Chapter 24 Evangeline's point of view Pag kabalik ko sa loob ng classroom agad kong niyakap si Lia at hindi muna ako kumalas at hindi ako umimik, kailangan kong makausap si Paul tungkol dito kailangan kong umamin siya at sabihin saakin ang lahat ng mga sinabi niya kay Vince kung bakit siya nag drop out. "Ayos lang 'yan Eva dapat iniintindi mo sarili mo"sabi saakin ni Lia at lalo pa akong napayakap sakanya, buti nalang wala na kaming susunod na klase dahil mag uusap usap na tungkol sa festival na magaganap at marami kaming mag aayos na. "Hindi ko magawa Lia! kaibigan natin siya pero sabi niya kailangan matapos lahat ng pag kakaibigan namin kaya ayun na nga pinigilan ko nalang huwag maiyak dahil alam kong sasabihin niya 'yon kay Paul hayss"sabi ko sakanya at naramdaman ko naman tinap niy

