Mary
"Anong sabi mo? Titigil kana sa pag-aaral at luluwas ng Maynila upang mangatulong? Nasisiraan kana ba ang bait Mary ha?"
Malalim akong nagpakawala ng buntong hininga nang marinig ang sigaw ni nanay. Si Tatay ay tahimik lang na nakikinig sa amin. Tiningala ko ang nanay ko na nakapamaywang sa aking harapan.
"Nay, wala na akong pag-asa sa pag-aaral. Dagdag gastusin pa ninyo ako. Kailangan kong maghanap ng trabaho para matulungan kayo ni Tatay lalo na at may sakit siya ngayon." Mainahon kong paliwanag.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Wala na akong ibang pangarap Mary kun'di ang makapagtapos ka ng pag-aaral. Pero paano pa mangyayari iyon kung titigil ka at gustong mamasukan na katulong."
Napapikit ako. Kaysa naman maging pokpok ako sa casino ay mas gugustuhin ko na lang na mangatulong sa Maynila. Atsaka bobo ako pagdating sa pag-aaral. Nakikita ko na ang sarili ko na hindi ako makakapagtapos.
"Malaki ang sahud doon Nay. Kapag may ipon na ako eh di babalik ako rito sa atin at mag-aaral ulit. Hindi naman habang buhay ay mangangatulong ako. Malaking experience ito para sa akin. Tulong ko na rin sa sarili ko para mas lalo pang matuto. Kaya pumayag na kayo please. Pangako, dadalaw ako palagi dito. Isang oras lang naman ang byahe eh."
Nagbuga siya ng hininga. Tumikhim si Tatay kaya napatingin kami sa kaniya.
"Pumayag kana Helia. Nasa tamang edad na ang anak natin kaya alam na niya ang gagawin."
Napangiti ako at nag-thumbs up kay Tatay.
"Basta Mary, isang taon lang o dalawang taon. Hindi na ako papayag na umalis kapa."
Magkasunod sunod akong tumango. Yes! Sa wakas ay napapayag ko na rin sila.
Pinaghandaan ko ang pagluwas ko sa Maynila. Nagpaalam na rin ako sa advicer ko na hindi na ako papasok dahil may nahanap akong permanenting trabaho.
Makasarili ako sa disisyon na ito. Gusto ko lang naman mamasukan na katulong sa mga Salcefuedez ng dahil kay Nikos. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero disidido na akong umalis.
"Anak, mag-iingat ka doon ha. Tawagan mo kami palagi ng Tatay mo." Mahigpit akong niyakap ni Nanay at hinalikan sa buhok.
Nasa bus station kami dahil hinatid nila ako ni Lolita. Tumango ako sa kaniya at inabot ang mga kamay niya.
"Pangako po. Alagaan ninyo si Tatay ha. Tatawagin ko kayo palagi."
Binalingan ko si Lolita at niyakap. Naiiyak na rin ito.
"Magpakabait ka Lolita. Salamat dahil ikaw ang naging kaibigan ko."
Ano ba yan? Malapit lang naman ang Maynila pero para akong mag-aabroad. Nang makasakay na ako ng bus at umalis na sila nanay ay nakaramdam ako ng lungkot.
Pumikit ako at huminga ng malalim dahil malalaglag ang mga luha ko. Nag-iisa akong anak kaya naiintindihan ko kung bakit hindi sang-ayon ang nanay ko na malayo sa kanila. Pero kailangan ko ng pera at pangsarili kong interes. Wala ng makakapagpigil sa akin hanggang hindi ko ito makamit.
Mahigpit kong yakap ang bag ko habang binabagtas namin ang daan papuntang Maynila.
Nakasuot lang ako ng pantalon at fitted long sleeve. Mabuti na lang at bago pa itong rubber shoes ko na nabili ko sa ukay. Napailing ako. Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking mayaman? Kailan ba ako yayaman? Puro pera ang umiikot sa utak ko. Wala ng laman kun'di ang makabingwit ng mayaman upang makaahon sa hirap.
"Hay, tama lang yan Mary. Maging wais ka!" Humagikgik pa ako. Pero bigla akong natigilan nang tumikhim ang ale sa aking tabi.
Gosh naman! Nakatingin silang lahat sa akin at tila namamangha. Nakakahiya talaga ako!
"Neng, mukhang malalim ang iniisip mo. Itulog mo na lang iyan." Payo ng ale sa akin.
Pinamulahan ako ng mukha at iniwas ang paningin sa kanila. Binaling ko sa bintana at saka ako pumikit. Tinampa ko ang noo. Halata talaga na laking probinsiya ako.
Muli akong tumahimik sa beyahe hanggang sa makarating kami sa terminal ng bus sa Maynila. Pagbaba ko ay nakangiti akong tiningnan ang paligid. Wow! Maraming building kaso ang init ng klima dito.
"Gumilid ka nga doon miss! Nakaharang ka sa daan!"
Inirapan ko ang babae na bigla akong binangga. Ang laki ng spasyo pero gusto pa akong gumilid. Siguro mga tao rito ay hindi friendly. Niyakap ko ulit ang bag at gumilid sa tabi.
Nasaan na kaya iyong sundo ko? Ang sabi ni Lolita ay susundin daw ako ng driver ng mga Salcefuedez. Oh 'di ba? Special ang treatment sa akin. Muli akong humagikgik at kinagat ang daliri.
Hindi na ako makapaghintay na makita ang young master. Ang poge poge niya at ang bait bait noong makita ko.
"Miss?"
Napaigtad ako nang may tumawag sa akin. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Ikaw ba si Mary?"
Tumango ako sa kaniya. "Ako nga po, Manong."
"Halika na. Kanina pa ako makaabang sa iyo dito."
Ngumiwi ako at nanlalaki ang butas ng ilong ko. Kanina pa nakaabang sa akin? Kidnapper ba ito? Tinuro ko siya.
"Sino ka? Bakit mo ako inaabangan? May balak sa akin ano?"
Tinaas niya ang kamay at umiling nang pagtitinginan kami ng tao sa terminal.
"Hindi. Hindi. Ako ang pinadalang susundo sa iyo. Driver ako ng mga Salcefuedez."
Umawang ang labi ko. Nakagat ko ang ibabang labi at humingi ng tawad kay Manong.
"Pasensya na po.."
Inirapan niya ako kaya lihim akong tumawa. Ang tanga ko talaga!
Nang marating namin ang parking lot ay namangha ako sa kaniyang dalang sasakyan. Ang laki at bagong bago. Na-imagine ko tuloy kapag naging asawa ko na si Young master Nikos. Magkakaroon ako ng sariling sasakyan at driver. May personal maid pa ako at sigurado akong malaki ang allowances ko. Ay, ang sarap mangarap.
"Pumasok kana sa loob, Mary! Nakatunganga kapa diyan!"
"Ikaw naman Manong. Ang sungit mo porket naipahiya kita kanina. Pasensya na kayo, unang beses ko na lumuwas ng Maynila kaya natatakot ako sa mga kidnapper."
"Mukha ba akong kidnapper sa iyo?"
Hilaw akong ngumiti sabay iling.
"Hindi po. Mas mukha kayong tagaluto."
He stumped his foot. Napapikit ako. Agad siyang pumasok sa sasakyan at pabalang na sinara ang pintuan.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob. Na-offend ko yata si Manong kaya galit na sa akin. Mukha naman talaga siyang tagapagluto eh. Mabilog ang tiyan at may bigote pa. Para nga siyang si Mr. Swabe.
Tahimik lang ako sa beyahe at kung minsan ay pasilip silip ako kay Manong. Hindi na niya ako kinausap hanggang sa marating namin ang malaking gate.
Pagbaba ko ng sasakyan ay yakap yakap ko ang bag. Tumingala ako sa malaking bahay na nasa harapan ko ngayon.
Minsan ko ng narinig ang tungkol sa history ng Palasyo na ito. Ilang dekada na itong pinatayo nong mga ninono pa ng Salcefuedez Clan. Pero ang magmana nito ay ang pinakamatandang apo na si Vladimir Salcefuedez. Siya ang papa nila Nikos Salcefuedez at ang Kuya nitong ni minsan ay hindi lumabas sa diyaryo ang pagmumukha.
Curious ako kung anong itsura ng panganay na anak ni Vladimir Salcefuedez. Kahit sa search history ng google ay hindi mo makikita. Ang werdo hindi ba? Mukhang tama ang hinala ko na pangit nga siya o may kapansanan.
"Mary, halika na sa loob at naghihintay sa'yo si Manang Raquel."
Napaigtad ako mula sa pagkatulala. Sa diyaryo ko lang din nakita itong Palasyo kaya namangha ako nang nandito na ako ngayon. Hindi ako makapaniwala na nandito na talaga ako.
Tumango ako kay Manong at sumunod sa kaniya. Sa maliit kami na gate dumaan. Pagkapasok ko ay may apat na bodyguards ang nakabantay sa gate.
Yumuko ako at hindi sila tiningnan. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Sa malawak na kusina ako dinala ni Manong. Napalunok ako nang makita ang mga housemaids na naghihintay sa akin.
Oh my gosh! Ang rami pala naming trabador sa Palasyong ito. Naka-uniforme sila at nakatali ng maayos ang buhok.
Tumikhim si Manong pagkatapos ay binalingan ako.
"Manang Raquel, siya ang galing sa probinsiya na pinasundo ni madam Laura."
Inayos ng matanda ang salamin niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nanuyo ang lalamunan ko.
Tumango tango ang matanda. "Ikaw si Mary?"
Muli ako lumunok. Dahan dahan akong tumango sa matanda.
"Hello po sa inyo Lola. Ako nga po si Mary, galing sa probinsiyang hindi makita sa system ang location."
Nag-iwas ng tingin si Manong at mahinang tumawa. Nakagat ko ang ibabang labi nang mapagtantong nakatingin sa akin ng tahimik ang mga kasambahay.
"Ilang taon kana, Hija?"
"Eighteen years old na po ako," magalang kong sagot.
Muli siyang tumango. "Perpek! Ikaw ang i-assign ko sa kwarto ni Sir Rey. Mukhang malinis ka naman sa bahay kaya puwede kana."
Tiningnan ko ang ibang mga kasambahay at kinawayan. Hindi nila ako pinansin kaya napahiya tuloy ako.
Binulungan ko si Manang. "Sino po si Sir Rey?"
"Siya ang panganay na anak. Wala siya ngayon dito kaya ituturo ko sa iyo mamaya kung paano i-maintain na linisin ang kaniyang kuwarto."
"Sige po, magaling po akong maglinis kahit maglinis ng esda."
Muli nila akong pinagtawanan. Magaling naman talaga ako maglinis ng esda dahil ilang taon na akong tindera sa palengke.
"Sige na, sumunod ka sa akin para makapagpahinga ka muna sa kwarto mo. Mamaya ay ipapakilala kita kay Madam Laura."
Tahimik akong sumunod sa kaniya. Nasa likod ng kusina ang maids quarter. Grabe! Ang laki rin ng spasyo. Parang paupahan lang na bahay ito. May kaniya kaniyang pinto ang bawat kwarto.
"Manang, puwede ba kitang tawaging lola na lang. Bilang respito ko na rin po."
Tumango siya sa akin kaya napanatag ang loob ko. Mukha siyang strikta pero nakikita kong mabait naman siya.
"Ilang po ba ang katulong dito?"
Binalingan niya ako nang nasa tapat na kami ng saradong pinto.
"Siyam kaming kasambahay dito at pangsampo kana ngayon."
Napa-o shape ang bibig ko. Biruin mo apat lang na members ang pamilyang nakatira dito pero napakarami ng tauhan.
"Ito ang kuwarto mo. Magpahinga kana muna. Nasa kusina lang ako at kung may kailangan ka ay puntahan mo lang ako."
Ngumiti ako sa kaniya. "Salamat po."
Pagkaalis ni Manang ay ginala ko ang paningin. Maliit lang itong kwarto ko pero may mga gamit naman. May standing electric fan at maliit na cabinet. Mayroon din Cr kaya okay na okay na ito.
Nilabas ko ang mga damit ko at pinasok sa cabinet. Kaunti lang ang dala ko dahil wala naman akong gaanong damit sa amin. Kapag may sahod na ako at off day ko ay mamimili ako ng bongga. Babaguhin ko kung anong fashion ko sa probinsiya. Napangiti ako sa mga naiisip.
Bago ako nagpahinga ay tinawagan ko muna sina nanay at binalitang nakarating na ako dito sa Maynila. Nakaramdam ako ng uhaw at gutom kaya mabilis akong bumangon. Inayos ko ang sarili bago lumabas ng kwarto at hinanap si Lola Raquel.
Nagmamadali akong pumasok sa loob kaya hindi ko nakitang may nakasalubong ako. Napapikit ako at napaupo sa sahig nang may malaking katawan ang bumangga sa akin.
"Uff!"
Agad akong napadilat at tumingala sa nagsalita. Tumigil ang mundo ko nang makita si Nikos. Si Nikos, ang Nikos Salcefuedez ko. Siya nga ito, hindi ako nagkakamali.
"Miss, are you okay?"
Hindi ako makapagsalita. Basta na lang akong nakatitig sa kaniya. Ang guwapo talaga!
"Miss. Hello! Okay ka lang ba?"
"Mary!"
Napaigtad ako nang lumapit si Manang at hinawakan ako sa braso. Ngayon ko pa naramdaman ang papanakit ng balakang ko nang matumba sa sahig.
Para akong tanga na magkasunod sunod na tumango kay Nikos.
"O-opo sir. . .pa-pasensya na po."
Ngumisi siya kaya muli akong na-hypnotize.
"She is new?" Tanong niya kay Manang.
Tumango si Manang sa kaniya. "Kararating lang po niya ngayon sir galing sa probinsiya kaya ipagpaumanhin ninyo po kung nagkamali siya."
Napalunok ako ulit. Bumuntong-hininga si Nikos.
"It's okay, Manang. Aksedente lang naman iyon."
Hindi na niya ako pinansin at lumabas ito ng kusina. Napahinga ako ng maluwang nang maglaho siya sa paningin ko. Nakakahiya ako nang matulala sa kaniyang harapan. Para akong tanga at walang pinag-aralan.
"Mag-iingat ka sa susunod Mary lalo na kung si Sir Rey ang makakasalubong mo. Masungit iyon at bugnutin." Bulong ni Manang.
Nakaramdam ako ng kaba. Parang iba yata sa expectations ko itong nadatnan ko.
"Nagugutom kana ba? Halika dito at kumain ka muna."
Nahihiya akong ngumiti kay Manang. Kahit papaano ay may malasakit siya sa akin. Susubo na sana ako nang makarinig ako ng malakas na boses ng babae.
"Manang!"
Para siyang inipit kung makasigaw. Pumasok nang kusina kaya nakita ko ang mukha niya. Agad kong binaba ang kutsara at humarap. Si manang na rin ay iniwan ang ginagawa at hinarap ang ginang. Ang ganda niya at may mga palamuti sa katawan.
Maayos na maayos ang kasuotan at maraming alahas. Makapal ang make up kaya kahit may edad na siya ay napakaganda pa rin.
"Madam?"
"Sinong naglinis ng kuwarto ko kanina? Pakisabing pakiulit at linisin ng maayos ang banyo!" Pasigaw siya na nagsasalita.
Dumagundong ang dibdib ko sa kaba at takot mula sa ginang na ito. Binalingan niya ako at tiningnan kaya muntik na akong matumba sa nerbiyos.
"Sino ang batang 'to?" Maarti niya akong tinuro.
Nilingon ako ni Manang. "Siya po iyong bagong rating na kasambahay galing sa probinsiya."
Tumaas ang kilay ni Madam Laura at pinasadhan ako ulit ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ako nagsalita at tumango lang sa kaniya. Natatakot akong makipag-eye contact sa kaniya.
"Ah, iyong galing sa liblib na bundok. Sige, turuan ninyo siya sa gawaing bahay. Walang alam ang mga tagabundok kaya ayaw kong may masira siya rito sa loob ng pamamahay ko lalo na at mamahalin ang mga gamit rito!"
Tumalikod na siya pagkatapos sabihin iyon. Umawang ang mga labi ko at muntik na akong maiyak sa pang-iinsulto niya. Kung alam kung ganito pala ang madadatnan ko rito ay sana hindi na ako sumugal.
"Huwag mo siyang pansinin Mary. Basta gawin mo na lang ng maayos ang trabaho mo." Alo sa akin ni Manang nang mapansin na maiiyak ako sa sakit.
Tumango ako. Binalikan ko ang pagkain. Habang nginunguya ko ang kinakain ay tumulo ang luha ko.