Game

1398 Words
Nandito ako sa lobby ng condo, naghihintay para sa Grab ko. Buti na lang marunong na ako mag-Grab. Dahil hindi na ako nakatira sa bahay, wala nang maghahatid o susundo sa akin. Sa una talaga, napakahirap mag-isa dahil hindi ako sanay. Pero masaya din ako na mag-isa na lang dahil pakiramdam ko sobrang free ko na, parang hindi ka nagmamadaling umuwi dahil may sundo ka. Malapit na ako sa school kung saan gaganapin yung game nila. Sobrang traffic na din dito banda kasi marami din yung manonood. I was alone today, it's my first time din umalis na mag-isa lang. Dati kasama ko sila Anthonette and Jasmine. Gusto ko sana isama silang dalawa pero baka ayaw lang din nila akong kasama. May napapansin ako sa kanilang dalawa lately, parang distant na sila sa akin. Hindi na lang din ako nagrereach out, baka din kasi busy silang dalawa o di kaya dahil sa picture na kumakalat they felt guilty. Pagkababa ko sa sasakyan, tinext ko si McKay na nandito na ako. Usapan kasi namin magkikita kami bago ang laro kasi ibibigay niya yung ticket ko. Sinabihan ko siya na dito na lang ako maghihintay sa ilalim ng puno na kaharap yung building, malamang hindi din naman ako familiar sa school na 'to. "Booo," gulat sa akin ni McKay. "Ha ha ha. Nakakagulat ka naman," sarcastic na tawa ko sa kanya. He just smiled at inabot yung ticket na dala niya. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya habang tinitignan kung may kasama ako. "Kita mo naman na ako lang mag-isa diba? May nakikita ka ba na kasama ko," inis na sabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako naiinis sa kanya sa panahong iyon, naiinis lang ako dahil sa sobrang init. "May kasama ka naman, eh sino naman yang naka-akbay sayo?" biro niya sa akin. "Hu hu hu. Sobrang nakakatakot," I rolled my eyes at him. "Alam mo ang hirap mong pasayahin. Sige na pupunta na ako doon. Cheer mo ko mamaya," then he winked at me at tumakbo na paalis. Hindi ko nga alam paano ako napunta sa ganito, hindi naman ako mahilig manood ng basketball, hindi din ako mahilig pumunta sa maraming tao. Gagawin ko lang 'to dahil si McKay lang yung makakatulong sa akin na makausap si Thunder. Pagkapasok ko, sobrang dami ng tao. Umupo ako sa harap kung saan makikita ko talaga yung mga players. I just wear shorts and a white t-shirt and I pair it also with my white shoes. Super simple lang talaga ng suot ko ngayon dahil nga sobrang init, wala pa namang aircon dito. As the players from each school entered, the excitement among the spectators escalated. Almost every student was cheering, and there was an atmosphere of excitement and anticipation. It seemed like the players were celebrities, with everyone cheering and screaming in excitement. I couldn't help but wonder why everyone enjoyed watching something so loud and chaotic. Perhaps it was the thrill of competition, the camaraderie among classmates, or simply the joy of supporting their school teams. Whatever the reason, it was evident that basketball games like this brought people together and created a sense of unity and excitement among the students. "Woaaaaah, Thunder babe galingan mo," sigaw ng isang babae sa harap ko and it was Athena I am sure that girl is Athena I stalk her last time indeed she's pretty naman. I felt sad ng makita ko rin si Anthonette, Jasmine and Abigail na katabi niya. I don't know how to feel how can they do this to me? Kaya ba hindi nila ako sinasama sa mga galaan nila dahil sila yung magkasama? Kaya din pala umiiwas si Abigail sa akin? Wala naman akong ginawa sa kanila. I was about to cry pero pinipigilan ko lang na mahulog yung mga luha ko. Nakakahiya naman umiyak sa maraming tao. Gusto ko nang umalis dito pero I promise McKay na tatapusin ko yung game at gusto ko din maka-usap si Thunder. I saw McKay and he mouthed kung okay ba ako. So I just show him a wide smile and give him thumbs up para ipaalam sa kanya na okay lang ako. Nang masigurado niya na okay lang ako, sumunod din naman siya sa teammates niya. Tinignan ko uli kung saan naka-upo sila Anthonette they we're staring at me, hindi man lang nila ako pinansin they just staring at me na para bang hindi nila ako kilala. Iniwas ko na lang din yung tingin ko dahil kapag tinitignan ko sila parang naiiyak ako. I was just observing lahat ng tao na nandoon, yung iba nag-effort pa talaga para sa mga banner nila, may nagpaint pa sa mukha nila. Tinawag na din isa-isa yung mga players, when it's Thunder's turn, lahat ng tao nagsisigawan, pangalan pa lang niya sobrang kinilig na sila. Grabe naman yung effect ni Thunder sa mga babae. Nagsimula na din silang maglaro. Ewan ko ba, hindi talaga ako marunong manood ng basketball. I don't know what's really going on sa game nila. Si McKay at Thunder lang yung tinitignan ko sa laro. Bawat score ni Thunder, sobrang tili din ng mga babae. Hindi ko din maiwasan na tignan sila Athena, todo support siya kay Thunder kapag nakakashoot. Todo turo naman si Thunder kay Athena kapag nakakashoot siya. Sobrang intense na ng laban nila dahil 3 points na lang yung lamang nila Thunder. Bigla din naman ng time-out yung coach nila sa pagkakarinig ko dahil pinalitan na muna ng coach si Thunder. I am sitting here sa court side kaya malapit lang din ako sa team nila Thunder. Habang pabalik na si Thunder sa bench, nagkasalubong yung mata namin. He stared at me na para bang hindi niya ako kilala. Walang emosyon sa mga mata niya. It would be embarrassing for me na wala man lang siyang pake sa akin kaya binaling ko na lang agad yung tingin ko sa laro. I also saw Athena na papunta sa bench nila Thunder, she gave him water. "Congrats babe, you did great sa game," rinig ko na sabi ni Athena sa kanya. Babe? Are they back together? Like how? Ganoon lang yun kadali para ni Thunder? Pinaglalaruan niya lang ba talaga ako? I guess my dad's right. Thunder is no good to me. Pilit kong pinipigilan ma-iiyak sa kalagitnaan ng laro nila, kaya I composed myself at nag-focus na ulit sa laro. "Athena and Thunder please lumingon naman kayo dito," sigaw ng babae sa likod ko. Dahil sa lakas ng boses niya, agad naman itong narinig ni Athena. Lumingon sa gawi ko at tinignan kung sino yung tumatawag sa kanila. "Please smile the both of you. Picture lang po," sigaw pa rin ng babae. Nag thumbs up naman si Athena at mahinang siniko niya si Thunder. Dahil nakatayo si Athena at si Thunder ay naka-upo lang, so she leaned down a little bit para bulungan si Thunder. Na-gets din naman ni Thunder yung sinabi ni Athena kaya kinuha niya yung towel na nakapatong sa ulo niya. He looked up sa babae at tumayo siya para tabihan si Athena para sa picture. Dahil nga nasa likod ko lang yung babae sa side ko din sila nakaharap. Kung alam ko lang talaga kung ganito mangyayari, di na sana ako nanood. Lagot talaga 'to si McKay mamaya. Dahil nga sa gusto ko din masaktan ulit, tinignan ko ulit silang dalawa. But suddenly Athena stared at me and smirked. Tapos hinalikan niya si Thunder sa pisnge at bumalik na agad sa pwesto niya. Nananadya ba siya? Nagsigawan yung mga studyante ng mag-3 points si Jeremiah, ang team captain ng school namin, dahilan upang manalo sila sa laro. I am happy for them, their hardwork really paid off. Kahit ilang beses nang na-cancel yung game nila dahil sa mga unexpected events na nangyayari sa bawat school, pero hindi pa rin sila huminto sa kanilang training. Pero naman, kahit ganyan sila, responsibility pa rin ng mga athlete na hindi sila bumagsak sa klase. Nakita ko na naman si Athena na tumatakbo papunta kay Thunder and they hug each other dahil nga sikat sila madami din studyante na nakapaligid sa kanila habang kumuha ng picture. Nakita ko rin si Abigail na niyayakap yung kuya niya. Wala na din naman akong magawa doon kaya umalis na lang ako sa labas. Hintayin ko na lang si McKay, may usapan din kasi kami na after ng game kakain kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD