga. I could have a heart attak, geez!!!
I slowly opened my eyes. Huh? Bakit walang ilaw?
Naku, pano na? Nawalan pa ata ng kuryente. Anong klaseng bahay to?
"Oi, ano—-"
"Wahh!" napasigaw ako sa nagsalita. Bigla akong nakaramdam na may tumaklob sa bibig ko kaya mas nagpapalag ako at nagpanic. I even shriek in low high pitched voice under my breath.
"DHUNG!!! DHUNG!!"
"BOGGGSSHHHHH!!!"
Biglang kidlat ulit, at dahil sa ilaw na konting binigay nun, nakita ko kung ano ang nasa harapan ko.
"Wamnmpphhaaap—-" muling pagsigaw ko pero patuloy pa rin nitong tinatakluban ang bibig ko.
WAHH!!! WAH!!!!!——MAY MULT—-
"Shhh!" pagsalita nito. "Ang ingay mo." kalmadong saad nito na may halong pagkairita. I was about to shout again but wait, I know that voice. Siya lang pala ang nagsalita kanina. Pfffft.
I removed her hand in my mouth and pulled her closer towards me, until our eyes levelled enough to see some details of her face.
"Scary Girl." paos kong bulong. I looked straight into her eyes. She has this worried face. Her eyebrows are curve in confusion and....she looks away.
Uh, again? Seriously? Ano bang problema ng babaeng to sa akin? Specifically, sa mukha ko. -_- Hindi pa ata to nakakakita ng gwapo eh.
"Aray." impit niyang ani sa bagsak na boses. It didn't indicate na nasasaktan siya, kundi parang gusto lang niya atang ipaalam.
She immediately removed my hand on her face and brushes off my other arm with the hand that I'm holding. She rubs her forehead while glaring at me. Nauntog pala kaya ang sama makatingin. I didn't know we are that close.
"Nakakapanic ka naman kasi. Alam mo namang nakakatakot na nga ang bahay mo tapos nang gigitla ka pa." pagsesermon ko sa kaniya bago tumingin sa iba.
Tsk', I secretly touched my forehead. Ang sakit nun ha. Nakakaramdam din kaya siya ng weird na init dun? Now, I'm imagining kung pano nagtama ang noo namin kanina. Napagitil ang kamay ko sa pangangapa sa noo. Ano pa kaya ang nagdikit sa amin? Oh sh't, ano ba 'tong iniisip ko?!
"Ouch." mahina kong ani. Gusto niya talagang bawasan ang itsura ko eh no.
"Ano bang ginagawa mo dito?" she asked.
"I can't sleep in the couch, and there's no electricity—-?" I honestly don't know what to say. I just realized that it is weird for me to be here. Hindi ko nga pala bahay to, and not because her parents are not here, ay pwede na akong umakyat sa private rooms nila. I wonder where are they. There's no other people here, kanina ko pa pansin. Even picture frames, none. Napakamot ako sa batok.
"Bawal ka dito." biglang pagseryoso ng boses niya.
Kasabay din nun ang biglang pagbabago ng lamig sa kapaligiran.
Uh, ano daw?
"Huh?"
"Bawal ka dito." pag-uulit niya sa mas mababang tono.
"Bakit? Wala na akong ibang matutulu—-" I was suddenly cut of by a strange sounds.
"BONG!!!"
Paggalabong yun ng isang bagay.
Ano yun!??! Bakit may nagsarado bigla ng pinto?! Nasaan yun!?——NO, I just realized one thing. KAMING DALAWA LANG DITO.
Ahhh! Eto na ata yun!!! Napakapit na ako sa balikat ni Scary Girl at nagtago sa likod niya.
Habang nanginginig ako, siya naman kalmadong nakatingin lang sa gawi ng tunog kanina.
"Oi, Scary Girl. Ano yun?!" mahina na malakas kong sabi. Nag-intay ako ng sagot pero wala.
"Oi." inuga ko ulit siya. "Oi."
Wag naman ganto! Wala ng matino sa bahay w!! Wag naman pati siya!!!
"Oi!" napalakas ang sabi ko kasabay ng pag-uga sa kaniya.
"Sa baba tayo." yun lang ang sinabi niya na nagpauna sa akin para bumaba, habang kapit ko siya. I need her, mas naiintindihan niya yung nangyayari sa bahay nila. Umupo lang kami deretsyo sa pangdalawahang sofa.
"Ano na?" tanong ko ulit. Sinisilip ko ang kapaligiran sa dilim. Ayaw ko namang may biglang kung anong manggaling sa kung saan na mananakot sa amin tapos hindi ako alerto. Mahirap na, ganito pa naman yung mga horror movies. Yung may biglang mang gigitla. I can't shout lalo na kung may babae akong kasama. It'll ruin my reputation, tsaka bawas points yun sa akin.
The best part is, kung may mangyayari mang real horror dito, Scary Girl would cling on me even more.
Damn, this is so exciting and legit!
"Ikaw, di ka ba natatakot sa akin?" mahinang saad nito.
That's an out of nowhere na tanong. I really don't think na may kinalaman yun dun sa itaas na gusto kong itanong.
Sinilip ko ang expresyon niya. Pero katulad nung una ko siyang nakilala, nakatungo pa rin siya at natatakluban ng buhok ang mukha.
Bakit biglang off topic to? Wag niyang sabihing na-offend ko talaga siya tungkol dun sa comment kong nakakatakot ang bahay niya, o di kaya dun sa walang kuryenteng comment? Alin ba sa mga yun?
"Ha?"
"Di ka ba natatakot sa akin? Bakit parang ang komportable mo masyado?" mahinang dugtong niya. Nararamdaman ko ang katigasan ng katawan niya at ang pagtaas ng dibdib dahil sa paghinga. Ngayon alam ko na yun tinutukoy niya. Oo nga no.
I didn't know nakaikot pala ang kamay ko sa braso niya. I got my back in c-curved also para lang magtago sa maliit niyang katawan. That's why I could feel her every movements dahil wala na ngang any space sa pagitan namin.
Napaayos ako ng puwesto. Humiwalay ako sa distansyang one foot at tumingin ng deretsyo sa kawalanan. I really don't care kung ganun kami ka-physically close. Ibang usapan na kung may kinalaman na sa mga bagay na hindi ko nakikita.
"Di ah." sabay tingin sa kanya sa gilid ng mga mata.
"Ummm." she just nodded, still looking down on her lap.
"Ikaw?" balik kong tanong. I know I'm far from scary pero iba akong tao sa kaniya kaya I wanted to know kung masama bang tao ang tingin niya sa akin.
Tsk', me? Scary?
Asa, ang gwapo ko kaya.
"Huh?" nabigla siya sa tanong ko dahil kamuntikan na niyang itaas ang ulo at lumingon sa akin, pero maagap ring tumungo at nagtango.
Wa-wait, what?!?! DID SHE JUST NODDED HER HEAD??!?! Ha?! Nag-agree talaga siya?! As in?!!
Wow ha! Ikaw na nga yung nakakatakot tapos natakot ka pa sa akin?!! Edi ano na ako, out of this world na alien, ganun? Ang pangit naman ng tingin niya sa akin!
"Oh, bakit naman?" I asked back. Grabe kasi 'tong babaeng to sa pagka-savage. Dapat nga siya yung kinakatakutan ko dahil siya nga ang scary.
"Kasi—" her voice faded "Baka—baka, yun." dun na siya tumigil.
Yun? Ano naman ang ma-eexplain ng 'yun'? Ano kaya ang sasabihin nito? Hmmm, ah alam ko na to!
"Kasi baka ma-issue ka, eh ang gwapo ko pa naman." dinanggil ko siya sa balikat. Tumingin lang to sa akin ng deretsyo gamit ang mga matang mapagtanong, na parang may mali akong nasabi. At katulad ng dati, umiwas ulit siya ng tingin.
Ang laki talaga ng problema ng babaeng to sa akin. Konti na lang talaga maiinis na ako. Di ko man nasasabi pero simula nang makausap ko siya nung chapter 2, sa bawat sentence niya umiiwas siya ng tingin. Ganun siya kagrabe.
"WHOSSHHH!" napatahimik na lang kami at pinakinggan ang pag-ihip ng hangin.
"Ang lakas talaga ng hangin sa labas." pagpuna ko. Napatingala ako nang naramdaman medyo parang mas lalo atang umulan ng malakas sa labas. Lumakas ang ingay ng pagpatak ng ulan sa bubong.
And then, there's suddenly a question that I remember. Oh, now that I think of it.
"Saan ba tayo matutulog?" tanong ko. May other room pa kaya dito other than dun sa taas? Bakit kasi tumanggap siya ng ibang bisita? Yan tuloy naandito KAMI sa baba.
"Dito, dalawa naman yung sofa." turo niya dun sa dalawang maliliit at matigas na sofa. Lumipat siya dun sa kabila at humiga na. Aninag kong nakalawit ang paa niya pero di siya nagreklamo. She's really serious na sa gantong paraan nga kami matutulog. Fine, I got no choice anyways.
I clutched a little, I can't do what she did, medyo matanggad ako. In few adjustment, nakahanap din ako ng comfortable position para sa likod ko, kahit di na nakahiga.
This is really weird. I bet I won't be able to sleep through the whole night. Akala ko pa naman I'll be alright since one down na ako sa problema ko dahil nakita ko na siya.
"Scary Girl," tawag ko. "Di ka ba naghahanap ng kasama dito sa bahay mo?" I waited pero dahil sa malalim niyang paghinga, inasahan ko na baka natutulog na siya. "Oi." tawag ko ulit for final try. Kung hindi siya sasagot edi titigilan ko na siya.
"Hindi." simpleng sagot nito.
Great! I have lot of questions, but I need to engage her first.
"Pano ba tumira ng mag-isa? Araw-araw ba magkatulad?" I don't know what to asked.
"Di naman, ayos lang."
"Ah—-" mahaba kong ani. Sinilip ko ulit siya gamit ng konting mulat na mata, habang di gumagalaw. Mukhang humarap ata siya sa kabilang banda. "So, pano pagkain mo? Ikaw nagluluto?"
"Oo."
"Pano laundry mo? Ikaw rin?"
"Oo"
"Edi pati linis?"
"Oo." medyo mahina nitong saad. Siguro inaantok na.
"Masaya ba?"
"Ayos lang."
Yun! Naiba din!!! Akala ko puro oo siya dyan eh. Mamaya pagtinanong ko to na sumama sa bahay deretsyo oo na kaagad. I really need to wake her para masagot niya ng seryoso ang mga tanong ko
"Di ka nalulungkot?"
I waited pero hindi katulad kanina, mabagal or better said, matagal ang naging sagot niya. It takes a moment. Only the sounds of pure rain drops lang ang nakinig ko. May minsan din pagkidlat at kulog ang sumasama sa tunog. I think she's already sleeping kaya naman nagpikit na rin ako.
I know this is the most least thing I expect to happen. I didn't know na madadala pala ako dito. I never thought of this day. A strange day it is. Hay~ what comes next after this?
"Di naman." muling sagot niya. I was surprise, gising pa pala siya. Alam ko na naman ang sagot sa tanong ko. I criticized her house too much, tama na yun para malaman ko.
"You turned into a cat—-?" it's not a question, it sounded more like a statement. My insanity should be answered soon. Hindi pang karaniwan ang nangyari sa backseat ng sasakyan ko. Hanggang ngayon nga eh, hindi ako makalingon dun dahil naaalala ko pa rin yung kabaliwan na yun. Her answer would put me on ease. At least sa kanya na mismo nanggaling, mas okay na yung may kasama ako sa kalokohang to.
"You do, right?" I can't wait for too long kaya inulit ko.
"Hmmm."
Napatikom ako ng bibig. I heard some movements from her kaya I know na-oo ang sagot niya.
So it's true.
I don't know if I should be happy because it means that I'm not a crazy person. Pero nagigng pusa siya!!!! THAT'S MESSED UP.
"Meron din mga ibang bagay na nangyayari sa akin at sa bahay ko." dagdag pa niya.
I don't think I need to hear these things, specially that I AM HERE. Alam niyo yun, it could be really uncomfortable lalo na't dito pala nangyayari ang mga bagay na sinasabi niya.
But damn it! Her VOICE! Her voice is so good to listen to. It is a low tone, cold and airy, but way too emotional and sincere. Parang nagsasabi siya sa akin ng mga takot niya, and that made me at the top of the world. I can't imagine that she's trusting me with her secrets. Man, that's like a trophy for me.
"Why?" sunod kong tanong. I don't want to offend her, not in my intention. I just wanted to hear more.
"Ewan." she let a loud sigh. "Basta nagkakaganun ako pagnagpapanic ako."
"Oh, in the car..."
Yun pala ang nangyari. She was panicking that time, kaya pala.
"At dun sa shower room sa gym!" I just remember na kaya pala hindi ko siya mahanap nun. She probably jumped out dun sa bintana. But, uh, if I remember it right——"So, you run naked?"
"Hindi, pusa ako nun." pagtatama niya bago pa man maglakbay ang malikot kong utak. Yeah, right. As a cat.
"So do you know how to prevent that?"
"Hinahanap pa." simpleng sagot nito. I stared at the ceiling. What does she meant by that? Ano yun, forever siyang bawal magalit o magulat? It'll create a heart problem soon.
"Basta ngayon kailangan kalmado ako."
"That's it?" I raised my eyebrow and pillowed one arm. "I mean kahit Disney movies may mga dapat gawin. You know what I meant?" medyo nilingon ko to, but she remained still. "Dapat may ganun ka rin deal. Maybe, it can go away."
Hindi naman kasi normal sa isang tao ang magturn into something so for sure there's gotta be a thing to remove it.
"Meron naman." maigsi nitong bitaw. I immediately careen my head towards her way. Meron naman pala eh, pa-mysterious pa. "Pero bawal mo malaman."
Oh, wow! Just WOW! Alright, I know hindi kami ganun ka-close pero akala ko ba open up to, edi dapat sinabi na niya sa akin. But who cares? Accident lang naman na nalaman ko ang tungkol sa pagiging pusa niya. I think if I didn't stay too late that night at hindi malakas ang ulan, eh baka nga nalagpasan ko lang siya.
"Wag mong ipagsabi, ha?" dun lang siya lumingon. Our eyes meet in the dark. Her big black eyes are shinning with sharp glazed of mix yellow-brown, meeting my plain dark orbs. That's her cat's eye color, very beautiful.
"Sure." yun lang ang nasabi ko dahil sa pagkakatitig. I need to admit, I want her to trust me more. And I'll make sure of that.
I'll be your most trusted person in keeping your secret, Scary Girl. You don't have to be alone.