Chapter 3

2683 Words
Mary Hindi ko maikurap ang mga mata nang makapasok ako sa loob ng kwarto ni Sir Rey, ang panganay na anak. Kanina pa nakaawang ang mga labi ko habang tinuturo sa akin ni Manang ang dapat kung gawing paglilinis dito sa loob. Ang ganda ng kuwarto. May dalawang malaking painting sa magkabilang dingding. Malaki ang kama at may side table sa bawat paligid. Ang ibabaw ng tokador ay punong puno ng iba't ibang klasi ng perfume. Wow! Nawalan ako ng sasabihin at pawang papuri lamang ang laman ng isipan ko. Ang sahig ay halos akupado na ng malambot na carpet. May couch sa paanan ng kama at mayroon pang sofa sa gilid ng bintana. Ang desinyo ng mesa ang umantig sa aking puso. Maliit lang iyon pero gawa sa kahoy na nilagyan ng varnish. Kumikintab na parang salamin ang ibabaw noon at may nakapatong na magazines. May lilinisin pa ba dito? Kahit dilaan ko pa yata ang sahig ay wala akong mararamdaman na alikabok. "Lola, may lilinisin pa ba sa kuwartong ito? Ang kinang na nga?" Nilingon niya ako. "Maselan si sir Rey kaya walang tumatagal na personal maid niya. Baka ikaw ay puwede dahil bata kapa naman." Ngumiwi ako. Parang makahulugan sa akin ang sinabi ni Manang. "Ilang taon na po ba siya, Lola?" "May edad na rin siya Hija. Sa katunayan ay malapit na siyang ikasal." Tumango ako. Okay lang na ikasal siya basta huwag lang si Nikos. "Eh iyong young master po Lola, dito ba nakatira?" "Oo. Dito nakatira si sir Nikos pero ngayong kalaunan ay hindi na siya umuuwi. Baka may negosyo na siya sa malayo." Nabalisa ako. Nalaglag ang mga balikat ko at biglang sumimangot. Kung ganoon ay paano na niya ako mapapansin? Hindi pala siya nakatira dito sa Palasyo. Sayang naman, isa pa naman siya sa dahilan kung bakit ako nakipagsapalaran dito. "Halika dito. Nandito ang mga damitan ni sir Rey." Gamit ang remote ay bumukas ang pader. Napaawang ang mga labi ko nang bumungad sa akin ang malawak na walk in closet. Natulala ako at napatitig sa mga damit na naka-hang ng maayos. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon at tiningnan ng maayos. From long sleeve to polo. Naka-separate rin ang mga de color. Ang sapatos niya ay nasa ibaba ng mga damit niya at maayos na naka-display. Hindi ko mabilang dahil sobrang rami nito. Lumapit ako sa pahabang mesa sa gitna at nagulat ako ulit nang makita ang laman. Mga mamahaling relos at necktie ang nasa loob ng salaming mesa. "Lola, ang rami naman po ito." Mahina siyang tumawa. "Huwag kang mag-alala Hija. Kapag nagkasundo kayo ni sir ay dito lang ang trabaho mo. Aayusin mo lang araw araw at lilinisin itong kuwarto niya. Wala ka ng problema sa paglalaba at pag-plantsa dahil sa laundry pinapalabhan ni Sir ang mga damit niya." "Hindi po ba siya naninigaw?" Natigilan ang matanda at humarap sa akin. "Tandaan mo itong sasabihin ko sa iyo, Mary. Wala kang dapat ikatakot kung wala kang kasalanan. Ayusin mo lang at tapusin ang ibibigay sa iyong trabaho dahil diyan ka magkakasuweldo. Naiintindihan mo ba ako?" "Opo. Naiintindihan ko po." Dito nag-umpisa ang takbo ng buhay ko. Kahit wala sa Palasyo si Sir Rey ay araw araw kong nililinis ang kaniyang kuwarto. Nasa Italy raw ito dahil may business trip. Hindi ko nakita ang labas ng Palasyo dahil bawal kaming pagala gala sa labas kahit tapos na ang trabaho. Sa kusina lang ang tambayan namin at doon kami nanonood ng palabas kapag rest hour namin. Iniiwasan kong makasalubong si Madam Laura. Hindi naman raw ito palaging galit at nakasigaw. Sa tuwing mainit lang ang ulo ay pumapasok sa kusina at nagsisimulang munduhan ang mga kasambahay niya. Si sir Vladimir naman ay napakabait na tao. Tahimik lang siya at hindi namin nakikita madalas. Bawat myembro ng pamilya ay may kaniya kaniyang personal maid. Sana nagkapalit na lang kami ni Lida dahil doon siya assign sa kwarto ni Nikos. Mas lalo kong nagugustuhan si Nikos sa tuwing naikukuwento ni Lida kung gaano ito kabait. Pero marami na silang nagsasabi na salbahe ang panganay kaya walang tumatagal. Namamawis ako at kinakabahan sa tuwing naririnig ko iyon sa mga kasamahan ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil wala man lang litrato sa pamamahay na ito. Mayroon silang family pictures sa sala pero si Nikos lang at ang mga magulang nila ang nandoon. Pinag-igihan ko ang trabaho. Ganito pala ang buhay katulong? Kasama mo palagi ang map at balde. Basahan at vacuum. Araw araw ko silang karamay sa tuwing nasa kuwarto ako ni sir Rey. "Mary, pinapatawag ka ni Madam?" Natigilan ako mula sa pagbabanlaw ng map nang tawagin ako ni Lida. Kinabahan ako bigla dahil ito ang unang pagkakataon na ipinatawag ako ni madam Laura. "Galit ba siya?" Umiling si Lida. "Bilisan mo na lang. Okay naman ang mood niya kanina. Nasa sala siya ngayon." Tumango ako. "Sige Lida, salamat." Tinuyo ko ang kamay sa basahan at tinanggal ang suot kong apron. Inayos ko ang sarili at mabilis na pumasok sa loob upang harapin si madam Laura. Nakaramdam ako ng kaba at hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan. Nasa couch siya at nagbabasa ng magazine. Alam kong naramdaman niya ako pero hindi man lang ito nag-angat ng tingin. Lumapit ako sa gilid niya at tumikhim. "Madam, pinapatawag ni'yo raw po ako?" Mahinang mahina ang boses ko. Bumuntong-hininga siya at binaba ang hawak na magazines. Napalunok ako nang balingan niya ako at tiningala. "Ilang taon kana? Nag-aaral kaba?" Lihim akong lumunok. "Eighteen na po ako madam at tumigil na ako sa pag-aaral." "Hmp." Tumango siya. "Ang sabi ng asawa ko ay sa Cainta Rizal province ka raw nakatira kung saan siya nagbibigay ng donations sa mga tao. Tama ba ako?" Magkasunod sunod akong tumango. "Opo. Opo, madam. Doon po ako nakatira." Nagdikuwatro siya at pinagmasdan ako. "Interesado kapa ba Mary na mag-aral ulit?" Natigilan ako at nag-isip. Umiling ako sa kaniya. "Mas gusto ko pong magtrabaho dahil kailangan ko ng--" ngunit hindi niya ako pinatapos at dinugtungan ang sasabihin ko. "Dahil kailangan mo ng pera?" Yumuko ako. "Opo, madam." Wala akong dapat ikahiya. Isa sa dahilan ko ang pera kaya ako lumuwas dito sa Maynila. "Ang sabi ng asawa ko ay pag-aralin kita. Kaya kita pinatawag dahil gusto kong sa'yo mismo marinig ang disisyon. Puwede kang mag-aral sa umaga at pagkarating mo ay saka mo gawin ang trabaho mo. Ngayon lang umalok ang asawa ko ng ganitong opportunity kaya pag-isipan mo ng maayos, Mary." Namawis ako. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. "Maraming salamat po, madam. Maraming salamat po." Muli niya akong tiningala. "Sige, makakaalis kana." Pagkalabas ko mula sa sala ay sumandal ako sa pader ng kusina. Pumikit ako at huminga ng malalim. Napabilis ni madam Laura ang t***k ng puso ko. Naging speechless ako sa kaniyang harapan at hindi alam ang sasabihin. Nagulat ako sa naging alok niya. Hindi ko ito inaasahan kaya anong inaarte arte ko! Punong puno ako ng pangarap nang pumunta ako rito. Kung may magbabayad naman ng tuition fees ko at may sweldo din ako ay bakit ko tatanggihan? Tama si Madam, malaking opportunity ito. Nakakagulat lang at para akong nananaginip. "Anong sabi sa iyo ni Madam?" Nilingon ko si manang Raquel. Tinutulungan ko siyang magluto ngayon. "Pag-aaralin daw ako. Nakakagulat Lola hindi ba? Nagsasabi kaya siya ng totoo?" Tumigil si Manang Raquel sa ginagawa at tiningnan ako ng deretso. "Nagustuhan ka niya kaya niya iyan ginawa. Ilang linggo kapa rito pero napansin kana niya." Umismid ako. "Ang sabi niya, si Chairman Vladimir daw ang magpapaaral sa akin kaya niya ako kinausap. Mukhang masungit si Chairman pero mabait rin pala. Atsaka, sabi ni madam, mag-aaral daw ako sa umaga tapos pagdating ko ay saka ako magtatrabaho." Ngumiti si Manang Raquel. "Huwag mong tanggihan ang mga grasyang darating sa iyo Mary. Maraming gustong makaranas ng opportunity na iyan." Kinagat ko ang ibabang labi. "Natatakot po ako eh," mahina kong sabi. Muling natigilan si Manang Raquel at tumingin sa akin. "Saan ka naman natatakot ha?" "Hindi po ako matalino Lola. Natatakot akong mabigo ko sila." Malalim siyang bumuntong-hininga. "Narinig mo na ba ang sinasabing kapag may tiyaga ay may nilaga? Hindi lang matatalino ang makakapagtapos Mary. Daanin mo na lang sa sipag. Sige na, bilisan mo na diyan at nang makapagluto na ako." Napangiti ako. Binilisan ko ang paghuhugas ng gulay at hiniwa iyon. Akala ko ay hindi ako susupurtahan ni Manang Raquel sa plano sa akin ni Madam Laura. Pero siya pala itong taong magpapatibay sa akin upang tanggapin ang alok nila. Muli akong kinausap ni Madam Laura. Sinabi ko ng deretso na papasok na ako kung maihahabol pa niya ako. At dahil pag-aari naman ng pinsan ni Chairman Vladimir ang papasukan kong eskuwelahan ay madali nila akong naipasok. Wala akong naging problema. Binilihan nila ako ng mga gamit sa paaralan at pinaghahandaan ko na ang pagpasok ko sa susunod na linggo. Naging working student ang stado ko rito sa mga Salcefuedez. Pero nang malaman ng mga kasamahan ko ay nakaramdam sila ng inggit sa akin. Labis akong nalungkot dahil halos hindi na nila ako kinakausap maliban lang kina Manang Raquel at Lida. Nang ibalita ko sa mga magulang ko ang nais ng aking amo ay labis silang natuwa lalo na si nanay. Sang-ayon sila sa gusto ng mga amo ko kaya napanatag na rin ang loob ko dahil napasaya ko ang mga magulang ko kahit papaano. "Ngayong gabi pala ang dating ni Sir Rey, Manang ano?" Tanong ni Lida. Natigilan ako nang marinig ang pangalan niya. "Oo. Mamayang madaling araw raw ang dating sa Palasyo." Binalingan ako ni Manang Raquel. "Bago ka matulog mamaya Mary ay umakyat ka sa kwarto niya at mag-spray ng air conditioner ha." Tumango ako kay Manang. Kinakabahan na akong makaharap ang amo ko kinabukasan lalo na at marami akong naririnig na hindi maganda tungkol sa kaniya. Nilinis ko ng maayos ang banyo at ang walk in closet niya. Nag-map ako sa sahig kahit walang alikabok at nag-spray ng air conditioner. Pinasadhan ko pa ng tingin ang buong kwarto bago ako bumaba sa maids quarter namin. Sa sobrang pagod ko ngayong araw ay nakatulog ako ng mahimbing. Pagkagising ko ay agad akong naligo at inayos ang sarili. Nakakairita talaga ang suot naming uniforme. Para akong nabibigatan lalo na ang hairnet na nakalagay sa ulo. Pinuntahan ko si Manang Raquel sa kusina upang tulungan magluto. Gawain ko na ito araw araw kahit hindi naman niya ako inoobliga. Mabait sa akin si Manang Raquel kaya sinusuklian ko lang ang magandang asal na pinapakita niya sa akin. "Good morning po, Lola. Tulungan na kita." Ngumiti siya at inayos ang salamin. "Magandang umaga, hija. Ang aga mo naman magising. Wala ka pang gagawin dahil tulog pa si sir Rey." "Okay lang po iyon. Tutulungan na lang kita dito sa kusina." Tumango siya. Habang tinutulungan ko siya ay nagtimpla ako ng kape para sa akin. "Lola, ang raming klasi naman po nitong pagkain na niluluto ninyo?" Tumawa siya. "Nandito kasi si Sir Nikos kaya paborito niya itong sinangag at pretong bangus. Mabigat kumain ang batang iyon ng almusal." Dumagundong ang dibdib ko. Simula nang dumating ako rito ay isang beses ko lang siyang nakita. Pero ngayong nandito na siya ulit ay ako na ang maghahain ng agahan niya. Napangiti ako sabay kagat ng ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko pagkarinig palang sa pangalan ni Nikos. "Morning!" Isang malalim na tuno ang nagpabaling sa akin nang marinig iyon mula sa aming likuran. Napalunok ako nang makita ang malaking lalaki na kayumanggi ang kulay. Maiksi ang suot niyang sport short at basang pawis na rin ang sando niya. Natulala ako at hindi makakilos sa harapan ng sink. Lumapit siya sa refrigerator na hindi tumitingin sa amin. "Magandang umaga sir. Gising na pala kayo?" Si Manang Raquel. "Naglaro kami ng tennis ni Nikos diyan sa labas. Hindi ba siya pumasok dito?" At bigla siyang tumingin sa amin. Natigilan siya nang makita ako. Para bang nagulat at nakakita ng multo. Nanuyo ang lalamunan ko at para akong dinikit sa kinatatayuan. Ito si Sir Rey? Ito yata ang panganay na anak ng Palasyong ito. "Hindi pa siya pumapasok rito. Gusto mo na bang mag-agahan? Ihahanda ko." Ngumiti si Manang pagkatapos ay binalingan ako. "Siya nga pala sir. Si Mary, ang working student ng mama mo." Kumunot ang noo niya. Saglit akong tiningnan pagkatapos ay tumango kay Manang. Yumuko ako sa kaniya. Parang may kakaiba akong nararamdaman nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko mapangalanan kung ano pero nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib. "I just need coffee, Manang." Lumapit siya sa mesa at humila ng upuan. Agad akong tumalikod at inabala ang sarili. Kumuha ng tasa si Manang Raquel at nagsimulang gumawa ng kape. Nang matapos niya iyon ay nginuso sa akin na naihatid ko kay sir Rey. Malakas akong napalunok. Nanginginig ang kamay kong dinampot ang tasa at dahan-dahan na naglakad palapit sa kinauupuan niya. "Nandito na po ang kape ninyo sir." Nang ilapag ko sa kaniyang harapan ang tasa ay napatingin ako sa mga hita niya. Muntik na akong matumba nang hindi ko malaman ang dahilan. Pamilyar sa akin ang mga hitang ito. May nunal siyang malaki doon na hindi ko makalimutan. Bigla akong natauhan mula sa pagkakatitig sa mga hita niya at napatingin ako sa kaniyang mukha. Malakas akong lumunok nang nakatingin rin ito sa akin. Agad kong naibaba ang mga mata at tumikhim. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Agad akong tumalikod at bumalik sa harapan ng sink. Malakas ang dagundong ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malapot nang makilala ang aking amo. Hindi ako nagkakamali. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya ito? Siya ang lalaking sapilitan akong pinasubo ng ari niya noon sa loob ng casino. Bigla siyang lumabas ng kusina dala ang kape niya kaya napahinga ako ng maluwang. Pero hindi pa nag-iilang segundo ay tumunog ang monitor. Nilapitan iyon ni Manang Raquel at sinagot. Muli akong napaigtad nang marinig ang boses niya. Binabangungot ako palagi sa malalim na boses na ito at hindi ko makalimutan ang ginawa niya sa akin noon. "Manang, sinong naglilinis ng kuwarto ko? Pakisabing akyat rito para ayusin ang language ko." Agad sumagot si Manang Raquel. "Sige po sir," Nilapitan ako ni Manang Raquel. Gusto kong humindi pero hindi puwede. Siya ang amo ko at ang magpapasweldo sa akin. Panay lunok ko at kurot ng mga daliri habang paakyat sa hagdanan. Anong gagawin ko? Paano ko siya kakausapin? Para akong natatameme at binabalot ng matinding kaba sa dibdib. Isang beses akong kumatok bago pumasok sa loob. Nasilip ko siya sa nakabukas na french door. Nakadungaw siya sa baba at iniimon ang kape. Tatlong suitcase ang nasa sahig. Nakabukas na iyon kaya agad kong nilapitan at kinuha ang maruruming damit. Ang ibang gamit niya ay tinabi ko dahil kailangan ko pang itanong sa kaniya kung saan ko ilalagay. Nilagay ko lahat sa laundry bag ang mga damit niya at pinatayo ang mga suit case. Bigla siyang pumasok kaya muli akong kinabahan. "Just leave it there. Ako na ang maglalagay ng mga gamit ko. Ang laundry lang ang kunin mo at ibigay kay Manang. She know what to do." Tumango ako. Ayaw ko siyang tingnan sa mukha. "Okay po sir." Inayos ko ang laundry at binitbit. "Lalabas na po ako." Hindi siya sumagot. Tumalikod ako at naglakad palapit sa pinto. Nang akma kong bubuksan ang pinto ay bigla siyang nagsalita. "Miss three hundred!" Muntik ko ng mabitiwan ang laundry bag nang marinig ang sinabi niya. Agad akong napalingon sa kaniya at nakangisi na ito sa akin habang nakatitig ng malagkit. Tinubuan ako ng takot at malakas na napalunok. "A-ano p-po?" Lumalim ang mga mata niya na nakatitig sa akin. Muli siyang ngumisi. "Hindi kaba pamilyar sa boses ko? Sa mga hita ko?" At ngumisi siya ulit nang nakakaloko. Pinasadhan pa niya ng tingin ang buong katawan ko na tila ako pinagnanasaan. Napaatras ako. Umawang ang mga labi ko at walang pasabing binuksan ko ang pinto at patakbong bumaba. Ps: Sana po magustuhan ni'yo rin ito hehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD