Mary Binaling ko ang paningin sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at maingay ang mga sasakyan na dumadaan sa amin. Hindi ko magawang lingunin si Reymond pagkatapos kong sabihin na sa kaniya na nasasaktan ako sa mga salita niya. Totoo naman kasi. Labis akong nasasaktan sa mga salitang paratang niya kahit ang iba doon ay makatutuhanan. Tao lang naman ako at may puso. Tinitingnan nga akong matapang pero nasasaktan din ako. Naramdaman kong umusod siya sa akin. Bigla siyang natahimik nang hindi na ako nagsalita. "Malayo ba rito ang bahay ninyo?" Bulong niya. Bumalik sa pagiging kalmado ang boses. Kanina nga ay para akong lalamunin ng buhay kung magreklamo siya. "Limang minuto lang. Diyan sa lang sa tabi ng palengke na dinaanan natin kanina." Hindi ko pa rin siya binabalingan. He

