Pagkagising ko agad ko nang inayos yung mga gamit namin ni Aio. Hindi ko na kasi to npaayos kagabi dahil pagkatapos naming kumain kahapon agad na din akong nagpahinga kasi iniisip ko na before ko asikasuhin ang lahat ng problema sa store ko, mabuti nang maigala ko muna si Aio sa mga lugar dito.
"Mommy I'm hungry na," tumayo ako at kinarga na siya pa baba.
"Good morning," nangiting bati sa amin ni McKay.
"Uncle McKay," sigaw ni Aio at tumakbo sa kanya kinarga naman niya ito at nag tungod na agad sa kusina.
"Wow ang aga mo naman. Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ko Kay McKay.
"Yeah, sinadya ko talagang maaga pumunta dito dahil hindi ako nakabalik dito ganahapon," mabuti na nga lang at hindi siya nakabalik dahil panigurado hindi talaga kami makakapag pahinga ng maaga dahil sa dami namin kailangan pag-usapan.
Nag-uusap namin kami sa noong nasa Japan kami pero mas maganda pa rin sa personal.
"So what's your plan today? Asikasuhin mo na ba agad yung mga business mo dito?" umiling ako.
"Hindi pa. Siguro bukas na lang ako pupunta doon. Gusto ko munang ipasyal si Aio sa mga lugar dito. You know para ma experience din niya on how to be a Filipino kid," marunong naman magtagalog si Aio pero dahil nga lumaki siya sa Japan gusto ko rin matutunan niya ang Filipino culture kahit sa murang edad niya.
"Great!! Sasamahan ko kayo dahil di naman ako busy ngayon," sagot niya habang sinusubuan si Aio.
"McKay, masyado mo naman inispoil anak ko. Marunong naman niyan kumain mag-isa," hindi ko naman talaga inispoil 'yan si Aio. Iwan ko ba kay McKay palaging inispoil kahit nasa Japan kami ano mang sabihin ni Aio mag papadala agad 'yan sa akin para mabili ang gusto ni Aio.
"Where are we going mommy?" Aio asked habang puno ang bibig ng pagkain.
"We will go to Enchanted Kingdom,"
"Kaya let's it fast, para makabihis kana," dagdag naman ni McKay.
"Yeheeeey," Aio shouted with joy.
"Oh kumusta ka naman at ang parents mo?" tanong ko kay McKay, nandito na kami sa sasakyan medyo traffic na kaya mabagal yung takbo namin.
"Okay naman sila. Pinipilit nga nila akong ikakasal dahil nga hindi na daw ako bumabata," oo nga naman, sa bait ni McKay imposibleng walang babae ang magkakagusto sa kanya.
"Tama naman ang parents mo eh, bakit hindi ka pa mag-asawa baka gusto na ata nila ng apo," sa tagal na namin nag-uusap ni McKay ni isang babae wala pa siyang pinapakilala sa akin.
"Alam mo Attorney for now? Wala pa talaga sa isip ko 'yan. Infact my parents fixing an arrange marriage for me," Really? May ganyan pa pala ngayon?
"Why not subukan mo? Malay mo mag click kaayo. Totoo naman sinabi ng parents mo we're not getting younger anymore," I would very happy if ever man makita ni McKay yung babaeng mamahalin niya. Sa dami bang naitulong ni McKay sa akin I wish him happiness in life.
"Did you meet the girl already?" I ask again hindi man lang niya sinagot yung tanong ko.
"Pero kahit naman hindi ko pa siya nakikita wala pa talaga sa plano ko ang mag-asawa. I just wanna enjoy my single life. Actually I've already met her before," sagot niya nang hindi nakatingin sa akin, fucosed lang siya sa pag dadrive.
"Really? So ano naman ang naisipan mo at hindi ka pa rin pumayag for sure naman matinong babae at maganda ang hahanapin parents mo para sayo," he left a gaze at me at binalik ang panangin sa daan.
"You knew her," malungkot na sabi niya. Pero kita ko sa mukha niya na parang ayaw niyang sabihin sa akin. Why not? Boto naman ako kung sinong babae ang magugustuhan niya.
"Really? So sino?" tumahimik siya at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa daan. Tinignan ko lang siya at nag-aantay sa sagot ko niya. Bakit naman ang tagal niyang sabihin?
"It was Abigail Aguerro," mahinang sagot niya.
For an instant I froze sa sinabi niya. Kahit ilang taon na ang nakalipas marinig ko lang ang pangalan nila there something in me is shaking. Kahit kailangan ayaw ko nang marinig kahit sino man sa kanila yung mga nanakit sa akin noon. Hindi ko na rin binalak pang alamin kung ano ang ginagawa ni daddy sa kanila. I just want them disappear in my life.
They've caused me depression sa lahat ng ginawa nila sakin. Mabuti na lang at malakas ang kapit ni Aio at hindi siya nadamay sa depression ko. She's happy kid sa awa ng dios. Pero sa lahat ng nangyari kailangan ko din harapin ang nakaraan so that I can totally move on.
"Mommy mommy mommy," nagulat ako sa sigaw ni Aio.
"Hey, Attorney. Are you okay? Sorry hindi ko sinasadya. Let's go home na lang if you want," kita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala.
"I'm sorry I should've said that name," sabi niya ulit sa akin. Huminto na pala kami sa kilid ng daan dahil sa akin.
"I'm sorry baby," kita ko rin ang pag-aalala ni Aio.
"No McKay it's okay, It just that may na alala lang ako. I think it's time na rin para harapin ko lahat ng nakaraan in order for me to totally move on. Tumuloy na tayo," tumango naman siya at pinagpatuloy ang byahe.
Pagkarating agad namin ay inaya agad kami sa sumakay sa mga rides syempre hindi kami sumakay sa mga extremes dahil bawal naman doon si Aio. Ang kulit nga eh, kada baba namin agad sa rides tatakbo na naman siya agad sa ibang rides para sumakay. Oo lang kami, ito naman kasi si McKay sunod naman ng sunod ni Aio edi napipilitan tuloy kaming sumakay.
"Mommy I'm so tired," bulalas ni Aio na pulang-pula na ang mukha. It's her first time in the Philippines kaya hindi pa talaga nakaka-adjust yung balat niya sa init. Kita ko naman yung mukha ni McKay na abot tenga yung ngiti thinking makaka-upo na kami.
Umupo na muna kami sa bench na malapit sa fountains, si Aio naman ay busy sa cotton candy na kinakain niya.
"Sobrang okay siguro ng businesses niyo noh? Kasi may oras ka pa talagang sumama sa amin at pagiging couch mo," umpisa ko sa usapan humarap siya sa akin at ngumiti.
"Well sa lahat ng sinabi mo?" huminto pa siya para makapag-isip. "Business naman talaga ang priority ko sa lahat kaya sa tuwing may game ang school tinatapos ko na lahat ng kailangang gawin sa company para makapag fucos ako sa game. Sa ngayon wala pa naman problema yung kompanya sa ngayon it's because I did my job well. Ano ka ba ako lang 'to," taas kilay niyang sabi.
"Alam mo sobrang yabang mo talaga kahit kailan," hanggang sa nagtawanan na lang kami.
"Pero seriously McKay, bakit hindi mo tinanggap engagement mo with Abigail? Is this because of me?" hindi naman kasi pwedeng huminto yung buhay niya sa tuwing may mga tao na involve sa akin.
"Sort of, I don't wanna betray you. Pero at some reason ayoko pa talaga,"
"Abigail likes you. Sinabi niya noong na kidnapped ako nagawa niya lang 'yun dahil nagseselos siya sa akin," paliwanag ko.
"Alam ko, sinabi niya sa akin 'yun noong nagkita kami lahat sa court. Fortunately hindi sinampahan ng kaso si Abigail at Jasmine dahil sila din ang nag turo nila Athena at Anthonette. Sinabi niya lahat sa akin and I know she regretted it. Noong nalaman kong siya ang napili ng Mommy ko hindi na din ako nag salita dahil wala naman din akong balak," naalala ko na naman ang mga pangyayari na 'yun akala lang ni Abigail na mag-uusap lang kami ni Athena pero I don't know if mapapatawas ko pa ba sila ngayon. Time heals.
"Salamat McKay sa, mag-ingat ka. Alam ko naman na sobrang enjoy ni Aio sa araw na 'to," I waved bye to McKay pagkatapos niya kaming ihatid sa bahay. Sa kaunting usapan namin kahit papaano ay nawala kaunti ang bigat ng aking nararamdaman because of the past.