Chapter 23 Evangeline's point of view Iminulat ko ang mga mata ko at wala na sa higaan si Paul, siguro nauna na siyang pumasok kaya naman bumangon na ako at umunat muna ako at bumaba na ako sa kama at nagulat ako ng may nakalagay sa may drawer na tray at may gatas at sandwich 'yon at may sulat. I have a night shift, you should go sleep without me - Paul Napahinga naman ako ng malalim, siguro nga kailangan ko ng matulog ng mga oras na 'yon at wag na siyang hintayin gaya ng sinulat niya sa papel na 'to, agad ko naman kinain ang nasa tray at ininom ko na ang gatas at pag katapos niyon dumiretso na ako ng banyo upang maligo. Pag katapos kong maligo agad akong nag bihis ng uniform ko at binitbit ko na ang tray pababa at iniwan ko 'yon sa may kusina dahil alam ko naman na may mag liligpit

