Mary Hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong ginagawa sa akin ni Madam Laura sa araw araw dito sa Palasyo. Palagi akong nalilipasan ng gutom dahil pinag-uutos niya sa mga kasambahay na huwag akong bigyan ng pagkain hanggang sa hindi niya sinasabi. Para hindi magtaka ang papa ni Reymond ay kasama nila ako sa hapunan at ang bait bait ni Madam sa akin. "Mary, Hija. Okay ka lang ba dito sa Palasyo? Bihira lang kitang makita, tuwing hapunan lang." Tanong ni Chairman. Napalunok ako sabay tingin kay madam Laura. Ngumiti siya sa asawa at siya ang sumagot. "Honey, nag-aaral online si Mary since nag-drop out na siya sa school kaya busy siya palagi. Hindi ba, Mary?" Tumango ako sa kanila. Pero itong mga kamao ko ay kumuyom sa galit mula sa babaeng ito. "Kaya naman pala." Tumawa si Chairma

