Lucky Day

2413 Words
Max's POV "Dude, lawak ng ngiti natin ah." Patrick taps my shoulder. Masyado atang halata ang ngiti ko ngayong araw na to. "Tsaka, late ka daw sabi ni Ryan kanina pero bakit parang hindi ka naman inanannouce ni Ma'am kaninang first subject?" Naku pinaalala pa niya. Mas lalo tuloy akong napangiti. If they can't believe it, ako din naman. I felt so much blessings are happening to me this day. Bukod kasi sa excuse ako, naging madali din ang mga next subject ko dahil meron na rin akong kunting alam sa mga lessons namin. I really can't believe Scary Girl helped my bleeding grades. "Dude, nakaisa ka ba kagabi?" tanong ni Kyle na umupo sa may tabi ko. I glared at him. I know what he meant. He laughs. "Wow, dude! May time ka pa para dyan?! Akala ko busy ka sa grades mo. Hahaha, yun pala sa babae ka lang busy, ha." at pabiro pa ako nitong kinulbit. Tsk! Panira talaga 'tong gagong to ng araw. "Tsk', Kyle, not everyone's like you." pag-irap ko. "You animal." pabulong kong dagdag, pero tinawanan lang niya. "Hahaha, at least I don't hide it. Not like you." pangasar pa nito. "Anyways, if you're good now, sabihin mo na dun sa asungot na yun." pagnguso niya kay JD na nakaheadset. It's the last subject before lunch at nakapagquiz na rin kami kaya iniintay namin ang results. Hinayaan kami ng teacher namin na gawin ang gusto. While smart people voluntereed and help to check. "Ang tagal niyo nang hindi nag-uusap ni Utol. Mukha na tuloy kayong may quarrel, hahahaha." Kahit pala siya na wala masyadong pakielam sa teammates niya ay may kunting alam din. Kyle is really weird and unpredictable. He has way too much circle of friends kaya ang dami niyang nalalaman. But for someone who is too focus on his self-esteem and silly games, I can't believed na kilalang kilala niya kami. It's shocking kung paano niya alam ang galawan ni JD. Ganun kasi si JD pag may nagawa kang pagpapabaya o kung napahamak mo ang team, you need to make amends first bago ka niya ulit iapproach. He's way too serious sa basketball and way too hard to please as a captain. "Not yet, I want all my stuff first to myself." nanatili akong nakacrossed arms at pahabang nakaupo. "And besides, he's not my mother, I don't have to report everything to him." I said with clarity. I'm not mad at him, just saying. "Up to you, man." nagkibit-balikat ito bago humarap sa unahan para dun naman makipagchismisan. "Mildard, quiz mo." Inabot sa akin ng teacher ko yun. I know basically kung ano ang makukuha ko. I never get high scores kaya binilog ko yun. I don't really see the needs of keeping quizes, eh dagdag lang naman sa mga kalat sa bag. I was about to throw it nang may nakita akong red mark na humarap sa akin. What the hell? I stretch it a bit and saw two one's standing. Eleven, huh? I got eleven???? 11 over 25!!!!! I mean yeah, it is over 25 and 11 is not a passing grade. But I got TWO digit score??? I improve that much? I usually got one digit score in all of my quizes. In short, babagsakin. So...a little bit more, and I could actually pass? The positive thought makes me smile. I should tell this to Scary Girl, kung hindi niya ako tinuruan kanina baka wala akong nasagot sa quiz na to. Lunch time has passed, pero ang adrenaline ko buhay na buhay pa rin. Unlike nung mga nakaraang araw, relax na relax ako ngayon at nasa good mood. I also don't need to find Scary Girl, we alrea—-I already talked to her earlier nung nasa library pa kami na magkita sa may basketball court, dun sa may bench na lagi niyang nilalakaran, pagkatapos ng training, para hindi siya makita nung iba kong kaibigan. Alam ko kasing mailap siya sa tao. But happiness comes too fast, dahil nung natapos na ang lunch time ay Social naman ang kasunod, meaning may project kami. Galit daw si Sir Rico at for sure hindi magtuturo ngayon at magpapagawa lang ng project. Tiyak maghahanap na yun ng progress at alam kong wala akong mapapakita. Siguro sasabihin ko na lang kay Scary Girl yung about sa score. Hindi ko na isasama 'tong sa Social, panira ng mood eh. "KRRRIIINGGGG!" "Time na! Parusa na naman." nag-iinarteng reklamo ni Gale. "Tara na. May project pa tayo." dugtong ni Ryan. By his look, he doesn't want to do it neither. Pero iba kasi talaga ang looking like a good boy kaya hindi siya nagko-complain. Hindi katulad namin. Naging maingay lahat ang pagtayo namin sa table at mga padabog na sinuli ang mga plates. Pagkapasok na pagkapasok namin, umupo na kaagad ako. Baka mahuli pa ako ni Sir, ayaw kong wasuhin ang streaks ko sa mga teacher. Nagpapakabuti ako dahil ayaw kong masira ang good day ko. Kaso sa pagpasok ni Sir Rico parang kahit gusto kong iwasan ay parang masisira at masisira yun. Sa unang pasok pa lang kasi niya, may itim na kaagad itong tension na dala-dala. "Good afternoon, class." bati nito sa amin. "Since you all got your source and topic, you may now start." yun lang ang sinabi niya. Huh? Nagsimula ang mga classmates ko. Ang tahimik na klase kanina, puro ingay na ngayon dahil sa pagpla-planning ng thesis. Nilingon ko ang likod at nakita ang mga gago na nagthumbs up lang sa akin. "Papakopyahin ka na lang namin." sinyas ni Ryan sa akin. "Dude, simulan mo na." biglang saad ni JD na dinaanan ako sa may gilid. Tsk', nang iinis talaga 'tong mga mokong na to. Eh, ano naman ang isusulat ko? Wala nga akong alam na kahit ano sa ginagawa namin. "Mildard, bakit di ka pa nagawa?" sita sa akin ni Sir, nakataas ang kilay nito. Nasa harapan ko siya kaya wala akong tago. "Sir, wala po akong kapartner." hindi ko siguradong pagdadahilan. Ayan na nga po, laglag na ako ngayong araw. "Huh? Eh, kapartner mo si Orquidea." binababa niya ang salamin sa mata para seryoso akong tignan. Sino ba kasi yun? Bakit ba kasi di nya makalimutan ang pangalan na yan?! "Sir, wala po kasi siya ngayon." napatingin ako sa upuan sa left side ko. Kailan ba babalik yun? "Ha? Hanapin mo, naandyan lang yun. Baka tumutulong sa other team." tinuro niya ang ibang groups. "Tumayo ka na dyan. Aba! Di ka makakapasa kung di ka gagawa." mataray nitong imik kaya naman naglakad-lakad ako. Tignan mo 'tong si Sir parang ano. Puro dalawahan lang naman ang mga groups eh. Paanong may sosobra? Tsaka ang lakas naman ng loob nung Oridea(?) tumulong pa sa iba. Aba! May partner siyang nag-iintay sa kaniya!!! Bwisit siya! "Class, for those who are asking for research, pwede kayong lumabas para pumunta sa library or computer room." pag-aannounce niya. "Yes!" bulong sigaw ng mga classmates ko. Lahat sila nagsialisan kaya pati si Sir umalis na din. Buti pa sila. "Oi, tara!" yaya sa akin ni Gale. "Brad, di na ata dadating yang kapartner mo kaya simulan mo nang magsulat-sulat." tapik sa akin ni Ryan. I didn't bother following them kaya ako ang natira dito sa loob. Actually, since pwedeng lumabas ay nababalakan kong sa library na lang tumambay. Tutal nakapag-attendance na naman ako. Tsaka, mas comfortable dun kung gagawa man ako ng kung anong school works. I was about to leave when the door suddenly opens near my face. Mabilis akong umurong, pero maliit lang ang naging pagbukas nito. Akala ko talaga tatamaan ako sa mukha. "Ah, si Sir Rico?" mahinang tanong ng isang boses mula sa labas. Ni hindi man lang to nagpakita. Teka.... "He's not here, kakaalis lang. Magbabantay siya sa computer room." sagot ko at nagsimulang maglakad papunta dun. "Okay, pupun—ahh!" naputol ang sasabihin niya nang hinigit ko ito papasok. I was about to see who is it but a hand covered her face. Hindi siya nagsigaw o kung ano pa man. Wala lang, nagtaklob lang to ng mukha, na para bang nagtatago. Wait... "Scary Girl, oi." mahinang sabi ko. Unti-unti niyang binaba ang nakataklob na kamay hanggang sa nakita niya ako. She didn't say anything. It's really her, buti! Kung sa ibang babae to, baka nag-assume na sila ng kung ano-ano dahil sa paghatak ko. Panigurado, pagganun, may kaissue na naman akong girlfriend daw. Tsk', hindi kaya ako dumidikit sa basta kung sino-sino lang. 'Tamo to, nagigigng pusa. "What are you doing here? Ba't mo kailangan si Sir?" I asked. "Ah—ano, may ipapagawa daw siya sa akin." I nodded at her answer. Ah, okay. Akala ko alam niyang naandito ako. "Oh well, naandito ka na naman. I wanted to give back your notes." I pulled out the papers from my bag, kaso pati gamit ko nadala. It all landed at the floor. I start picking as I saw her looking at one piece of paper. "That's for our thesis. I will explain it to you next time when I know it." Pansin ko kasi parang laging curious at madiscover 'tong si Scary Girl. Well, if I just could teach her something I know well, tuturuan ko talaga siya. Kaso bukod ata sa basketball, na hindi applicable sa physche niya, wala na. I mean, there's more pa pala. Mga—Nah! Nasty things at bad influence na ang the rest, hindi na niya dapat malaman pa. Tinignan niya ako at yung papel. She slowly nods her head on motion. "Page 278." maikling sabi nito. "What?" I didn't get what she just blabbered about. I know she helped me earlier, but I don't get her right now. I don't expect her to help me everytime we saw each other. Masyado na akong abuso. "278 page, para sa meaning nito." sabay turo niya dun sa word na di ko maintindihan. Ah yun ba?! Now I take back what I said. Nagmadali kaagad akong kumuha ng papel at dun sinulat ang page 278. "Ah, thanks. I'll look up to it." pero sahalip na 'you're welcome' ang makinig ko. Tinignan lang niya ang papel. "Akin na." kinuha niya sa akin yun kasama ng pencil. "Eto ang mga kailangan mo for the topic." Nakita ko siyang nagsulat ng mga words and sentence dun. I was stunned by her pure kindness. I really don't get kung bakit nagkukusa siyang tulungan ako. "Thanks, Scary Girl." yun lang ang nasabi ko as I watched her. Mga ilang minuto rin ang tinagal niya at nawala ang ngiti ko nang nakita kong nagdidilim ang aurang nakabalot sa kaniya. Wag mong sabihin ganyan niya sineseryoso ang thesis ko?! "Oi, Scary Girl. Don't mind it. Ako pa rin naman ang gagawa nito." napakamot ako sa batok. "Bakit kasi di nasulpot ang kapartner ko?" pagbulong ko sa hangin. "Oh." mabilis nitong inabot ang papel. "Aalis na ko." "Teka, wai—" gusto ko pa sana siyang habulin at sabihan ng 'Oi, mamaya ha! Kita tayo sa gym!' kaso naputol nang makita kong punong puno ng sulat yung papel. As in! Hanggang likod pa nga! At puro maliliit pa ang sulat! WHAT? How come??!! She just sits here for a while and then THIS?! May writings na kaagad yung papel?!! Napaawang ang bibig ko. She's freaking smart! Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. I actually thought she'll come back pero si Sir pala yun. My disappointment kicks in. "Mr. Mildard, you have plans?" di makapaniwalang tanong nito nang nakita ang papel na kapit ko. "Good, this is EXACTLY what we are talking about!" kinilatis niya ako ng tingin. "It's good to know you know what we are doing and you're doing notes. I thought di ka nakikinig." "Woah." napapikit ako ng marami. Ano 'tong sinasabi ni Sir?! I just looked at him while he walks away. Napatulala ako, at dun na nagsipasukan ang mga classmates ko. "May sakit ka ba, Max?" tanong sa akin ni JD na kakapasok lang din. Kinuha niya ang papel na kapit ko at nakangising hinablot si Gale para ilagay yun sa may dibdib nito. "Dude, imposible ka." di makapaniwalang saad ni Gale ng tangapin yun. "Wow, legit to pre. Mukhang nag-aaral ka, ah." puna kaagad ni Patrick na nakatikding nasa likod ni Gale, at naki-asyoso na rin. Gumawa tuloy siya ng malaking hara sa may pinto. I saw Ryan coming in. With his curved eyebrows, marahas niyang hinablot yun. "Sinong pinagawa mo nito? Babayaran ko." mabilis niyang saad at hindi makapaniwalang sinuri ang bawat detalye. "Pano ka nagkaganito?" si Kyle ang last na kumapit. Pinagpasa-pasahan nila ang papel, ng may pare-parehas na expression sa mukha. Katulad nila, shocked pa din ako. "Dude, anong ginawa mo? Seriously?" this time, seryoso ang pagkakatanog ni Ryan. I wanted to answer that I don't know. I shouldn't take credits for it kasi hindi naman akin yan. But I can't help to be proud on how Scary Girl's simple gesture of kindness created this commotion. Napangisi ako. "Give it back." yun lang ang nasabi ko at pilit na tinago ang ngiti sa mga labi. She just saved me again. Can this day get any luckier? I feel so bless. "Come on, dude!" pag-upo ni Kyle sa harap ko at ngumisi. "Don't be cocky. You should tell us kung sino man yan." binigyan ako nito ng makahulugan at nakakalokong tingin bago naghalumbaba sa harap ko. "After all, we share everything, right bro?" I sternly eyed him. I didn't like any bit of what he just said. Sharing Scary Girl???? What does this fvcker means? Gago ba siya??!! That girl actually deserves a good quiet life. She'd been through a lot. Allowing her to be surrounded by good and lovable people are all she deserves, tapos hahayan ko siyang mapasama sa mga gagong to!!?! No way!!! NO FVCKING WAY!!! Sa sarili ko pa nga lang ang dami ng mali at kulang. Kahit ako hindi nababagay para guluhin ang buhay niya, but spare her with the rest!!! She's a good person! "No." madiin kong bitaw nang hindi pinuputol ang tingin. If I could screw down a hole in his skull right now para lang patinuin siya, gagawin ko siguro yun without having a second thought. "Easy man." natatawang saad nito. Hindi niya siguro inaasahan ang masamang pagbabago ng mood ko. "Hindi mo naman babae yan kaya no worries. Hindi ko hahanapin." natatawa itong bumalik sa kapartner niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Sh't!!! Hindi ko babae!!! HAHANAPIN??!?!?! Don't he dare!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD