Late...And Then Not?

2437 Words
Max's POV I walked, taking my time, habang nakapamulsa sa bulsa ng pantalon. There's no need to rush, besides I can't go to my first subject because I don't have the stupid slip. Ganun kasi sa amin ang mga late. The slip becomes the most precious thing. Pero only sa mga good students, hindi para sa akin. I know I should be desperate dahil inaalagaan ko nga ang mga grades ko, but who cares. Faith is faith. Destiny is destiny. I can't change if eto ang nakatakdang mangyari ngayong araw. Never kong gustong kalabanin si God o kahit na ang universe. I'm just a mere tiny human. Mabuti na rin sa akin yung tapos na ang biggest problem ko, nakita ko na si Scary Girl. Hindi ko nga lang natanong ang about sa pag-uwi nya. She seemed to be nice to me yesterday, so I'll take that as an assurance na okay siya sa akin at walang sama ng loob about dun sa pagpapauwi ko sa kaniya gamit ng bintana, at pang iiwan sa bahay. For now, I need to make this time useful. Hindi na lang ako papasok sa first subject ko. Magmumukha lang akong ewan pagnagkataong pinilit ko pang pumasok, tutal papalabasin din naman ako ng teacher namin. I don't really see why school allows slip. Di ba nila alam kung gaano nakakahiya ang pumasok ng classroom and all people are looking at you like they've seen an alien, tapos papalabasin pa ng teacher? Do they know how embarrassing is that? Ang daming pinagdadaanan ng mga studyanteng late na kakahiyanan. Di naman nila tinatanong kung bakit late. Yan tuloy, may mga mabababa ang self confidence at yung iba nagcucutting na lang. Parang ako, saan kaya ako pupunta ngayon? "Grrrhh~" tunog ng tyan ko. Oks, I think I'm going to canteen. Nice job, tyan. So food it is. Nagskip pa ako ng breakfast tapos late din pala. Hay~ I stopped on cue, "Oi!!" May natanaw kasi akong familiar na likod. "Oi!!" tawag ko ulit ng di pa rin to lumingon, kaya naman tinakbo ko na at sinabayan ang paglalakad niya. Di nga ako nagkamali. "Scary Girl, kamusta?" I took a peek sa mukha niya. Likod palang, alam ko na. Di naman pala siya mahirap hanapin kung pumapasok lang. Nag-uumapaw kasi ang itim niyang aura kaya mabilis talagang mapapasin. "Oi, bakit di ka nagsasalita?" "Yun ang dapat." mabilis nitong sagot. Nagtaas ang kilay ko nang mahalatang nilakihan niya ang hakbang. Gusto ko sanang tumawa dahil walang bisa yun, sa laki ko ba naman. Natural mahahabol ko siya. Tsk', ang bitter naman nito. Wala naman akong nakikitang tao dahil lahat ay nasa classroom. "Wala namang tao ah. Anong bang nerereklamo mo? And besides, umu-oo ka nung sinabi kong 'kita na lang tayo' kanina." "Wag mo ngang sabihin yan, baka may makakinig sayo kung ano pa isipin." At dahil sa naglalakad kami, gumagalaw ang buhok niya. Medyo nasilip ko ang....ang mga lisik niyang tingin. Napadistansya ako dahil sa takot. Pano, wala ibang tao ngayon kaya di ko alam kung sino ang makakakinig. Baka meron pa siyang ibang nakikita. Aba, malay ko. "Grrrhhh." pagtunog ulit ng tyan ko. Gutom na talaga ang alaga ko. Alaga sa tyan ha, walang ibang malisya. "Tara!" hinatak ko siya kahit medyo iniwas pa niya ang kamay. Lakad-takbo ang ginawa namin. Lakad sa akin, takbo sa kaniya. Maigsi ang binti eh. "Dyan ka lang." iniwanan ko siya sa may corner ng facilities. Mabilis akong tumakbo sa cafeteria. I would bet na baka mamatay na siya sa kakahingal kung isasama ko pa siya dito, kaya ako na lang. Less time pa dahil mabilis akong tumakbo. "Ate, can I have two ham and cheese sandwiches and two milks, smalls?" sabi ko dito, may pagjog in place pa ako dahil sa rush. Ewan ko, simula ng sinabi ni Scary Girl yung 'baka may makakita sa amin', parang naprapraning na rin ako sa tingin ng mga tao. Parang nagpupuslit tuloy ako ng kung ano dito sa school. "Eto oh, 25 yung sandwich isa at 15 naman ang gatas, 80 pesos lahat." Pag-abot sa akin ng pagkain, kaagad kong binigay ang pera. 100 ang una kong nakuha sa wallet kaya yun ang binigay ko, bago tumakbo ulit. Di ko na inintay ang sukli at tinangay kaagad ang mga pagkain. Mahirap na, nagpupuslit pa naman ako. Nakita ko kaagad si Scary Girl na nakatayo pa rin dun. Napangiti ako ng nilapitan siya. Akala ko mahirap paistayin ang pusa. Hindi din pala. Huh? Mabilis nga lang sigurong mawala. "Ah, ah—tara." di pa ako nakakahinga ng maayos ay hinatak ko na kaagad siya papunta sa library. Yun lang ang place na alam kong walang tao. Imposibleng gamitin yun dahil usually pang recess or free time lang yun. Binaba ko lahat ng mga dala ko, pati na rin ang pagkaing kapit, then nagsalampak na kaagad sa upuan. Habang si Scary Girl naman, nakakatawa. Hirap na hirap sa backpack niya. Bakit pa kasi nagdala ng bag? Di na lang tumulad sa akin. "Oh, kain tayo." nilagay ko ang tigisang sandwich at gatas sa harap niya. Nagtaas naman ng konti ang ulo niya para tumingin sa akin bago ulit tumungo. Wag mong sabihing di nya alam? "Scary Girl, pagkain to. Ham and cheese sandwich. Breakfast tayo." binuksan ko ang sandwich sa harap niya at tinapat ang sa kaniya. Parang nagpapakain tuloy ako ng buhok, bakit kasi ang hara nan? "Bawal kumain dito." pagpapaalala niya. Di naman naudlot ang pagkain ko at deretsyong kumagat sa sandwich. "At sino ang may sabi?" taas kilay kong tanong dito. "Yun oh." Napalingon ako sa tinuro niya. Nakita kong may nakalagay na papel sa wall na katabi ko, may sign na "No foods or drinks allowed." "Meh." nagkibit-balikat na lang ako. "Gutom na ako. Ikaw rin, kumain ka na. Wag mo nang intindihin yan. Eto oh, inumin mo." sabay tapat ko sa kaniya nung gatas, iniwasan niya yun. "Hindi, tubig na lang ako." dahan-dahan niyang pagturo ng isang water bottle na nakapatong ngayon dito sa lamesa. Naituro niya yun nang hindi man lang natingin, nakatungo pa rin siya. Wow, talent. "Okay." kaya ako na lang ang uminom nung gatas. Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya habang nanguya. Akala ko kung ano ang huhugutin niya sa bag at kung ano-ano ang pinatong niya sa table, pero puro papel, notebooks at pencil lang pala. "Osige, Ma'am. Kunin niyo na lang mamaya." Rinig kong sabi ng librarian. May kalayuan to sa amin kaya medyo tago kami sa paningin nila. "Oh." inabot ko ulit kay Scary Girl yung sandwich. Aba, pagtinanggihan pa naman niya yan. Libre ko na nga, di pa kumain. Ngayon lang ako makakakita ng taong tumatanggi sa biyaya. Kinapitan ko ang mga notes and papers niya para iipod for space nang makakain naman siya. Makalat pala si Scary Girl. "Aba, Mr. Mildard, I didn't know na naandito ka pala." Nabigla ako sa boses na sumulpot. It was like a terror. Horror, real horror. But not like Scary Girl has. Bakit? Nakita ko si Ma'am, yung first subject teacher ko! Ano ba yan, sa lahat pa talaga!!!!!! Baka isipin nito cutting ako. Ang taray pa naman ng teacher na to. Baka ang pasang awa ko maging flat na bagsak na talaga. Grabe, wala talaga akong excuse nito. Babagsak na talaga ako! Tsk', para saan pang nagpakahirap ako last week kung ganito rin pala ang mangyayari?!!!! "Ah, Ma'am—" magsasalita pa sana ako nang magsalita si Scary Girl. "Ayos lang po ba?" sabay medyo taas niya ng sandwich. Oh no! Hindi niya ata alam na WALA KAMING PAKE SA SANDWICH NIYA. Crap! Scary Girl, nasa panganib ako!!!! Gusto ko sanang isigaw sa kaniya. Ngumiti ang teacher ko at tumingin sa akin ng kasunod. "Of course. Teach him, iha. I won't mind." umiling pa to habang nakangiti. "Actually, I'm glad." tinapik pa nito ang balikat ko. "I would excuse you for my class today. Carry on." tumingin ulit ito kay Scary Girl. "Salamat po." sabay kinagatan ni Scary Girl ang sandwich. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang babae. I don't think they understand each other. Sinilip pa nung teacher ko ang mga papers na kapit ko, napatingin na lang ako kay Scary Girl. I can't believe my teacher thought I'm REALLY studying. "Nice notes. You really need this. I'll definitely have to excuse you. Study well, Mr. Mildard. Listen to her, she's a good one." sabi ulit nung teacher ko bago umalis. Wow, I'm speechless. WHAT? I can't believe it. I'm actually excuse?! Eh, kanina lang kaaway ko yung nagbibigay ng slip, but RIGHT NOW??!! It's amazing!! I'm not late, plus excuse pa!!! What the—I'm so lucky!!! "Thanks." taas ulit ni Scary Girl ng sandwich nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. She really don't have any idea how she helped me. I don't know how or why but her presence just saved me. Napa-iling na lang ako. "No, thank you." She did not answer me, mukhang naweweirdan lang sa sinasabi ko. Instead, she gives me a big gooey look, confused to my movement. I saw softness. I think being confused makes her quite a bit look like a cat. Like what my teacher expects me to do, I spent my time to do some assignments. Since nangyari yung kagabi, hindi ako nakagawa ng ibang school works. This will do. "Ummm....." mahabang saad ni Scary Girl habang nakatingin. I mean NAKATITIG sa notebook ko, while still eating her sandwhich. Mabagal pala siyang kumain at pauti-uti. I diverted my look at her. "What's wrong?" I took my drink to hand it to her. "You need water?" pagtaas ko ng kapit. Medyo nagmamadali na rin kasi ako at marami-rami yung ibang assignments. Actually, tatlo lang, but I don't understand some questions kaya medyo natatagalan. You see, three assignments are way TOO MUCH for me. Hindi naman kasi talaga ako nag-aaral. "Eto." pagtaas niya ng hintuturo at paulit-ulit na tinoktok ang notebook ko. I think she's pointing something for me, napatingin ako dun. "What?" pagdikit ko dito. Ngunit may iba akong napansin. I didn't mean to, pero mas active ata ang pang amoy ko, kesa sa sense of vision ko, para mas pansinin ang amoy niya kesa sa tinuturo niya. She smells a little like her bar soap, na ginamit ko rin, but there's more na mas nag-iistand out. It smells nothing like any girls or perfumes that I smelled before. She smells like something magical. Not even kidding!!! She smells like nature, very pure and sweet. Fresh like a forbidden fruit inborn in a new savannah, so captivating and luring. Her smell is the real definition of stepping in a new world. I can't explain it. It's very new to me. Wow, ano ba 'tong sinasabi ko? Feeling ko nagchange ako in split seconds. "Nakikinig ka b—" she lightly nudged my arm. "May gubat ka bang pinuntahan?" mabilis kong putol dito at tinitigan siya. Our faces are very close, but not enough to see the details of her face. She stared at me for a while. "Wala." pag-iling niya, then went back again sa pagkakatungo. Oh yeah! May sinasabi nga pala siya. "You were saying? Dito ba?" pagturo ko sa notebook ko, at hindi nga ako nagkamali nang ibalik niya ang tingin dun. "Eto yun." nilagay niya ang maliit na papel malapit sa kamay ko, bago binaba muli ang kamay sa may binti. I raised my eyebrows at it. "Yung sagot." maigsing dugtong nito. I did pick up the paper. It was a scratch full of equations. Math pala ang ginagawa ko. "Really?" hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero malay ko ba kung ano ang tama. Wala naman akong alam sa ginagawa ko eh. "Hmmm." pagtungo niya na medyo sumandal sa upuan para lumayo sa akin. "I seriously don't know what I'm doing." pag-amin ko bago nilapag ang papel sa may tapat niya. "I really appreciate it, Scary Girl. But I can't take it, it's not my work kaya hindi ko kukunin." Told you, I'm honest. I can't take other's work para lang pakinabangan. Mamaya may karma yun, tapos pa-explain pa sa akin ng teacher ko sa buong class kung paano ko nakuha ang sagot. Mahirap na, hindi ko kaya yun. Kaya okay lang kung mali, at least yun ang understanding ko. I looked at her. I don't know kung na-offend ko ba siya o ano, hindi ko kasi nakikita ang expresyon niya. But I can sense that she becomes stiff, kaya medyo inuga ko ang balikat nito. "Hey, are you okay? I'm sorry." I said in pure apologetic tone. Man! I don't even know what I'm apologizing for! I just don't want her to feel bad. Tsk', I NEVER apologized before so I don't know if it's acceptable. "Sorry." muli kong inuga ang balikat niya. Tinigil ko rin naman dahil parang hindi niya nagugustuhan. She took a deep breath. "Pwede kitang turuan." suggestion niya. My eyes grew big at shock. She'll—what! "You'll teach me?" hindi ko makapaniwalang saad. Damn, I'm trying my best to hide my smile. "Really? Why?" "Basta." yun lang ang sinabi niya. Natulala ako, I can't move. I can't believe someone actually cares for my grades, and is willing to help me. I must have done something good lately para makakuha ng gantong luck. Hahahaha! I'm so happy! I watched her as she pulls some papers, before opening my books. She looks so busy giving me papers and notes from her own stuffs. She looks at me. "Oi, tingin dito." then taps the desk. I followed what she said. She teaches me the current lesson I have with step by step procedures. She's so serious and I think it's the first time she talked with more than three words. I also feel glad na hindi siya masyadong naiilang, at pinagbibigyan ang pagkakalapit namin ngayon. That gives me a good close look at her. Nalalaglag ang buhok niya. Minsan sa pagkakahara nito sa papel ay hinihipanan niya yun, making me breathe in more of her sent. The more she moves, the more na nahahawi ng kusa ang buhok niya. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa leeg niya. It's so pale and narrow. Slender and flawless. The strands of some hair, blocking my view, makes me want to attempt removing them, and.... "Nakuha mo?" pagsalubong niya sa tingin ko. I blink many times. "Yea—h." my voice becomes airy. Kamuntik na yun ah! Max, get your head in the lesson!!! May nagtuturo na nga sayo oh! Wag mo nang manyakan!!! Okay, dude! FOCUS!!! Pagkausap ko sa sarili. Hoooo! Malaki-laking labanan to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD