Mary Naluluha akong nagpaalam kay Manang Raquel. Hindi ko alam kung anong sasabihin ni madam Laura kapag nalaman niyang uuwi ako ng probinsiya ngayon dahil sa Tatay ko. Si Manang Raquel ang nagwalis ng nabasag ko kanina sa kuwarto ni Reymond dahil wala na ako sa tamang pag-iisip simula kahapon. "Mag-iingat ka sa beyahe mo, Hija. Ipagdadasal kong gumaling ng mabilis ang tatay mo." Ngumiti ako kay Manang Raquel at muling nagpasalamat. "Salamat po, Lola. Sige na po, aalis na ako." Sinukbit ko sa balikat ang back pack pagkatapos ay lumabas na. Nasa labas ng gate ang secretary ni Reymond na naghihintay sa akin. Agad siyang bumaba nang makita ako at pinagbuksan ako ng pinto. Sa daan pauwi ay panay ang dasal ko. Natatakot ako para sa Tatay ko. Hindi ko na alam ang gagawin kapag kinuha

