Orquidea

2257 Words
Max's POV "Sh't! I really hate rushing!" I cursed out loud before going out my car. Yeah, I did get my car already nung Sunday pa. I'm rushing right now dahil ginabi kami ng uwi kagabi. Nagyaya pa kasi silang dumalaw sa club. Mapilit si Gale at istress na istress sa project ni Sir Rico. Nakakatawang yun ang ginamit niyang term, when actually he's really stress dahil kahit weekends ay kinukulit siya ni Jester para bumili ng mga gamit sa illustration nila. What's more funny is, bakit may number ni Jester si Gale? Well, no excuse, sikat ang grupo namin. Pasa-pasa na lang yan. But I'm NOT late because of THAT. Curse Monday! I hate this day!!! Kahit kelan talaga ang araw na to, lagi akong minamalas! Hindi lang talaga laging maganda ang simula ng araw ko tuwing Monday. Ang sarap-sarap ng tulog ko, pero bakit kailangan sirain yun ng school days, specially Mondays. "Hello?!" sigaw na pagsagot ko sa cellphone. "Dude! I'm coming, teka lang! Nagbibihis na nga ako sa sasakyan ko, bwisit!!!" nagmadali kong sinuot ang polo ko at sinuklay ang buhok. I took a shower, of course. Wala lang akong time para magbihis sa bahay dahil late na late na ako. ["I don't care, man! It's already afternoon, tapos na rin ang lunch time. You should get here. Half day ka na nga lang!"] mahinang sigaw ni Ryan sa kabilang linya. He's right, tapos na ang lunch time. I could hear more noise at the background, ibig sabihin nagsisipasukan na sila sa classroom. Damn! Late na talaga ako! ["Oi Ryan, si Max ba yan?! Sabihin mo galit daw ngayon si Sir Rico."] dagdag pa ni Patrick na mas nagpamadali sa akin kaya magkanda-dapadapa na ako sa pagsusuot ng sapatos. I still could feel my feet are wet, it's disgusting. ["You heard that, baka eto na ang katapusan ng good time streaks mo kaya bilisan mo kung ayaw mong mahatulan."] huling saad niya at binabaan ako ng tawag. Bwisit yan! Naglabas ako ng sasakyan kahit hindi pa nakakapag-ayos ng buhok. Sinuklay ko yun gamit ng kamay at medyo hinatak papataas para matuyo kaagad ng mabilis. Mabuti ng hindi presentable kesa late. Mahirap sabayan sa init ng ulo ni Sir Rico. Masasayang lang ang pang-gogood time ko sa kanya at baka bawiin pa ang extra score na nakuha ko last week. Kailangan ko pa naman yun para makabawe sa grading. Papasok na sana ako sa loob ng classroom kaso tumingin ako sa likod kung naandun si Sir, buti at wala. Kinapitan ko ang doorknob at pinihit yun. "MR MILDARD!!!" Napatid ang hininga ko sa sumalubong na sigaw. Nakatingin sa akin ang lahat at tahimik ang buong classroom. Lumingon ako kay Sir na pulang pula ngayon ang mukha. Galit nga siya. "Mr Mildard! Late?!!!" gigil na tanong nito. Obvious na nagtatanong pa. "Out of my classroom! Hindi ako natanggap ng late!" At dahil talagang tinotoyo si Sir, marami pa siyang pinalabas. Kung swe-swertihin nga, pati ang mga barkada ko napasama. Hindi talaga ako swerte sa Monday. "Let's go, boys. Wala akong balak tumunganga dito." pagngisi ni JD na kakatapos lang makipagsagutan kay Sir. Siya ang huling pinalabas sa aming anim. Una ako at huli siyang, pagkanga naman minamalas si Sir sa estudyante oh. Sa dinamidami ng estudyante, nasa iisang room pa kaming anim. Imagine that, ang swerte niya no? Nagbasketball kami at tumambay sa gym. Nasa akin ang bola at shinoot ko yun sa may ring. Hindi pumasok. Ang saya ng araw na to. "What's wrong with you?" inis na puna ni JD at sinamaan ako ng tingin. "Play good, ang boring mo." paglagpas nito sa akin at tsaka naglay up. "Should I say sorry?" I sarcastically looked at him. Hindi lang siya ang bad mood. Tsk! Ako na nga ang pumasok sa wala, tapos ako pa ang papaandaran niya?! I saw Ryan shrugs his shoulder and jogs close to me. "Bakit half day ka? Sabay-sabay tayong umuwi kahapon, diba?" It's true. But it's not my fault na late na late na akong nagising. Mas naasar tuloy ako sa tuwing naalala ko kung bakit. Nakakaasar lang! My mom bought a human size rectangular pillow, and sneak out really late last night just to put it besides me. Fvck that! Akala ko tuloy naandun si Scary Girl. Akala ko no classes na naman dahil may bagyo. Damn that pillow! I would really make sure, by the time I get home today, it'll be straight to the garbage. "I told you may iba pa akong reason." I run, trying to get the ball at Gale's hand. "Oh, hindi yan ang sinasabi ni Kyle, diba?" tanong ng mokong. "Gale, stop." suway ko. "Don't believe in everything Kyle said. Sadyang late lang ako nagising." mabilis na gumalaw ang kamay ko para kunin sa kanya ang bola. Tinakbo ko yun sa may court namin pero saydang history repeats itself. "Hey, guys!" sigaw ni Kyle na nag-agaw ng attensyon namin. Lahat kami napatingin sa kanya. Kagagaling lang nito sa labas at may tinitignan ngayon. I assumed he's looking at the same area where Scary Girl used to walk in. My glance switches immediately there. But I saw nothing, just plain benches. Nakita ko rin ang paglingon nila Gale sa tinitignan ko at akala ata nila ay may tinuro si Kyle. Sa pagkakatigil ko dun may tumapik ng bola sa kamay ko. It was Patrick. Yeah, get the ball! Freak! "What?" Ryan stood still looking at Kyle. By the curve of his eyebrows I could tell he also got confused why we’re looking at the benches. Pauso kasi 'tong si Kyle kahit kelan. "Make sure it's important." dugtong ni JD na sa tingin ko wala na ring ganang maglaro. "Or else, I'm gonna beat the crap out of you." Hinara ni Kyle ang kamay at muling tumayo ng tuwid para makabawi sa pagkakatakbo. Maliwanag ang mukha nitong ngumisi sa amin. There goes again his smile like he had won something, and is planning something dark. "We don't have next subject, dahil walang teacher." Nagsaya kaagad sina Gale at Patrick. "Yes!!!! Uwian na!!! Half day!" sigaw nila pareho na ume-echo sa kabuoan ng gym. Hindi na nila pinansin pa ang bola. Natigil ang paglalaro namin. Kakapiraso talaga ang utak nitong dalawang to kaya kunting kwento naniniwala kaagad. Parang bata sila na pwedeng mauto pagbinigyan ng candy. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na nabuhay sila sa year namin dahil nakaiwas sila sa era ng mga white van at child trafficking, o maaawa. Mabuti talaga at naging matanda sila sa appearance para makalusot sa highschool. Hindi kasi nila kinayang pantayan ang utak ng idad nila. "I can't believe I hang-out with these two morons." nandidiring pinagmamasadan ni JD ang dalawa. Nakita ko ang pag-iling ni Ryan. "How about a sub?" tanong nito. Mas ngumisi si Kyle at mismong...tinignan ako? Ano na naman ang gusto niya? Ako na lang lagi ang pinagtritripan niya ah. "Yun na nga, si Sir Rico ulit. Siya ang tumanggap ng sub para daw gamitin ang oras sa project." THAT'S A BAD NEWS FOR ME. If I'll stay here outside, there will be no use for that time, dahil hindi ko rin naman magagamit yun kung naandito ako. Nilingon ako ni Ryan. "If that happens, then the due date of the project will be move much closer. It'll shorten your time, Max." Let's add that. Iigsi talaga buhay ko. Guaranteed for sure. That means I have to do the rest at home. That'll be a lot of works, with such short time. Iisa pa akong gumagawa. Not to mention, I don't even know how to do the other part. I put my hands on his shoulder, and just shrugged my own. "I'll make it’ll work. Ako na ang bahala." I hate the stares they're giving me. Buti at maingay na lumapit sa amin sina Gale at Patrick. "Yes!!! Umuwian na!" masayang talon ni Gale. "Hoy! Paano ang project mo?!" sigaw na pahabol ni Ryan. "Bahala na si Jester! Ayaw din naman niya akong tumulong at wala daw akong alam. Mabuti na yun, at may pahinga ako. Stress na ako sa kanya simula nung partnering!!!!" Nanganga kaming lahat sa derederetsyong reklamo nito. Hahahaha! Stress nga ang gago! Hindi kasi marunong magreklamo yan si Gale eh! "Basta uuwi na ako!!!" nagtatalon 'tong pumasok sa may shower room dito sa gym para magpalit ng damit. Nagkatingin kami na pinagmamasdan siya. "Ano? Uuwi ba kayo? Puro project ang gagawin ngayon." balik na pagtatanong ni Kyle. "Aba, I can go!" confident na sagot ni Patrick. "Alam ng kapartner ko na pinalabas ako ni Sir kaya excuse na ako." sinundan nito ang pinuntahan ni Gale. Okay, two down. Naglakad na rin kami sa may shower room para kunin ang gamit namin. Medyo kunting pawis lang kaya hindi na kami nagpalit. Pauwi na rin naman. "Ikaw? Uuwi ka?" pagsilip sa akin ni Ryan na nagpapalit ng sapatos. Magkalapit ang locker namin kaya naging pagitan ay pinto ng locker niya. Nagpatuloy ako sa pagpapalit. "Wala akong choice. Alangan namang mag-stay ako dito para sa wala. I should have stayed at home, kung alam ko lang." "How will you do your project?" balik na tanong nito. "BOGSSHH!" Parehas kaming nabigla sa pagkakasara ng locker niya. Lumingon kami sa likod, nakita namin ang paa ni JD. He kicked it. "Come on, dude, take a pride." bored 'tong nakatingin sa amin. Nanatiling prente sa pagkakaupo sa gitnang bench na pinagpapatungan ng mga bag namin. "Do your project, kahit mag-isa ka lang. Gusto mo samahan pa kita." rektang tingin nito sa akin. Hindi tanong ang sinabi niya, it is a statement. "But in one condition, dun ka gumawa sa may library para naman may magawa ako habang ginagawa mo project mo." nakakalokong ngumisi ito sa akin. I think he's up to something. "No, Max. He'll just flirt there." bulong ni Kyle na pasimpleng dumaan dala-dala ang bag. Nakinig siya ni JD kaya sinipa ulit nito ang locker ni Ryan, bago tumalikod at umalis na. Yeah, makikipaglandian lang pala gagawin pa akong excuse. Ano pa ba ang bago dyan? For what I know, kayang kaya ni JD makipaglandian sa kahit saan. Blankong tinitigan ni Ryan ang sinipa ni JD, umiling to. "He just wanted to make sure you'll do your work para sigurado kang magakaplaro sa upcoming game." yun ang huli niyang sinabi at umalis na rin. Ganun din sina Gale at Patrick. Ako na lang ang matitira dito. Lahat talaga sila uuwi. Paano, lahat sila confident dahil may iba pang gagawa ng project nila. They're probably will have fun time for the rest of the day. Ummm, fun? I think I can also do that. Iintayin ko lang sigurong matapos ang mga classes para maintay ko si Scary Girl. I could use this project as an excuse para mapapunta siya sa bahay. Sabagay, sabi naman niya tutulungan niya ako sa grades ko. Ganun na nga siguro ang plano para di rin boring sa bahay. I don't want to do that project, but should I wait??? Masyadong mahabang oras yun. "Max, ang lalim ng iniisip mo ah." mahinang bulong sa akin kaya medyo napatalon ako. "WHA—tsk!" mabilis napawi ang pagkabigla ko nang makita ang natatawang mukha ni Kyle. "What do you want?" I didn't know this bastard is still here. "Hahahahaha, bro!!!!" pagtawa nito habang nagpupunas ng luha. "You should have seen your face!!! Hahahaha!" pagpalo pa nito sa may upuan. "Kanina pa kaya kita tinitignan, hindi mo alam? Hahaha." What a creep. Wala talagang magandang gagawin to sa buhay. "Fvck off." inis na tingin ko dito. Natawa lang ang loko at mas in-extend pa ang mga paa para makaupo ng presko. "I thought okay na ang project mo at nahanap niyo na nina Ryan ang partner mo. Anong nangyari? Bakit parang hindi pa rin okay?" nakangiting tanong nito. Nagtataka akong napatingin. What's with his sudden concern? Yeah, he knows that Ryan and the two idiots are helping me to find that Orquidea, but he has no interest with it before. So why open that topic now? What's the point? "We haven't." maigsing sagot ko at tsaka pinulot ang mga gamit ko. "Don't worry about it." Lalakad na sana ako kaso hinara niya ang binti, napatingin ulit ako sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang mga ngisi niya, para siyang may pinapahiwatig sa mga likod nun. His smile is playful, while his eyes are sparking with darken interest. I could feel that he has something—something that will pissed me off. "Bakit? Ano bang mahirap sa paghahanap? Eh, diba alam niyo na ang pangalan." pagkunot ng noo niya. Tumayo siya at pinulot ang bag, ngunit sa kabila nun, hindi naalis ang ngisi nito. "Orquidea, diba?" pagbaling nito sa akin. I didn't like any bit of his look right now. My gaze digs in at his irritating face. "Yeah." I slowly speak with monotone. What does he want? "You could stay for today to know her." he simply said, opening the door way out. He looked back. "Lockers are arrange by surnames. You can wait at the west, all people's surname starting with O will be there." he said before walking out. Ang mas nakakainis ay ang pagsabit ng huli niyang sinabi sa pandinig ko. "Umm, Orquidea is a quite unique surname, I think nasa hulihan ata siya ng O's." My fist formed in anger. His last sentence really ignited my frustration. Last names for O, Orquidea?????? Fvck! Isa lang ang pumasok sa isip ko. O-19. Fvcking sh't!!! I immediately run.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD