Mary Masakit ang buong katawan ko nang magising kinabukasan. Isang beses pang naulit pagkatapos namin magpahinga ng ilang minuto. Nananakit ang mga hita ko mula sa ginawa na sa akin ni Reymond. Grabe siya kung ibaon ang kaniya sa akin. Nauubusan ako ng lakas pero siya ay active na active pa rin ang katawan. Wala akong ginawa kun'di tumili nang mahina dahil sa mapangahas niyang galaw. Binalingan ko siya sa aking tabi. Mahimbing siyang natutulog habang nakayakap ang isang kamay niya sa baywang ko. Uminit ang puso ko at hindi ko napigilang ngumiti. Kay sarap abutin ang mukha niya at haplusin pero hindi ko puwedeng gawin. Wala akong karapatan dahil hindi ko siya pag-aari. Pero kung yakapin niya ako ngayon ay para bang iba siya sa Reymond na nakilala ko. Noong unang gabi namin ay lumayo si

