Mary Nakaramdam ako ng kaba simula nang mabasa ko ang kaniyang mensahe. Minsan ay gusto kong matuwa at isiping darating ang asawa ko galing sa trabaho kaya dapat kong pagsilbihan. Pero sa tuwing naiisip ko kung paano ako tratuhin ni Reymond ay naglalaho ang kung anomang excitement na nararamdaman ko. Masakit umasa. Masakit sa pakiramdam na bigyan ng kahulugan kung anong mayroon kami. Kasi wala eh, wala kaming relasyon kun'di pera lang ang dahilan bakit kami may kumunikasyon. Hinubad ko ang suot na bestida at nilagay iyon sa laundry basket. Tumapat ako sa shower sabay pikit ng mga mata. Nang maubusan ako ng hininga ay dumilat ako at sinapo ang mukha. Nilinis ko ng maayos ang buong katawan ko pagkatapos ay nagbanlaw. Tinuyo ko ang buhok sa maliit na tuwalya at lumabas na ng banyo. Na

