Mary Gusto ko pang matulog ngunit may tumatawag sa pangalan ko. Ang lamig ng kinaroroonan ko ngayon kaya kay hirap idilat ang aking mga mata. Masakit ang ulo na para bang may pumalo sa akin. "Mary! Wake up! Mary! Hey, wake up!" Napadilat ako nang makilala ang pamilyar na boses. Bumungad sa akin ang itsura ni Nikos kaya tuluyan akong napabangon. Agad siyang tumalikod at saka ko napagtanto na wala akong suot na pang-itaas. Napasigaw ako sabay hila ng kumot at tinakip sa dibdib ko. "Calm down, okay. Calm down and wear your clothes." Nakatalikod pa rin si Nikos sa akin habang nakataas ang kaniyang mga kamay. Anong nangyari? Bakit kami magkasama sa loob ng kwarto at wala akong saplot? Agad kong inabot ang bra ko sa may gilid at ang itim na bestida. Napahinga ako ng maluwang nang makita

