Mary
Magkasunod sunod akong huminga ng malalim at niyakap ng mahigpit ang dalang laundry bag. Oh my gosh! Siya nga ang lalaking 'yon! Ang paraan ng pagtitig niya sa akin kanina ay hindi ko alam kung nang-iinsulto o sadyang pinagnanasaan ako. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok at biglang nanlamig.
Pumikit ako at sumandal sa pader.
"Miss, are you okay?"
Napadilat ako nang marinig ang tinig ni Nikos. Malakas akong lumunok nang nasa tapat ko na ito at pinagmamasdan ako. Parang nilagyan ng tape ang bibig ko dahil hindi ko na maibuka upang sagutin siya.
Magkasunod sunod akong tumango sa kaniya. Kung anong nararamdaman kong pag-ibig kay Nikos ay biglang naglaho nang makita ko si Reymond.
"Mary? Ikaw si Mary hindi ba?"
Muli akong tumango pagkatapos ay yumuko. Nang hindi siya nagsalita ay umangat ang mukha ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako na may pag-aalala.
"May nangyari ba sa iyo? Sigurado ka bang okay ka lang?"
Nakaramdam ako ng hiya sa kaniyang harapan. Kinagat ko ang ibabang labi at dumiin ang kamay ko sa hawak na laundry bag.
"O-opo, okay lang po ako, sir."
Naghilamos siya ng mukha. Malalim na bumuntong-hininga.
"Oh, thanks god that you're okay."
Pilit ko siyang nginitian. Ito talaga ang pangarap kong lalaki. Mabait at may malasakit. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nahulog ang loob ko sa kaniya sa unang beses na pagkakita ko sa kaniya.
Si Nikos ay walang pinagkaiba sa Tatay niya. Nakikita kong mabait si Chairman Vladimir Salcefuedez kahit hindi ito palasalita. Si Madam Laura naman ay walang pinagkaiba kay Reymond.
Muli akong nakaramdam ng ginaw sa katawan nang maalala ko ang pangalan niya. Ngayon palang kami nagkakilala ay nangingilabot na ako sa kaniya. Siya iyong tipo ng taong mabilis katakutan. Siguro dahil may nakaraan na kaming hindi maganda kaya ako natatakot.
"Sige po sir, pasensya na po kayo."
Tumango lang sa akin pagkatapos ay tumalikod na ako upang pumasok sa loob ng kusina. Nakita ko si Manang na naghahain sa mesa. Agad ko siyang nilapitan at binigay sa kaniya ang dala kong laundry.
"Lola, ibigay ko raw ito sa iyo sabi ni sir Reymond."
Kinuha niya iyon at ginilid. Tinulungan ko siya table setting.
"Mary, kumuha ka ng malamig na tubig sa ref at dalhin mo rito. Gusto iyan ni sir Rey pagkatapos kumain."
Muli na naman akong napalunok nang mabanggit ni Manang ang kaniyang pangalan. Ginawa ko ang ipinag-utos niya pagkatapos ay inayos ang mga kalat sa sink ng mabilisan upang hindi nila kami maabutan dito.
Nang matapos na ako ay nagpaalam ako kay manang na papasok muna sa servant quarter namin. Pero hindi pa ako nakakaalis nang magsipasukan ang pamilya.
Magkasunod sunod akong lumunok nang makita si Reymond. Nakabihis na ito at parang sinabunutan ang buhok dahil hindi man lang nag-abalang magsuklay.
Binulungan ako ni manang na lumabas na pero agad akong napahinto nang tawagin ako ni madam Laura.
"Mary?"
Mabilis akong napalingon. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang nakaupo sa hapag kainan.
"P-po, madam," sagot ko. Nanginig pa ang boses ko sa kabang nararamdaman.
"Magbihis ka dahil isasama kita mamaya para makapagsukat ng mga damit mo."
Mabilis akong tumango sa kaniya. Nang sulyapan ko si Reymond ay magkasalubong ang mga kilay nito. Tila walang alam sa mga nangyayari.
Hindi ko na hinintay na tanungin nila ako. Mabilis kong hinakbang ang paa at lumabas mula sa kusina.
Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga nang makapasok ako sa maliit kong kwarto. Nakakakabang kausap ang buong pamilya na tila kakainin nila ako ng buhay. Hindi ko alam kung makakatagal ako sa pamamahay na ito. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya ko na manilbihan sa kanila. Dahil simula nang makita ko si Reymond ay parang nagbago ang lahat.
Gusto kong lumayo sa pamamahay na ito. Gusto kong huwag na lang ituloy ang pagtatrabaho ko sa kanila. Natakot ako ng husto noong makilala si madam Laura pero nangilabot ako nang makita si Reymond.
Pinilig ko ang ulo. Agad akong pumasok sa banyo at naghilamos. Nagsuot ako ng maong na pantalon at malaking long sleeve. Itinali ko lang ang buhok at hindi na nag-abalang tumingin sa salamin. Hindi ako puwedeng maglagay ng kahit na ano sa mukha lalo na at makakasama ko si madam.
Nang tawagin ako ni manang Raquel ay agad kong dimapot ang lumang sling bag at cellphone. Sumunod ako sa kaniya. Nasa sasakyan na si madam at naghihintay sa akin. Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong.
Muntik na akong matumba nang makita sa loob ng van si Reymond. Siya na naman? Akala ko ba ay si madam lang ang makakasama ko. Bakit nandito na naman ang lalaking pilit kong tinatakasan?
Nginuso niya ang katabi niyang upuan. Nasa harapan namin si Madam at mag-isa sa sit niya.
Kinakabahan akong umupo. Ni hindi ko na nga magawang huminga sa sobrang pagkatakot sa katabi ko. Kumikintab ang suot niyang tuxedo. Ang mamahaling relos niya ay para akong nasisilaw sa kinang noon.
Nakatali ang buhok niya. Ang makapal niyang balbas ay bumagay sa kaniya. Nanliliit ako sa sarili nang makasabay ko silang mag-ina. Mabuti nga at pinagbihis ako ni Madam. Kasi iyong ibang nakikita kong katulong ay naka-uniforme kahit isasama ng amo sa labas.
Pagkarating namin sa mall ay pinarada ni Manong ang van sa private parking. Bumaba ako at gumilid. Hinintay ko na bumaba si madam pagkatapos ay sumunod sa kaniya.
Nakasunod rin sa amin ang apat na bodyguards nila.
Nag-uusap silang mag-ina habang magkasabay na naglalakad papasok sa mall. Nasa likuran lang nila ako at parang tanga na nagmumuni-muni.
"Rey, Nathalie is coming to join us shopping. May lakad kapa ba mamaya? O magsusulo na kayong dalawa?"
Binalingan ni madam ang anak at nginitian. Umiling si Reymond pero hindi sinagot ang Ina.
Sino si Nathalie? Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni manang Raquel. Si Reymond raw ay may fiancee at malapit ng ikasal.
Sa isang parte ng isip ko ay nakaramdam ako ng tuwa. Total magpapakasal na siya kaya hindi na niya ako mapagnanasaan.
Tingnan ko nga mamaya kung anong itsura ng tipo niyang babae. Pero I'm sure na maganda. Wala sa itsura niya ang papatol sa simple at mahirap. Magkatulad nga sila ng Ina niya, mga matapobre!
Dinala ako ni madam sa shop at pinasukatan ng P.A uniform. Sapatos rin at sandals. Nasa labas lang ng shop si Reymond at may katawag sa cellphone.
Ang mga bodyguards ay nasa di kalayuan at nakabantay sa amin.
Nang matapos kami ay dumaan na naman si madam sa cosmetic shop. Tumingin at bumili. Binitbit ko ang paper bag na pinamili niya hanggang sa rumami nang rumami. My god! Ito pala ang ugali ng lady sa Palasyong iyon. Kaya pala walang nakakatagal sa kaniya dahil sumusuko sa mga ginagawa niya sa buhay.
Halos punong puno na ang kamay ko nang paper bag pero wala man lang siyang pakialam. Si Reymond rin ay hindi man lang ako matulungan na bitbitin ang ibang dala ko. Itong mga bodyguards rin nila ay walang silbi at malasakit. Nakasunod lang sa amin sa di kalayuan pero hindi man lang ako magawang tulungan.
Nang lumabas kami mula sa jewelry shop ay may tumawag kay Reymond.
"Babe?"
Umawang ang labi ko nang makita ang matangkad at magandang babae. Nilapitan si Reymond at walang pakialam na naghalikan sila sa labi. Agad akong nag-iwas ng tingin at tumabi sa gilid.
Ito pala si Nathalie. Wala akong panama sa kaniyang ganda. Katulong lang talaga ang katayuan ko sa buhay.
"Tita?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Reymond at nilapitan si madam Laura upang ibiso.
"Nathalie, thank you for coming darling."
Ngumiti si Nathalie sa kaniya. Lumagpas ang kaniyang mga mata sa likuran ni madam kaya nakita niya ako. Ngumiti sa akin.
"Sino siya?" Tinuro niya ako. Napalunok ako.
Mahinang tumawa si madam sabay lingon sa akin.
"Working student ko," simple niyang sagot kay Nathalie.
Muli akong nginitian ni Nathalie at nilapitan.
"Tulungan na kita. Nabibigatan kana siguro dito sa mga dala mo."
Para akong maiiyak nang marinig ang salita niya. Buti pa siya at may malasakit kaysa mga amo ko. Talagang mabigat ang mga dala ko at nangangawit na ako.
Tumikhim si madam.
"It's okay, Nat. Trabaho niya iyan."
Hindi siya pinansin ni Nathalie at kinuha sa isang kamay ko ang lahat ng laman noon. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.
Nang bitbitin niya iyon ay tahimik na nakatingin sa amin si Reymond. Demonyo talaga at hindi gentleman. Mabuti pa itong finance niya at may malasakit sa kapwa.
Nagbuga ako ng hininga at sumunod sa kanila. Nakapulupot na ang kamay ni Nathalie sa braso ni Reymond habang naglalakad.
Pumasok kami sa coffee shop. Ayaw pa yata akong isama sa loob ni Madam pero si Nathalie na ang naghila ng upuan para sa akin sa kaniyang tabi.
"May I know your name, sweetheart?" Malambing niyang tanong. Mas bata pa rin ako tingnan kumpara sa kaniya. Siguro ay nasa 30s na rin ito tulad ni Reymond.
"M-mary po, ma'am."
Ngumiti siya. "Mary, nice name. Innocent and pure."
Muntik na akong mapapikit nang banggitin niya ang innocent. Gaya ng sabi ko. Hindi umayon ang pangalan ko at mala-anghel na mukha sa aking ugali.
Tumikhim si Reymond kaya napatingin kami sa kaniya. Saglit niya akong sinulyapan kaya agad kong iniwas ang mga mata.
"Mary, anong gusto mong inumin? Hot or cold?" Tanong ulit ni Nathalie. Ang waiter ay nasa harapan na namin.
Tinuro ko sa kaniya ang mango juice na pagkamahal mahal. Sinabi niya iyon sa waiter at dinagdagan ng cheesecake.
Nagkape sila ni Reymond. Si Madam amazona naman ay nag-green tea lang. Diet raw siya kaya ayaw niya ng matamis.
Hindi ko sila pinansin at para akong patay gutom na pinapak ang cheesecake. Pera naman ito ni ma'am Nathalie kaya sige lang Mary. Kumain ka lang nang kumain.
Nag-usap sila tungkol sa business. Wala akong naintindihan dahil panay English nila sa bawat isa. Nakakabobo lalo na makasama ang mga ito. Pero natutuwa akong dumating si ma'am Nathalie. Mukha akong kaawa awang katulong kaninang kasama ang mga walang puso na mag-ina.
Hinatid nila kami sa parking lot. Hindi na sasama sa amin pauwi si Reymond dahil may pupuntahan daw sila ng girlfriend. Mabuti na lang at uuwi na kami dahil marami pa akong lilinisin sa kwarto ni Reymond.
"Nice meeting you, Mary."
Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
"Salamat po, ma'am. Ako rin po."
Pumasok na ako sa van na hindi sila tinitingnan. Kanina pa pasimpleng nakatingin sa akin si Reymond. Sa tuwing walang nakakapansin at natitigan niya ako ay parang tumatagos ang mga mata niya sa buong pagkatao ko.
Nangingilabot ako sa kaniya. Para bang may balak siyang masama sa akin pero hindi niya magawa dahil may kasama kami. Nanindig ang balahibo ko sa batok nang maisip iyon. Pilit ko man siyang inaalis sa isipan ko pero hindi ko magawa.
Nang makarating kami sa Palasyo ay pinasok ko sa loob ng ang mga pinamili ni madam. Kinuha iyon sa akin ng personal maid niya at siya na ang mag-ayos noon sa loob ng kwarto ni madam.
Nagbihis ako at agad kong ginawa ang gawaing bahay. Umakyat ako sa kwarto ni Reymond at nilinis ng maayos.
Mahigit isang oras akong naglinis sa kaniyang kuwarto. Pumasok ako sa walk in closet niya at natampa ko ang noo nang makita ang mga kalat sa sahig.
Napailing ako. Ang linis linis nito kaninang umaga nang umakyat ako rito. Maselan siyang lalaki pero dapat ay may desiplina. Muli akong napailing at nagbuga ng hininga.
Napagod ako sa ilang oras na kasama si madam sa labas. Tapos ay ganito pa ang madadatnan ko pag-uwi. Nasaan na ba ang lalaking mapera na magliligtas sa akin sa kahirapan? Sawang sawa na ako! Pagod na pagod na ako!
Tinupi ko ng maayos isa isa ang mga damit niyang pambahay. Ang mga sapatos ay inayos ko ang arrangement. Ang mga polo niya ay nag-aaway na ang hanger dahil sinuksok lang sa loob.
Inabot ako ng gabi sa pag-aayos ng closet niya. Tahimik lang ako at focus sa ginagawa. Ngunit napaigtad ako nang marinig ang pagbukas ng sliding door sa closet. Agad akong lumingon. Namimilog ang mga mata ko nang makita si Reymond.
Ilang oras na ba ako nandito sa loob ng closet niya? Nakatapis siya ng tuwalya at tinutuyo ng isa pang tuwalya ang basang buhok niya. Hindi ko man lang siya narinig na kanina pa pala dumating.
Nag-iwas ako ng tingin nang maglakad siya palapit sa akin. Nanginginig ang kamay ko at hindi masabit ang hanger sa kinalalagyan. Pinapabilis niya ang t***k ng puso ko.
Pumuwesto siya sa likuran ko kaya nanuot sa ilong ko ang bango ng katawan niya. Pumikit ako saglit at tahimik na nagdasal. Sana matunaw na lang ako upang maglaho sa kaniyang harapan.
Nasa iisang kuwarto kami. Wala siyang suot maliban sa tuwalyang nakatapis sa kaniya. Malaking lalaki si Reymond. Hanggang dibdib lang niya ako kaya kung i-corner niya ako rito ay magagawa niya.
Naramdaman kong dumikit siya sa akin. Niyuko ang mukha at binulungan ako. Nanindig ang balahibo ko sa batok nang tumama ang init ng hininga niya sa leeg ko.
"Miss three hundred..."
I swallowed hard. Nagyelo ako mula sa kinatatayuan nang muli niyang banggitin ang tawag sa akin. Pumikit ako at umusod upang lumayo sa kaniya. But he grabbed my cheek butt! Nanlalaki ang mga mata kong humarap sa kaniya.
"Reymond!" Hindi ko napigilan na banggitin ang pangalan niya.
Nginisihan niya ako at bumaba ang mga mata sa may cleavage ko. Agad ko iyong niyuko at pinagkrus ang mga kamay sa tapat ng dibdib ko. Ang hawak kong polo niya ay nahulog sa sahig.
Muli siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako sa cabinet. Binasa niya ang labi at titig na titig sa akin.
"Na-miss ko ang dila mo. Gusto mo bang ulitin?"
Malakas akong napasinghap. Umakyat ang dugo ko sa ulo at para akong sasabog. Tinulak ko siya sa dibdib at lumipat ako sa kabilang cabinet. Pero wala pa akong nagagawa ay nandito na naman siya at sumunod sa akin. Hindi ko siya pinansin. Muli akong napaigtad nang humaplos ang malalaki niyang palad sa hita ko at halos sakupin niya iyon.
"S-sir!" Nanlalaki ulit ang mga mata ko sa kaniya.
Muli siyang ngumisi. Ang manyak pala nito. Na-corner niya ako at inipit sa malaki niyang katawan.
"Hinahanap hanap ko ang serbisyo mo sa akin, Mary. Hindi ko makalimutan kung gaano ako nasarapan sa ginawa mo sa akin."
Pinagpawisan ako ng malapot. Sisigaw ba ako upang makawala sa kaniya o manlalaban ako? Pero malaki si Reymond kumpara sa akin. Masasayang lang ang lakas ko kapag nanlaban ako. Kung sisigaw naman ako at pasukin kami rito ay baka mabaliktad pa ako. Maaari niyang sabihin na inaakit ko siya. Ako pa ang lalabas na masama kapag nangyari iyon.
Kunulong niya ang mukha ko sa palad niya at mabilis akong hinalikan. Diniin ako sa cabinet at napadilat ako nang maramdaman ang pagitan niya. Matigas at gumagalaw. Muling nabuhay ang bangungot ko kaya mabilis ko siyang tinulak sa dibdib.
"A-ano ba?!"
Pero muli niya akong inangkin sa labi kaya hindi na ako makasigaw.
"R...R-reymond!" Malakas ko siyang tinulak ulit pero gano'n pa rin ang nangyari. Pakiramdam ko ay habang tumatagal ang halik niya sa akin ay mas lalong umaalab.
Maingay niyang kinakain ang bibig ko. Nag-init ang mga mata ko at pakiramdam ko ay maiiyak ako sa pamumuwersa niya.
Nang itulak ko siya ulit ay nabitawan niya ang labi ko. Pero bumaba iyon sa leeg ko at doon niya ako dinilaan. Nanlamig ako at nanindig ang mga balahibo. Nakakatakot siya ngayon.
"Bitawan mo nga ako! Ano ba!" Pinagpapalo ko ang balikat niya pero wala lang iyon sa kaniya.
Hinuli niya ng kamay ko at pinayakap sa baywang niya. Muli akong napasinghap nang iparamdam niya sa akin ulit ang matigas sa pagitan ng mga hita niya.
Hinaplos niya ako sa hita at muling hinalikan sa labi. Hinihingal ako at kinakapos ng hininga nang pakawalan ulit ang namamanhid kong labi.
"Name your price, Mary! Name your price because I f*****g want you!"
Namimilog ang mga mata ko sa kaniya. Agad umangat ang kamay ko sa ere at malakas siyang sinampal. Naiiyak ako mula sa takot at sa pang-iinsulto niya. Hindi ako laruan! May fiancee na siya kaya doon na lang niya ipasok iyang lintik na t**i niya!
Matapang ko siyang tiningnan. Namumula ang pisngi niya at tila nagulat sa ginawa ko sa kaniya.
"Hindi mo kakayanin ang presyo ko kapag nag-demand ako Reymond Salcefuedez!"
Huminga ako ng malalim at tinulak siya upang makaalis ako mula sa pag-corner niya sa akin.
Nang nasa sliding door na ako ay muli siyang nagsalita.
"Anong kailangan mo sa pamilya ko? Bakit ka lumuwas ng Maynila?"
Binalingan ko siya. Tinaasan ko ang noo sa kaniya.
"Wala akong kailangan sa pamilya mo, lalo na sa isang tulad mo."
Pinigilan ko ang luha at patakbong lumabas ng kaniyang kuwarto.