Good News

2640 Words
Max's POV I hasten my speed going at the west lockers. I know if someone sees me here, they'll think I'm a mad man, but that could be my least concern now. Mas focus akong masigurado ang nasa utak ko. Sinalampak ko ang dalawa kong kamay habang hinihingal na tinitignan ang numerong nasa hulihang locker ng mga O's. Kung tama nga si Kyle ay....sh't!!! "Fvck! Orquidea is the last surname of O's!" dahil sa inis, hinampas ko ulit ang locker na nasa harapan. Like before, it doesn't have a lock in it, at nakasulat dun ang O-19. Double sh't!!! Binuksan ko yun at ang pamilyar na pagkakaayos ng libro ang natagpuan ng mga mata ko. How come I didn't notice? Mga libro at notebook na maayos na naka-arrange. It has the same arrangement ng pagkakaayos ng mga libro sa bahay niya. Books with so many papers in-between the pages. I took out one of the notebooks there, it is blank. At kahit alam kong mahirap ibalik ang kukunin kong papel na nakaipit sa libro, ginawa ko pa rin. Isang maliit na papel yun, ngunit maliit at marami ang nakasulat. Para bang pinagkasya dun ang mga ideyang nakuha sa mga nabasa. No writings sa mga notebook cause she puts her notes on small papers, katulad nung ginawa niya sa thesis ko. How come I didn't notice this much earlier? Yung taong hinahanap ko ng pagkatagal-tagal nasa tabi ko lang pala!!! Kaya pala hindi ko makita si Orquidea noon dahil yun din yung araw na hindi ko nakikita si Scary Girl. Crap! This is messed up!!! After I put everything back and closed her locker's door, I run next going to the library. I haven't seen her in the whole day, I assumed she's there. Yun din kasi ang tanda kong laging sinasabi ni Sir Rico. Nang makapasok ako sa may library, mabilis na hinanap kaagad ng mata ko ang dahilan ng pagpunta dito. And fudge kung sineswerte nga naman, ang una ko pang nakita ay magshota na naglalandian sa may dulo. "Hey, you two. Respect the library will yah?" naiiritang sita ko sa mga to. Dahil dun napatalon at mabilis silang naghiwalay na parang walang nangyayari. Oh, ako pa talaga ang aaktuhan nila ng ganyan??? What a pig! "Don't do disgusting things here. Siguradong kayo ang dahilan kung bakit hindi na nabalik ang mga matitinong nag-aaral dito." pag-iling ko pa sa kanila. I'm sure they can say I'm really disgusted with their action dahil parehas silang hindi makatingin. Umalis na ako. Bwisit na dalawang nagmamahalang lamok yun!!!! Pag hindi ko talaga nahanap si Scary Girl sa kanila ko sisisihin yun. Maglampungan ba naman dun. Kita kaya yun sa dilim!!! Eh, paano kung dun pa sa dilim na yun nagtatago si Scary Girl!?! Ang kadiri nilang panuorin. Papahirapan pa nila akong maghanap kung saka-sakaling nasuya si Scary Girl sa kanila at lumipat ng pinagtataguan. Muli kong inuli ang buong library. Buti at nasa dulo ako naghahanap, malayo sa desk ng librarian, kaya hindi ako nasisita sa pagtakbo ko. Halos mapasinghap ako ng matagpuan ng mata ko ang likod ng isang pamilyar na babae. Nasa tapat to ng bintana at may mga librong nakahilata sa lamesa. "Orquidea!" pagsigaw ko. Unti-unting lumawak ang ngiti ko dahil sa pagbaling niya. Yes! It's confirmed, she's really Orquidea. FVCK! PAANO TUMAMA SI KYLE?!!!!!!?!?!?!!?!?!? THAT SON OF A M— "Mr. Mildard!" mahinang pagpalo sa akin ng matandang librarian. "Ang ingay mo! Talagang pagtitinginan ka ng tao dito. Umupo ka nga. Bakit ka nasigaw?" Nangilag ako sa pagpalo niya. "Easy, Ma'am. Naayun yung kasama ko oh." pagturo kay Scary Girl. "Umupo ka na. Wala ng next warning, lalabas ka na mamaya kung magsisigaw ka pa dito." huli niyang babala bago umalis. Napabilis ang lakad ko para umupo sa tabi ni Scary Girl. "Orquidea." muli kong tawag. Sinilip ko ang mukha niya at halata ang pagkabigla dun dahil sa pagtuwid bigla ng likod niya. Hahahaha, she didn't see it coming. "Ikaw yun, diba?" pangungulit ko. Nilinga niya ako. Gumalaw ang buhok nito at dahil sa ilaw sa labas, nakita ko ang kalhati ng mukha niya na hindi natatakluban ng buhok. Katulad nung nakita ko dati, naging brown ang mata niya sa liwanag. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa pagbabago ng kulay nun. Dati kasi hindi ko ma-appreciate yun. Crucial moment kasi ako noong chapter 11, dun ko yun unang nakita. "Oo, ako yun." pagsagot nito. Ngayon ko lang nakita ang mismong pagtingin niya sa akin ng deretsyo sa mata. Ngumiti ako at tumuon sa lamesa para mas masilip pa ang mukha niya. "What's your full name, Miss Pusa?" Nanlaki ang mata nito sa huli kong sinabi, at aaminin kong mas natawa ako sa reaksyon niya. Ngunit nakakapanghinayang nung tumungo siya para medyo silipin ang kapaligiran, gusto pa atang alamin kung may nakakinig sa akin. Hahahahaha, wala naman tao dito sa gantong oras. Lahat kaya sila ay nasa classroom. "Tumigil ka nga." mahinang bulong niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Tsk! Ano bang kinahihiya niya? Para pangalan lang eh. Ano naman yun para ipagdamot niya? Ang tagal ko kaya siyang hinanap. Nagka-istress istress pa ako sa project ni Sir Rico at akala ko pinartner ako sa patay. Buti talaga at tinutulungan niya ako kahit sa Scary Girl ko palang siya kilala. "Mr. Mildard?" pagtawag sa akin mula sa likod. Napabuntong hiniga ako at padabog na sinalampak ang kamay sa may lamesa dahil sa pagtungo ni Scary Girl. Bwisit kasi 'tong tumatawag na to!!! Nahiya tuloy. Inis ko 'tong nilingon. "Ah....." nawala ang sasabihin ko. "Sir Rico." bati ko. Bakit naandito 'tong matandang to? Kunot-noo nitong tinignan ang nasa likod ko. "Buti at naagawa na kayo ni Miss Orquidea ng project. Akala ko naglalaro ka ngayon sa may gym." tinapik pa nito ang balikat ko at sinilip ang mga libro ni Scary Girl. Sarap tuloy sabihing 'Kaya nga, Sir, akala mo lang yun.' "Keep up the good work, Mr Mildard. I'll give you another extra points." tinapik din niya ang balikat ni Scary Girl. "Salamat din sa tulong mo Miss Orquidea. Alam kong exempted ka na dapat but still, I appreciate your participation." Bagsak mata kong tinignan to. Ano siya, nakikipag-flirt sa estudyante niya? Ang tanda na niya at tsaka mapapanot na rin soon. Etong gurang na to, dapat tumigil na siya sa pagtuturo. "Ah, sir. Excuse me lang po ha? May gagawin pa po kasi kami." paglagay ko ng kamay sa likod ng upuan ni Scary Girl na tumabig sa kamay w na pumatong sa balikat nito. Hindi naman halata dahil mukhang tumuon lang ako para makabuwelo sa pag-upo. SO WHAT KUNG TINABIG KO? Lalaban ba siya? Suntukan kami. Pumapatol din ako sa matatanda kahit kapit pa niya grades ko. Pasalamat siya at graduating ako, nabigyan ko siya ng consideration to spare. "Alright, I'll leave you two alone. Sana magpatuloy ang good works mo, Mr Mildard." huling saad nito bago umalis. Tsk, talaga! The best kaya kapartner ko. Oh, muntikan ko ng makalimutan! Si Scary Girl nga pala ang miracle worker na sinasabi ni Sir!!! Amayzing! "Oi Pusa, ano ba talaga ang buong pangalan mo?" muli kong tanong. Natigilan ulit siya sa pagsusulat. "Hindi kita tatantanan kung hindi mo sasabihin." pananakot ko pa, pero malakas talaga ang apog nitong si Scary Girl at hindi ako pinansin. Nakapag-isip tuloy ako ng ibang plano. May nahagip ang mata ko, tinuro ko yun. "Kita mo yung dalawang PDA dun? Matutulad ka dun sa babaeng yun, pero mas malalala pa pag ako ang gumawa sayo." seryosong bitaw ko na hindi pinuputol ang tingin sa kanya. Nagpabalik-balik tuloy ang tingin niya sa tinuro ko at sa mukha ko. Aba, kung hindi pa siya matakot nan. Eh halos lamunin na nung lalaki yung buong mukha nung girlfriend niya. Ang sagwa lang, pero okay na rin para gamiting panakot kay Scary Girl. Nagpanic siya at kita kong bumuga ng hangin para kumalma. It did work, ganun na siguro niya ka-master ang technique para bawiin ang pagkabigla. Bumuntong hinga ulit to. Natawa ako sa loob ko dahil alam kong it's the sign of defeat. "Ying Orquidea." maigsi niyang sagot habang nagsusulat pa rin. I smiled at my victory. Magsasabi rin pala kailangan takutin pa. Ying Orquidea, I'll never forget that. "Ano nga ulit?" pangaasar ko pa at mas nilapit lalo ang sarili sa kanya para sabihing hindi ko yun nakinig. "Sabihin mo nga yan ng nakatingin sa mata ko. Hindi naman eto kausap mo, eh." pagturo ko sa papel na sinusulatan niya. "Oi, Pusa." pagkulit ko muli. Nakinig ko ang pag-hissed niya kaya mas lumawak ang ngiti ko. "Ying Orquidea." buong saad nito na nakatingin mismo sa mga mata ko. "Meron pa?" tanong nito sa buong tapang na boses habang hindi tinatanggal ang tingin. Nakagat ko tuloy ang dila ko dahil sa pagpipigil ng ngiti. Tumungo ako dahil nahihiya ako sa tingin niya. I can't believe I feel shy towards this girl's eyes. Binalingan ko ulit to at nginitian. "Max Mildard." medyo dumulas pa ang dalawang siko ko para mas tignan ang mukha niya. "Ummm." pagtango nito, bagkus sinilip ako sa dulo ng mata. She's really being funny para gamitan ako ngayon ng seryosong tingin. "You don't have to deny it, Scary Girl." pag-iling ko. Mas lalo niya akong kinunutan ng noo. Come on! I know I'm being cute right now!!!! She don't have to deny it! Napalo ko tuloy ng malakas ang lamesa. "Alright, let's go now! Gagawin na natin yung PDA na yun." pagturo ko ulit dun sa dalawang lamok. "Let's go home!" . . . Ahhh, ummm......it was supposed to be a joke. But I forgot what the librarian told me, and indeed it was my last chance. Pinalabas niya kami ni Scary Girl ng library at ganun din ang dalawang PDA. I can't believed that we got kick out. On that same day, hindi umuwi si Scary Girl sa bahay. I think she got scared because of what I said. Mga mag-iisang linggo na rin ang nakalipas at hindi na siya natutulog sa amin. Obviously, kasalanan ko. Dumadalaw lang siya sa bahay. Syempre, patago pa rin. Nakatulong ang secret pathway na nakita ko noon dahil nakailang pasok-labas na siya sa bahay na hindi pa rin nahuhuli ni Mama. Oh, it sounds wrong. Baliktad kasi, dapat ako ang gumagawa ng mga pagtatago. Anyways, tinutulungan pa rin niya ako sa paggawa ng project. Hindi na namin magawa sa school at busy na ako sa basketball training. Malapit na ang game play kaya minsan ine-excuse kami ni Coach para sa training. Sa school naman kung may free time ako o sa lunch time, nagkikita kami ni Scary Girl sa may library para doon gumawa ng assignments ng sabay. It's really good dahil nagiging komportable na kami at pamilyar sa isa't isa. Parang nagiging matic ang pagkikita namin. Hindi katulad nung dati na kailangan ko pa siyang hanapin dahil masyado siyang mailap sa tao, so I learned to distance myself at the crowd. Yun lang pala ang kailangan kong gawin para lagi siyang mahanap. Exciting nga eh. It feels like bawal lagi ang pagkikita namin dahil sa pag-iingat na wag mahuli. Bawal sa school. Bawal din sa bahay. What a pain. But it surely does feels great pagnagkikita kami. Lalo na at the end of the day, pagmaayos ko siyang naiihatid sa bahay niya, para kasing laging mission accomplished pag nakakauwi siya ng hindi kami nahuhuli. Though, that's my thoughts. Ewan ko lang sa kanya kung ganun din ba ang nararamdaman niya. Well, kung mahuhuli man kami, ready naman akong mag-explain. Sa tagal na naming nagkikita ng patago, syempre sumasagi din sa akin na kailangan kong magdahilan kung saka-sakaling mahuhuli nga kami. "Alright!!! That's it for today!" sigaw ni Coach kaya nagsitayuan na ang mga natapos ng lapse nila. Isa ako dun kaya tumayo na rin ako. "Batak ka these days, Max ah." puna sa akin ng isa sa mga teammates ko. Kakatapos lang din nito at parehas kaming nagpupunas ng towel. Nginisian ko lang to. I looked at the time, I can't wait to go. Panigurado kasing nag-iintay na ngayon si Scary Girl. Sa may library ko siya kikitain ngayon tulad ng nakagawian namin nitong nakaraang linggo. "Everyone up!!!! Everyone on the line!!!!" sigaw muli ni Coach Ray kaya natigilan kami at nagbalik sa linya. Kahit ang mga hindi pa tapos sa mga rounds ay napatayo na rin at luminya. "As you guys know, malapit na ang game!" pagsisimula nito. "Pero may mga players akong nasa grey zone. Alam niyo naman ang ibig sabihin nun. I got the list of those players at ang mga subject na kailangan niyong ayusin." Grey zone ay ang mga 50-50 na baka hindi makapaglaro. Meaning may mga grades silang mababa. Aminado akong kabado sa pagtawag ni Coach kung sino-sino yun. I think I might be on that list. Mahaba-haba din kasi ang listahan ni Coach. Marami-rami din siyang nabanggit. "——Piolo, sa math! Sinabihan ako ng teacher mo na kailangan mong gawin ang limang assignments na kulang mo. And lastly, Patrick, Gale, Ryan, Kyle and JD! Sa social project niyo. If you didn't pass your part on that project before the game, hindi kayo papayagang maglaro ni Sir Rico." tinignan niya kami ng masama. Nakakinig ako ng pag-alma sa iba biglang hindi pag-ayon. "I can't believe na mga players kayo pero hindi niyo magawang magfocus sa pag-aaral niyo. This could be a good responsibilities sa inyo para makapaglaro. You guys should be better than others in maintaining your responsibilities, because you all here are better well-trained in self discipline." masama niya kaming tinignan. "Ngayon pa talaga kayo nag-slack off! Kung kailan most of you will be having your last championship!!! Nakakahiya kayong mga seniors! Naturingang ang tagal niyo na dito, ngayon niyo pa naisipang hindi mahalaga ang game!!!! No relationship for all of you!!!! No any distraction!!! This should have been banned noon pa pero akala ko you guys can be matured enough!!! You guys disappoint me!" Dahil sa sinabi ni Sir, napatungo kaming lahat. Halata ngayon ang galit niya. Can't blame him. Mas marami ngayon ang nasa grey zone, and to think na almost lahat ng main players niya ay naandun. Tamang sabihin na lahat ng game namin ay pwedeng hindi mangyari. "I hope this could be a could lecture to everyone. Dismiss!" By that final speech, everyone got up and went in the shower room. I looked at the big timer hanging in the wall. It's been 30 minutes since Coach started his speech. Scary Girl might be tired waiting for me. However, dahil sa hindi ko nakinig ang pangalan ko, lumapit muli ako kay Coach. "Coach Ray!" tawag ko at tinaas ang kamay. "I didn't hear my name earlier. I think you forgot to mention me." He just looked weirdly at me and skim once again his list. Masama akong tinignan nito. See, I got a lot of subjects para makatakas sa announcement kanina. Halos lahat ata ng teachers sinabi sa akin na 50-50 ako simula nung last months. "Max, I didn't mention your name." inakbayan ako nito ng may kabigatan. I got nervous. "Because you're not in my list." pagngiti nito sa akin. Ang peke nitong coach na to! Geez, kinabahan talaga ako dun. "You keep up your firing energy! I actually thought you'll flank, but it seems like I'm wrong. Your play this passed week is better than other plays of yours, and your teachers also said you're slowly getting better in your studies too. Keep it up! " "Woah—?" yun lang ang nasabi ko sa sarili nang maiwanan ako ni Coach. I don't know kung para ba yun sa nakinig ko o sa mood swing niya. I took a moment of silent, before jumping jolly. "WOAH!" a smile formed in my lips. I can't wait to tell this to Scary Girl!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD