Mary Hindi maalis alis ang mga ngiti ko sa labi simula pa kanina. Parang sasabog itong puso ko sa tuwa mula sa mga sinabi ni Reymond sa akin kanina. Itinawag ko pa kay Lolita at binalita kaagad ang magiging first date namin ni Reymond Salcefuedez. Masaya siya para sa akin na para bang nakikita na ang memorable at romantic date night namin nitong asawa ko. Naunang lumabas ng kwarto si Reymond dahil pinuntahan niya ang papa niya. Kaya nang maglaho siya sa paningin ko ay gumulong gulong ako sa kama namin. Hindi pa niya sinasabing may nararamdaman siya sa akin pero puwede ko na siyang tawagin na akin. He is mine now, I owned him. "Sige na Lola, hindi pa kami kumakain." Nakangiti ko pa rin na sabi sa kaniya. Mahina siyang tumili. "Kumain kana Mrs Salcefuedez, baka mamaya ay kainin kana

