Crazy Morning

2708 Words
Max's POV "Oi, Max!! Ipasa mo na!!!" sigaw sa akin ni Ryan habang nakataas ang kamay. Atat talaga din 'tong isang to. "Ano na Max!? Stuck ka na? Lagpasan mo naman ang bantay ko." mayabang sa saad ni Patrick, nasa likod ko siya. He's guarding me. Tsk! Ang yabang talaga. Mapakitaan nga ng MVP moves nang matahimik na siya. Kaagad akong umikot patalikod sa kanya para sa chance na makaalis. I fake it first and....and it worked!!! Sumunod ang loko! Hahahaha, I pass through!!! My victory is so near!!! Here I shoot—— "Oi, si Scary Girl oh!" sigaw ni Kyle. Putik!!!! Wag ngayon! NOT AGAIN!!!!! "DUNNGG-DUNG—" I slowly watch the ball goes around the circle of the ring then—— "BOGGSHH!" "Hindi pwede!!!!" sigaw ko. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, kaagad bumungad sa akin ang kurtina na kulay grey sa bintanang katabi, humihilamos yun sa mukha ko kaya mabilis akong napabangon. Sumunod namang dumapo ang mata ko sa namamatay-matay na ilaw sa kisame. I saw unfamiliar place. I should be seeing my ceiling fan. Nasaan ako? Ano 'tong lugar na to? "Ah." Mahina kong rinig. I saw a girl breaking her bones. Joke, nag-uunat lang pala. Good—wait? A GIRL?!!! Naku! Did I took a girl?!?! Lagot ako nito!!! Di pwede!! Ano ba Max?!! Please let be this a dream! However, when I look closer. "Waahhhhhh!!!!!!" I shouted at the top of my lungs. My panic set a paradox to my bedroom voice, cracking through my loud low pitch. That stretches my whole esophagus. Bakit si Sudako to?!!!!! I closed my eyes and start my prayers as I panic. Lord!! Hear me please! Magpapakabait na po ako. "Okay ka lang?" Mahinang rinig ko. Napatingin ako dun sa nagsalita. Wait, O_- -_O O_O Teka, si Scary Girl? Muli kong kinusot ang mga mata ko at ng di naglaho ang bulto ng isang babae, dun ko nga napagtantong ang naalala ko kagabi ay purong may katotohanan at hindi panaginip—-katulad ng di ko pagshoot ng bola, dahil sa kanya -_-. Kahit sa panaginip siya pa rin ang dahilan ng di ko pagshoot. I think it'll traumatized me more than the facts that she turned to a cat. Of course, I love my basketball more. "Good morning." patay malisyang bati ko habang pinagmamasdan siya. She looked the same. Messy hair, covered face and a standing stick. Buti pa siya hindi nakakaranas ng pangit na umaga. How come she's the same? Napakapit tuloy ako sa buhok because of my insecurities. Kinapa ko din ang suot ko at lihim na inayos. I brushed my hands to my face, na para bang naghilamos. But....huh? Why do I have to feel insecure? Ang gwapo ko kaya. "Oh, morning." bati din niya. She was staring straight for a moment at her front, looking like a traumatized woman, before she starts rubbing her eyes with the back of her hand. She's being a cat again. Cute. I keep staring at her until she look at her side and at the back. May hinahanap ata. Nang nakita niya ang relo sa wall, dun na siya nagmadaling tumayo. "Malelate na tayo." nagpapanic na saad nito sa mahinhin at may kalamigang boses. Yun na yun? Nagmamadali na siya nan? At dahil it don't sounds convincing enough, ako na mismo ang tumingin sa oras. Nang maisingkit ko ang mata sa natatanaw ng orasan ay nakita ko na—"6:59 am." I looked back at her. Okay....? Why bother hurry? Wait, 7:30 nga pala time namin. Late na ako!!! Lagot na naman ang grades ko!!! Magmamadali na sana ako nang may narealized ako. Teka! Malapit naman ang school dito ah. Walking distance lang. Bakit kailangan magmadali? Ha! Mas maaga ako ngayon sa mga mokong. Yes!!! "Oh, eto na mga damit mo." May biglang bumato sa akin. I didn't saw it coming kaya inilagan ko. Baka granada eh, but my hands meet a soft cotton. Ang mga uniform ko. Tuyo na at malinis pero medyo gusot. Ano? Kailangan ko bang magthank you? I looked at her but she's doing something kaya mamaya na lang. Okay, all I need is a shower. Then there's an idea that come out so I immediately walk to washroom/ little comfort room. Sumisipol akong pumunta dun ng may KAMAY NA HUMARA. "Ako muna." saad ni Scary Girl na nakatungong tungo. Napataas ang kilay ko. I pushed her a little to the side. "No, I think I need to go first. It's my first time using—" Pero tinulak rin niya ako ng may kalakasan. Oo, MALAKAS. Aba! "Ako muna." muling saad nito sa mas delikadong tono. I can't be defeated by THAT. "Pero bisita ako, demand ko ang mauuna." "Ah..." tumigil siya ng konti at tumingin. Nalaglag ang ibang buhok niya sa gilid ng mukha pero nanatiling natatakluban, ngunit hindi ang mata niya. "Bahay. Ko. To." madiin niyang saad. "Ah—m." napalunok ako sa tingin niya. May aura siya ngayon na katulad sa school. Di ko alam kung dapat ipaglaban ko ba ang banyong to. Pero kahit maliit at walang shower, kailangan kong gumamit dahil ito lang ang chance ko na di malate!!! "Pero matagal akong maligo!!!!" sabat ko naman. "Kaya nga ako muna. Mabilis lang ako." Talaga? At dahil sa mapilit siya. Pumikit ako ng madiin at…. "NO!! You're still a girl! Matagal kang maligo!!!!!" bursted out ko. Wala akong tiwala sa mga babae, lahat sila kailangan ng 1 or 2 hours para lang magready! Nang pagkamulat ko, nakita ko siyang nakatingin na nakatingin sa akin. Medyo naglaki ang mata at ang kanyang bibig naman ay nakaawang ng konti. Kahit ako nabigla sa expresyon niya. Ngayon ko lang nakita ang mukha ni Scary Girl. Ang kunting parte ng mukha niya. Mahaba ang bangs na tumataklob sa mga medyo brown niyang mata. Akala ko itim yun kagabi. Parang ang pag-akala ko rin na itim na pusa siya, hindi pala. Katulad siguro ng kulay pagpusa siya ay ganun ding nagiging brown ang mata niya sa liwanag at itim naman sa dilim. Dati kasi pagnakita ko ang mata niya, tumutungo kagad siya kaya di ko madescribe. Pero ngayon, iba pala talaga ang mukha niya sa malapitan. Kitang kita ko ang mga detalye. May kahabaan ng konti ang kaniyang pilik na nagpapaganda lalo at nagpapalalim ng kaniyang mga tingin. Hanggang ngayon ay natatakluban yun ng konting buhok. Sa tingin ko di na niya kailangan magmakeup dahil mukhang meron na siya nung—yung eyeliner ba? Basta. Ang ilong niya ay may tangos ngunit maliit, bumagay sa kaniyang labi na ngayon ay nakaawang pa rin. May cheekbones siya na sakto lang sa korte ng buong mukha niya dahil sa guhit ng panga. Ngayon ko lang din napasin na talagang maliit ang kabuoan ng kaniyang mukha, na katulad ng pagkakaalam ko, maputla din ang pagkakaputi. Akala ko malaki ang mukha niya dahil di makita sa makapal niyang buhok pero di pala. Akala ko kasi katulad siya ng mga babae sa school, pero wala pala siyang ka-effort effort. She's beautiful. I think never pa akong nakakilala ng ganto ka-natural beauty. Napalunok ako dahil sa matagal naming pagtitinginan, may ideyang pumasok sa utak ko. "Ah!" inda niya. Ginamit ko buong lakas ko para, Para....... Para....... Para itulak siya sa tabi at mabilis na makapasok sa banyo. Sinarado ko kaagad ang pinto at nilock. "Hahahahahahahahahahahahahaha!" THAT'S MY VICTORY LAUGH. Medyo hinihingal pa ako habang nakasandal sa pinto. Napakapit ako bigla sa dibdib ko. Kabado ako, akala ko siya ang unang makakarealize. Buti na lang matalino ako. Pero teka, maghihirap din pala ako dahil sa shower na de-tabo! Naku naman!!! Bagsak ang energy ko nang matapos akong maligo. Lahat ata nagamit ko na. Specially sa bawat tungo-buhos kong ginawa na di naman nagpalinis sa akin. I still feel soapy. Gumala ang mata ko sa kabuoan ng banyo at ng di ko makita ang kailangan....sumigaw ako. "Towel!!!!!!!!" buong bigay kong sigaw dahil baka di niya ako makinig. "Towel!!!!!! Walang towel!!!" "TOK! TOK!" Napatingin ako sa may pinto. "Eto na towel mo." saad ng boses sa kabilang parte. Binuksan ko pero sa kalagitnaan ng pagbukas ay di ko to mabuksan kaagad. "Huh?" hinigit ko ulit pero ayaw talagang magbukas. Aba! Paano ko makukuha kung pinipigilan niya???? Hindi ko pa nga nabubuksan ng malawak tapos sasaraduhan na kaagad niya? "Wag, wag!!!" sigaw ni Scary Girl sa labas. Huh? Tignan mo 'tong babaeng to. Sounds like parang masisilipan, eh ako naman 'tong nasa loob. "Bitawan mo na lang, ako na bahala." "Oh…okay." binitawan ko ang doorknob. Baka makasuhan pa ako dito eh. Sayang, hindi nya makikita ang 6 pack abs ko. Oh well, okay na yun. Nakapitan na naman niya. Sumara ulit ang pinto at tsaka bumukas ng konti. Konti lang para magkasya ang maliit niyang kamay na may hawak ng towel. "Oh." Tinitigan ko yun at saka kinuha. "Thanks." Hahahaha, siguro next time kukuha na ako ng tiga abot ng towel. Scary Girl can fit that job. Pagkatuyo ko at pagkadamit ay lumabas na kaagad ako. Oh, akala ko close na kami, eh bakit balik na naman siya dyan? Nakita ko kasi siyang nakatungo sa harapan ng pagkain. "Ikaw na." sabi ko patukoy sa banyo. Kaagad siyang pumasok sa loob. Nang nakita ko ang lamesa, malinis na yun at wala na ang kahit anong trace ng mga pinggan at pagkain na iniwan ko kagabi. Wala siyang breakfast na hinanda. Nagtampo ata. Umupo na lang ulit ako sa sofa at nag-intay sa kaniya. Di pa nakakalipas ang 10 minutes, may nakinig na akong pagpihit ng pinto. Tapos na siya? Wow. "Wah!" sa gulat ko ay napatalon ako ng konti sa kinakaupuan. Pano kasi—kasi yung basa niyang buhok nakatabon pa rin sa buong mukha niya. Parang tuloy siyang si Sudako. Minabuti ko na lang na lunukin lahat ng sigaw ko at kinalma ang sarili. Grabe, matututo ako ng pekeng pagkalma dito. Malay niyo, baka bukas nagbabasketball na pala ako ng hindi na hinihingal. "Tara." yaya ko at preskong inayos ulit ang damit. "Huh?" Napatigil kaagad ako dahil sa hindi niya paggalaw. "Oh bakit? Wag mong sabihing kakain ka pa?" "Malelate na tayo." "Kaya nga, tara na." pagyaya ko ulit at sinenyas pa ang kamay. "Pero dapat mauna ka. Baka kung anong sabihin ng classmates natin sayo." seryoso ang bawat bitaw niya. Tinignan ko siya ng maigi at mukha namang worried talaga siya na ma-issue sa akin. Choosy ka pa talaga ha. Tsk'. "Okay, kita na lang tayo sa school." Nagtango siya kaya tumalikod na ako para umalis. Bahala na! Bahala siyang mag-isa! If she wants to be alone, I'm gonna let her be. Tsk', now what? Di ko alam ang lugar na to, pero nakita ko naman ang tuktok ng building ng school namin kaya nagfollow na lang ako dun. Ang layo naman pala. Mag-aamoy usok kaagad ako nito. That girl really don't have mercy. Paglakarin ba naman ako! Mga 20 minutes na din, and I'm still convincing myself that walking is good for health. I'm a sporty person, dapat okay to sa akin, but I'm really getting annoyed as people kept on staring at me. Alam kong gwapo ako pero hindi na nila ako dapat pagpiyestahan gamit ng mga mata nila. I never really thought na maglalakad ako sa gantong klaseng neighborhood. Ang mas nakakabigla pa, may ibang nag-alok sa akin na kumain daw ng mga paninda nila at ng kung ano-ano. I could actually take it kung kasama ko lang si Scary Girl. TSK! Once again, a good luck turned into a bad one. See, libre na naging bato pa. With God's goodness, nakaapak na rin ang paa ko sa school zone namin. Nakita ko ring naglalakad at nakasabay pa si Ryan. Kakarating lang niya at hindi pa ata ako napapansin. He just walks with chin-up pride of a governor's son. "Oh dude, aga mo ah." bati ko rito at tsaka nakipagfist bumps. May sakit kaya toh? Ang aga niya ngayon, usually pumapasok to mga 8:15 am eh. Ano, nakakilala din ng tiga dito? "3 minutes early ako sa usual time ko." he flashes his smile and proudly lookedat his wrist watch. Oh, oka—-what does he said? "3 minutes early bagang? No, boi. Ako ang maaga ngayon." tinapik ko pa to sa dibdib bago sinipat ang oras. Pagkakita ko sa relo ay kaagad bumungad sa akin na......"WHAT?!! 8:12 am na!!!!!!" Eh, kanina pa pala ako late!!! Right on time pala ang gago sa time niya. "Oh, ba't ka nagpapanic?" Did he actually asked ME?!! Doesn’t he know?! "Dude, don't you know what time is it?" I straightly looked at him with dead pan eyes. "8:13 am, why?" muling lingon nito sa akin while his expression remains. "Exactly!!!" Bigla 'tong natawa. "Don't tell me you're gonna rush in the office now just to get a paper slip for late. What reason are you gonna say?" pinalo pa niya ako sa likod habang patuloy na ngumingisi. Loko to ah! He don't know what I've been through since yesterday night and this morning. ANG LAYO KAYA NG NILAKAD KO!!!! "I have so many reasons." I tapped his chest and run inside. "Dude, late ka na!!! There's no need to rush!!! You're late anyways!!!" pahabol pang sigaw nito. Tsk', gawain ko dati yan kaya nga late na rin ngayon ang grades ko. Hinihingal akong dumating sa office. Hinanap ko kaagad ang student council na nagbibigay ng slip, but I saw someone else instead. Nakita ko kaagad si— "JD?" I breathlessly said with disbelief. Don't tell me makikita ko lahat ng kabarkada ko dito?! Parang dito lang ata kami mapeperfect attendance ah. So meaning, ako pa pala ang maaga sa kanila?! "Sup, dude." plain na bati nito. Para sa isang late, I think he knows this office very well. Relax kasi siyang nakaupo at prenteng walang pagmamadali sa mukha. Para nga siyang nakatambay dito. "Here's your paper slip." biglang dating ng student council at may inabot na papel kay JD. "Thanks, sweetheart." at kinindatan niya pa ang babae. Naaasar naman 'tong nagpaikot ng mata bago tumalikod. "Easy." bulong ni JD sa pagkalagpas sa akin. Mukhang pinagmalaki pa ng gago. -_- Dinaan na naman niya sa landi ang slip lagi, kaya siya ang pinakang safe sa amin eh. "What can I do for you?" tanong sa akin nung babae gamit ng mataray na boses. What a biased person she is? How rude! "Can I get a slip? I have reasons for being late." "Tsk', sinabi na rin yan ng mga kaibigan mo. Bakit? Dadaanin mo rin ba sa threat, pera, at kung ano-ano pang rason? Kayong magkakaibigan, wala na kayong ginawa kung di gumawa ng sakit sa ulo. Akala niyo naman kung sino, eh mga sikat lang naman kayo dahil mga pangalan niyo." mahabang komento nito bago umirap sa akin. Ano ba yan, ang ingay?! Nakakawalang gana. "Then no, mabilis akong kausap." bored ko siyang tinignan. Pwede namang sabihing hindi, ang dami pang sinasabi. Feeling niya kilala niya na kami, eh kung tignan naman niya kaming magkakaibigan parepareho lang. Tsk', what a hypocrite! There's no such thing as same people, we're all different. Kaya ayaw ko sa mga babae dito eh, puro salita at judgmental. "Ano dude, di mo na naman nakayanan?" salubong sa akin ni Ryan. I was about to leave. "Tignan mo yang pagmamadali mo, nawalan ng saysay. Sabi ko naman kasi sayo, late na kung late. Kukuha ka pa ng slip eh pwede namang magkameron sa madaling paraan." sabay tapik nito sa balikat ko at ngumisi. "Sige ha, may babayaran pa ako." Tsk! Tamo, sabi ko sa inyo. AKO lang ang honest sa buong barkada ko! Panigurado may tao na namang babayaran yang si Ryan para may kumuha ng slip para sa kaniya. He has too much pride para mismo ang kumuha ng paper slip niya. I walked outside, not minding where I'm going. I stared at the bright sun outside and let out a sigh. "What a start of a day." I walked miles through a smoky road and here still I am, late. I thought walking distance means I got few minutes of distance to the school, hindi pa rin pala. Oh well, like what Ryan said. Late is late, no need for rush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD