3rd POV Malalim na humugot ng hininga si Laura pagkatapos ay pumikit. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga at nanggagalaiti siya sa mga oras na ito. Kung wala lang bodyguards na kasama ay papasukin niya sa munisipyo sina Reymond upang ipahiya ulit ang asawa nito. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na sa isang katulong lang mahuhulog ang kaniyang anak. Minsan ay natatanong niya kung anong patibong ba ang ginamit ni Mary para akitin si Reymond. Si Nathalie ang gusto niya para kay Reymond dahil kasosyo nila ito sa negosyo. Galing pa sa mayamang angkan si Nathalie kaya sa isip ni Laura ay siya ang nababagay kay Reymond na maging asawa. "Reymond!" Nangingitngit ang kaniyang mga ngipin sa sobrang inis mula sa kaniyang anak. Kaya nang pumasok si Reymond sa kaniyang sasakyan ay agad

