Mary Ito ang unang beses na makakapasok ako rito sa gitna ng Palasyo. Manghang mangha ang mga mata namin ni Lida at hindi makagalaw mula sa kinatatayuan. Ang lawak pala rito sa loob. Maids quarter lang kami at kusina kaya hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang loob na harden. May malawak na swimming pool at puno ng halaman ang bawat paligid. Malinis na malinis at naka-tiles pa ang sahig. Sa tabi ng swimming pool ay doon naka-set ang mga upuan na binalutan ng puting tela. Maraming bisita siguro dahil hindi ko mabilang itong mga upuan. Sa harapan ng mga upuan ay mayroong Lvydec Wisteria Artificial Flowers Garland. Nakasulat doon ang pangalan nina Reymond at Nathalie. Kanina ko pa iyon binabasa ng paulit ulit kaya kumikirot itong puso ko. Ang mga organizers ay abala sa pag-aayos k

