Chapter 15

2289 Words

Mary "Laura!" Lahat kami ay natigilan nang tumaas ang boses ni Chairman Vladimir sa kaniyang asawa. Nagsalubong ang mga kilay ni Madam at kumunot ang magandang noo na napatingin sa asawa niya. Nagbuga siya ng hangin pagkatapos ay matapang na sinagot ang kaniyang asawa. "Ano? Pipilitin mo ba akong maupo sa hapag para pakisamahan ang napili ng anak mo? Para mo rin inapakan ang buong pagkatao ko Vladimir!" Napayuko ako. Nagkakagulo na ang pamilya nila nang dahil sa akin. Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Chairman at tiningala ang asawa. "Nakikiusap ako. Bumalik kana sa upuan mo at magsimula na tayong kumain." Pagak na tumawa si Madam. Hinilot ang batok at tiningnan niya kami ni Reymond. "Ngayon pa kita narinig na nakiusap sa akin ng dahil lang sa katulong. Nakakatawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD