Chapter 3

2003 Words
Chapter 3 3rd Person's POV "Travis alam na ng daddy mo kung ano ka ibig sabihin hindi na natin kailangan magtago," ani ni Franco Flores. Secretary ni Travis s***h secret lover. Nakaupo siya ngayon sa mga hita ni Travis na nakasandal sa sandalan ng sofa. "Hindi pwede, pinagbantaan ako ni dad na may gagawin siyang hindi ko magugustuhan once na kumalat ang pagkataong meron ako, isa pa hindi ko makukuha ang mana ko once na gumawa ako ng ikakagalit ni dad," sagot ni Travis habang nakapikit. Napabuntong hininga si Franco at tinitigan lang si Travis na hinihilot ang sentido. 3 years na sila pero ni isang tao walang nakakaalam sa relationship nila. Gusto ipaalam ni Franco ang relationship nila at para makasal sila pero hindi ganoon kadali iyon. Pareho silang lalaki at sa status ni Travis imposibleng may tumanggap sa kanila lalo na ang daddy ni Travis. Naramdaman nilang may paparating kaya agad na tumayo si Franco at bumalik sa mesa niya na nasa loob lang din ng office ni Travis. Bumalik din si Travis sa mesa niya at nagsimulang magpirma. Pumasok ang isang empleyada na mukhang may papapirmahan. Palihim na napairap sa kawalan si Franco ng magpa-cute ito sa kaniya. Tiningnan ito ni Franco mula ulo hanggang paa at masasabi niyang naghihirap na ang babae dahil kinulang sa tela ang suot nito. "Sir magpapapirma lang po ako," pabebe nitong sabi kay Travis pero na kay Franco ang tingin. Gwapo si Travis at gwapo din si Franco masasabi ni Franco na halos lahat ata ng babae sa company nila may gusto kay Travis pero yon nga cold at strikto si Travis sa lahat kaya sa siya naman ang tinatarget ng mga babae doon. "Miss Alyannah malaki naman sinusweldo ko sa inyong lahat pero bakit parang naghihirap kana to the point na kinulang na sa tela ang suot mo," malamig na sabi ni Travis na kinatigil ng empleyada na si Miss Alyannah. Hindi nakatingin si Travis sa kaniya at pinagpapatuloy lang nito ang pagpirma aa mga documents na nasa mesa niya. Napayuko si Miss Alyannah dahil sa sinabi ni Travis. "Miss Alyannah sinabihan na kita hindi ba? my company is not a bar para magsuot ka ng ganyan," malamig na sabi ulit ni Travis. Agad na paulit ulit na nag-sorry si Miss Alyannah pero parang walang narinig si Travis at sinabing tanggal na si Miss Alyannah. Umiiyak na lumabas ang empleyada sa office nina Travis. Tiningnan ni Franco si Travis na nakatingin din pala sa kaniya. Napailing ilinb si Franco dahil sa ginawa nito. "Hindi mo naman siya kailangan tanggalin sa trabaho," biglang sabi ni Franco sabay lapit kay Travis. "Why not? sinabihan ko na siya dati pero ganon pa din. Bagay lang yon sa kaniya," bulong ni Travis saka niyakap ang bewang ni Franco na nakatayo sa gilid niya. Sinuklay suklay ni Franco ang buhok ni Travis. Maya maya biglang tumunog ang cellphone ni Travis. Tiningnan niya ito at napabuntong hininga ng makita ang pangalan ng daddy niya. Tiningnan niya si Franco na tumango lang at bumalik na ito sa mesa niya. "Yes dad?" sagot ni Travis. "Prince Travis Peterson umuwi ka ngayon din dito!" agad na nailayo ni Travis ang cellphone sa tenga niya dahil sa sigaw ng daddy niya. Base sa boses nito galit na galit ito. Tiningnan niya ang cellphone niya at wala na ang tawag. Nag-isip si Travis kung ano na naman ba ang ginawa niya at bakit ganoon nalang ka galit ang daddy niya. "Travis may malaki kang problema," biglang sabi ni Franco na kinakunot ng noo niya. Lumapit si Franco kay Travis at inabot nito ang cellphone. Napakuyom ang kamao ni Travis ng makitang may nagpapakalat sa social media about sa pagkatao niya. Biglang pumasok sa isip niya ang galit na boses ng daddy niya kanina. Dali dali niyang kinuha ang coat at nagpaalam kay Franco na uuwi muna ito. Hindi pa nakakapagsalita si Franco pero nakalabas na si Travis. Galit na galit ang daddy ni Travis matapos lumabas ang balita na bakla daw si Travis. Maraming mga litrato ang kumakalat ngayon. Isang malaking problema iyon para sa pamilya nila. Nang makita ni Mr. Peterson ang anak niya na kakapasok lang agad niya itong nilapitan at sinuntok. "Tingnan mo ang ginawa mong kalat! pinapahiya mo ang pamilya natin!" galit na sigaw ng daddy ni Travis at susugurin sana ulit si Travis ng pigilan ito ng asawa niya. "Ngayon paano mo lilinisin ang pangalan natin ha! kalat na kalat na yang pagiging bakla mo Travis! pag hindi ito nagawan ng paraan masisira ang image ng pamilya natin!" sigaw ulit ni Mr. Peterson. "Dad sa image lang ba kayo may pakialam? paano naman ang nararamdaman ko? dad hindi ko naman ginusto na maging ganito ako! ano bang mali sa pagkatao ko? wala naman akong nasasaktan ah!" may inis sa boses na sabi ni Travis na mas kinasama ng mukha ng daddy niya. "Hindi ko iyan matatanggap Travis! nag-iisang anak lang kita kaya ngayon pa lang tigilan mo na ang kahibangan mong yan at ayusin ang gusot mo!" galit na sabi ng daddy ni Travis. "Tanginang image yan! mahalaga pa ba dad sayo ang image ng pamilya natin kesa sa sarili mong anak? dad wala ka ba talagang pakialam sa sakin? pamilya ko kayo kaya dapat kayo ang unang mga taong makakaintindi sa pagkatao ko pero bakit ganon, kayo pa mismo nanghuhusga sa pagkatao ko-" "Huwag mo akong dramahan Travis, pumasok ka ngayon sa kwarto mo at huwag na huwag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi!" galit na sabi ng daddy ni Travis at naglakad paalis. Lalapitan sana ni Mrs. Peterson si Travis pero agad din itong tumaas. Napabuntong hininga nalang ang momny ni Travis. Sa isip nito hindi pa nga ayos ang mag-ama niya pagkatapos nong nahuli nila ito sa bar tapos ito na naman. Napaupo nalang sa sofa ang ginang dahil sa nangyayaring gulo sa pagitan ng mag-ama niya. Ilang araw na ang nakalipas ng kumalat ang balitang iyon. Unti unti ding may mga investors na umaalis dahil sa ayaw nilang ma-involve sa gulo ng Peterson. Namomoblema ang daddy ni Travis hanggang sa isang araw naisipan ito. Pumunta ang daddy ni Travis sa mansion ng Mortell. Nag-usap ang daddy ni Lucca at Travis about sa kumakalat na balita. Narinig ito ni Lucca noong pababa siya at nag-offer siya ng tulong sa pamamagitan ng kasal. Sinabi ni Lucca na pagkinasal sila ni Travis mawawala ang kumakalat na balita. Ayaw pumayag ng mga pinsan ni Lucca at kahit magulang ni Lucca nagdadalawang isip din. Ilang beses din tinanong ni Mr. Peterson si Lucca kung seryoso ba ito. Sa isip ni Lucca iyon na ang pagkakataon na mapasa kaniya si Travis. Walang nagawa ang mga pinsan ni Lucca ng pumayag ang mga magulang ni Lucca. Agad nga pinag-usapan nila ang about sa kasal. Sa kabilang banda naman galit na galit si Travis ng malaman ang tungkol sa arrange marriage niya kay Lucca. "Dad ayoko magpakasal please," nagmamakaawa na sabi ni Travis pero hindi siya pinansin ng daddy niya at tumaas lang ito. "Mom," tawag ni Travis pero umiling iling lang ang ginang. "Anak tama ang daddy mo, ito lang ang paraan para mawala ang isyu tungkol sayo," mahinahong sabi ng ginang. Tahimik lang na umupo sa sofa si Travis at yumuko. "Maghanda kana mamayang gabi tayo pupunta sa mansion ng mga Mortell," huling sabi ng ginang saka naglakad pataas. Napakuyom ng kamao si Travis. "Hinding hindi ako magpapakasal sa babaeng yon," galit na bulong ni Travis sa sarili. Pumunta nga ang mga magulang ni Travis at siya sa mansion ng mga Mortell. Sa unang pasok pa lang nila ramdam na agad ni Travis ang tingin ng mga pinsan ni Lucca. Hindi niya ito pinansin at umupo lang sa sofa. Nag-usap usap lang ang mga magulang nila about sa kasal habang si Lucca nakangiting nakatingin kay Travis na mukhang walang pakialam sa paligid. Napaangat lang ng tingin si Travis ng marinig na sa makalawa na agad ang kasal dahil napaghandaan naman na daw ito. "Bakit ang bilis naman ata?" biglang tanong niya na kinatingin ng lahat sa kaniya. "Kasi iho ayos naman na ang lahat kayo nalang dalawa ang kulang wala ng dahilan para patagalin pa natin ito besides nag-agree naman na ang anak ko," nakangiting sabi ni Mrs. Mortell. Palihim na napakuyom ng kamao si Travis habang nakatingin kay Lucca na nakangiting nakikipag-usap sa mga magulang niya. Sa unang kita ni Travis kay Lucca sa party masasabi niyang sobrang sama ng ugali nito. Masyado itong spoiled at selfish. Sa isip ni Travis mas mabuting ibang babae ang papakasalan niya huwag lang si Lucca. "Kung ayaw mo sa pinsan namin sabihin mo na agad hindi yong sinusumpa mo siya sa utak mo," biglang singit ni Lacson habang nakatingin sa kamay ni Travis na nakakuyom. Unti unting lumuwag ang kamay ni Travis at tiningnan si Lacson. Nakatingin na din sa kanila ang pamilya nilang lahat. "Lacson-" "I know tita, pero ayoko lang mapahamak ang pinsan namin," seryosong sabi ni Lacson habang nakikipagtitigan pa din kay Travis. "So sinasabi mo ba na masama akong tao?" may inis sa tono na sabi ni Travis. Sasabat pa sana si Lacson pero inawat na sila nina Mr. Mortell. Pagkatapos ng pag-uusap doon na nagpalipas ng gabi ang pamilya ni Peterson dahil masyado ng malalim ang gabi para umuwi. Hindi makatulog si Lucca kaya bumaba siya para uminom ng tubig. Nang nasa harap na siya ng kusina nakita niya si Travis na nakaupo sa mesa at may kaharap itong baso na may lamang tubig. Mukhang bumaba din ito para uminom ng tubig. "Hindi ka din ba makatulog," biglang sabi ni Lucca at nagtuloy tuloy sa paglalakad papunta sa refrigerator para kumuha ng tubig. Hindi nagsalita si Travis kaya nilingon ito ni Lucca. Nanatili lang ito g nakayuko kaya lumapit si Lucca at umupo sa harap ni Travis. "Alam kong ayaw mo-" "Alam mo naman pala na ayaw ko bakit ka pa pumayag?" malamig na sabi ni Travis. Napayuko si Lucca at napahawak ng mahigpit sa baso. "Gusto ko lang naman tumulong," bulong ni Lucca sapat na para marinig ni Travis. Nag angat ng tingin si Travis at tiningnan si Lucca ng masama. Marahas itong uminom ng tubig at tiningnan ulit si Lucca. "Tulong? talaga ba? if i know ikaw ang nagpakalat ng balitang iyon at nag-offer ng kasal para daw masolusyunan ang problema na ikaw din naman may gawa," naiinis na sabi ni Travis. Napatigil si Lucca at hindi na makapagsalita. "Ano ba talagang kailangan mo sakin ha?" iritang tanong ni Travis. Nanatiling nakayuko si Lucca at hindi nagsalita. Ano nga ba ang irereason niya bakit niya iyon ginawa? Maniniwala ba si Travis kung sasabihin niya na nalove at first sight siya kay Travis. Sa pananalita nito ngayon ayaw talaga nito magpakasal sa kaniya. Siguro totoo ang balita na bakla si Travis kaya hindi ito na-attract sa kaniya. Pero kahit ganoon hindi pa din maiwasan ni Lucca na mahulog dito. Naniniwala si Lucca na balang araw mamahalin siya nito. Sa isip ni Lucca pagnakasal sila at palagi silang nagkikita gagawin niya ang lahat para lang mahulog sa kaniya si Travis. "Kung ano man ang motibo mo hinding hindi ka magtatagumpay," walang emosyon na sabi ni Travis saka tumayo at naglakad palabas ng kusina. Naiwan naman si Lucca na nakaupo at napahawak nalang ng sa baso. Naiinis na dumapa si Travis sa kama pagkarating nito sa guest room na nasa mansion nina Lucca. Hindi niya alam sa sarili kung bakit tuwing nakikita niya si Lucca agad siyang naiinis dito ng walang dahilan. Ayaw niya sa babae dahil una pa lang alam niya na ang ugali nito. Ibang iba ito sa taong gusto niyang pakasalan. Nandidiri siya sa iisipin na ikakasal siya sa babae. Mas prefer niya pa ang lalaki kesa sa babae. Sa isip ni Travis gagawin niya ang lahat ng maisip niya na paraan para lang hindi siya makasal kay Lucca. Kahit pa nakasalalay doon ang mamanahin niya kailangan niyang makagawa ng paraan bago pa matuloy ang kasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD